Chapter 1

31 0 0
                                    

Bakit ganon? Bakit kailangang laging dehado? bakit hindi pwedeng maging habang buhay masaya? Sa mundong 'to, Ang daming 'bakit' na gusto kong isigaw

"MISS ANO BA?! magpapakamatay ka ba?! kung gagawin mo un wag kang mangdamay!"

Ang bastos naman nitong manong na 'to. Hindi ko namalayan na nasa gitna na pala ako ng kalye. Buti na lang umalis na ung mayabang na may kotse na un. Ang sakit sakit na ng mata ko. Sinabayan pa ng ulan. Kung kelan naman pagabi na tsaka umulan. Wrong timing.

"miss sakay kana" napalingon ako sa likod. Bakit ba pag nakakakita ako ng lalaking kasing katawan at kaedad niya naiiyak nanaman ako? pambihirang mata 'to.

"basang basa kana sa ulan" napasakay na lang ako ng tricycle. Wala rin namang nagdaraan na kahit ano dito. baka yata kasi umuulan. ang tatamad naman ng mga tao ngayon.

Hindi ko maiwasang mapaiyak. Pagod na ako. Kung sa kakaiyak o sa nalaman ko, di ko na alam.

"aray!" panira naman oh. nadulas pa 'ko sa kinauupuan ko. hayy buhay. T-teka. Nasan ako? O_O

Napalabas ako ng tricycle para silipin ung driver. WALA!? huy di ko alam 'tong lugar na 'to! Broken Hearted ako pero hindi ako desperadang mamatay!

Nahagip ng mata ko ang isang tao na nakaupo sa may bench. Nasa park pala ako. Safe naman siguro 'to diba?

no choice. Nalapitan ko ng di oras ung lalaki. Naka yuko siya at naka sumbrero. Naka long sleeves din.

A-ang gwapo.... Eto b-ba talaga un? u-ung tricycle driver? pero di pa din pwedeng magpakampante. Malay ko ba kung murderer 'to?

"gising kana pala" sabi niya ng di lumilingon

"a-an-anong ginagawa natin dito?! bakit mo ko dinala dito?! kidnapper ka no?!" hindi ko maiwasang mapasigaw. mahal ko pa buhay ko kahit papaano no.

"wag kang matakot. Di naman ako criminal. Rapist lang” sabi niya

“LUMAYO KA! SHEMAS. TULONG! TULO-“ tinakpan niya ng kamay niya ung bibig ko para di ako makasigaw. Pero ang lambot ng kamay niya ah. Lalaki ba talaga ‘to?

“joke lang un. Di kita aanuhin. di mo ba ako nakikilala?” tapos tinanggal na niya ung kamay niya sa bibig ko

“talaga po? nagkita na ba tayo?”

“nevermind. oo naman. Gusto ko lang malaman kung bakit ka umiiyak kanina?" huh? concerned? mukha naman siyang mabait. Ang gwapo pa. Ang kinis pa. Tricycle driver ba talaga 'to?

"wala po. pasensya na po. I don't talk to strangers" parang nalungkot yata ung mukha niya

"mapagkakatiwalaan naman ako" nakayukong sabi niya.

napaisip ako. kailangan ko rin naman ng kausap. so why not? umupo ako sa tabi niya sa bench.

"nakita ko kasi ung boyfriend ko na may kahalikang iba. Una sinabi ng mga bestfriends ko sakin na may kasama siyang iba. Ayokong maniwala. k-kaso" napayuko na lang ako at nanlalabo na paningin ko dahil sa mga luhang gustong tumulo.

"nakita ka niya?" I shook my head.

"tss. Dapat pinipili mo matitinong lalaki" Grabe parang di siya lalaki ah.

"hindi ko naman siya as in 100% mahal. mga 60% lang. Ang hindi ko lang kasi matanggap...." naramdaman ko namang nakatingin na siya sakin. parang naghihintay ng kasunod na sasabihin. nahihiya ako sabihin -_-"

"na?"

"naloko ako. 1st boyfriend ko siya" napatingin naman ako sakanya

"unang minahal mo din?"

"hindi"

after a long silence. bigla siyang tumayo. Tumayo na din ako no. Baka kasi maiwanan ako dito. Buti na nga lang di niya tinanong sino ung una.

"halika. May ipapakita lang ako sa'yo" ang weird. stranger tas may ipapakita agad?

sumunod na lang ako at pumasok ulit sa loob ng tricycle. Parang familiar 'tong tricycle na 'to ah?

"manong ikaw po ba ung nasasakyan ko everyday?" di ko maiwasang magtanong. Eto lagi ung nasasakyan ko tuwing umuuwi ako galing school O_O

"ngayon mo lang napansin?" tama ba ang narinig ko? tumawa siya ng mahina? ang cute naman ng tawa neto.

pero seryoso tadhana un? or siya lang nasasaktuhan kong sakyan?

"at ang mura ng singil niyo sakin? sampung piso? edi alam niyo na po ung bahay ko?"

"oo"

eh bakit hindi niya ako dun dineretso? anubanaman ang mundo. Hayy.

Mga sandaling minuto lang at huminto siya. Napatingin ako sa building na nasa gilid namin halos.

Isang orphanage

anong ginagawa namin dito?

tinanggal niya ung sumbrero niya at itinupi ung long sleeves niya. Okay. Sige na. Siya na nagtransform. Siya na gwapo. tapos tricycle driver?! di ako makapaniwala

"halika. sama ka muna" sumunod na lang ako sa kanya

Pagpasok namin may mga batang sumalubong sa amin. Actually sakanya. At pinag yayakap siya. Kainggit

"kids. Meet ate..."

"Sheena" Sabi ko naman. Hindi pa pala ako nagpapakilala sakanya. Kanina ko pa siya kausap pero di padin magkakilala. Nako naman.

"HI ate Sheena!!" tapos niyakap na din nila ako. Ang cute nila. Hindi akalaing nasa orphanage sila.

"Kuya ang tagal mo nang hindi pumupunta. akala namin kinalimutan mo na kami eh" sabi naman nung isang batang babae na hawak ni manong driver. naka dress siya na pink tapos may ribbon na light pink na ginawang headband.

May naaalala ako sakanya. Sa ribbon niya. Pati sa kulay. Bakit ngayon pa?

"Kids, di rin kami magtatagal ni ate ah. hinahanap na siya sa kanila eh" ayy sayang naman/ Cute pa naman sila

"di pa ba tayo pwedeng magtagal?" tanong ko. Gusto ko pa magtagal

"tignan mo kung anong oras na" tumingin naman ako sa wrist watch ko.

O__O 8:35pm na?! gegerahin na ako ni mama nito O_O

"hala. i need to go home" halata naman niya ung shock sa mukha ko dahil agad niyang binaba ung bata at nagpaalam na

" balik ako bukas kids ah. Sige bye!" nakita ko naman siyang nilingon ung mga bata bago kami lumabas ng gate. Tinapat niya sa kabilang kanto yata ung tricycle.. Siguro para di makita ng mga bata. Pero bakit?

marangal na trabaho naman un ah?

"magkano manong?" tanong ko ng makarating na kami sa tapat ng bahay

"wag na. libre na un" tapos bumaba siya at syempre ako din.

papasok na sana ako ng gate kaso nagsalita siya ulit

"Lance"

"ha?"

"pangalan ko. Sheena sayo diba?"

"yup. Sige ingat Lance" pumasok na ako sa loob ng bahay. at as expected, nakaupo si mama sa may sofa.

"san ka galing?" worried na tanong niya. nakita yata niya ung mata ko.

"diyan lang. tulog nako. pagod na ma." nag nod na lang siya. Gets na yata niya?

Umakyat nako. at automatic, nabasag ko ang mga picture frame na nasa taas ng drawer ko na puro picture namin. Pagkatapos niya akong lokohin. Psh.

Nag-shower na ako at humiga. Di pa din ako makapaniwala sa mga pangyayari. May nakilala akong driver na gwapo. Naloko ako ng boyfriend ko. Great. 

My Eternal PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon