Chapter 3

26 2 0
                                    

"anong ginagawa mo dito?" naninigas ung mga paa ko, ayaw gumalaw at umalis. Nakatayo lang ako at hawak hawak pa din ung doorknob gaya nung binuksan ko 'tong pinto

"Ina let me explain. Please" Sabay aabot na niya sana ung kamay ko pero nilayo ko ito. Aba himala gumalaw na kahit parte lang ng katawan ko.

"wag na wag mo 'kong tatawagin na Ina. Sheena ang pangalan ko." emotionless na sabi ko

"Nagawa ko lang naman un kasi miss na kita"

"miss mo 'ko? kaya ka nakipaghalikan sa malanding yon? parang the day before nun nagkita tayo ah. Hah. Lumayas ka na Christian kung ayaw mong ipatawag ko ung guard"  Di ko na kaya. Gusto ng tumulo ng luha ko.

Isa nanaman ba 'to sa mga kasinungalingang pinagsasabi niya?

"Shee-"

"alis" Pinutol ko na ung sasabihin ni Christian. Baka kasi mas masaktan lang ako. Di ko na kaya muna sa ngayon makausap siya.

OA na kung OA pero kasi. Nasasaktan ako. Sayang ung 3 taon namin.

"Kung yaan ung gusto mo. Pero gusto ko lang malaman mo na mahal kita. Mahal na mahal" tapos umalis na siya.

mahal na mahal din naman kita eh. gusto kong sabihin. Kaso pagod nako. Wala nang pumapasok sa utak ko.

Hindi ko namalayang napaupo pala ako sa sahig ng tumutulo ang luha. Na parang aso na nawalan ng amo.

Hindi ako makatayo. Hindi ko namalayang ganun lang pala ako ng ilang oras. buti na lang walang taong gaano na dumadaan.

"Sheena?" napaangat ako ng ulo dahil sa pamilyar na boses na tumawag sakin.

"kuyang driver?"

"Lance na nga lang. pwedeng makiupo din?" umurong ako ng kaunti para makaupo siya. Medyo payat naman siya at maluwag luwag ung space.

Pinunasan ko na ung mga luha ko. Nakakahiya naman kasi sakanya

"Bakit ka nga pala napadaan dito?"  nagtatakang tanong ko. oo nga naman. Pano siya napunta dito?

"May pinuntahan lang akong kaibigan na kastreet mo" 

"ahhh" yumuko na lang ako. Para di gaano awkward. Di naman kasi kami ganun kaclose pa. Although madali siyang makaclose.

Tsaka feeling ko komportable ako sa kanya. ewan ko ba kung bakit.

"Bakit ka umiiyak kanina?"

"ha? kelan? hindi ha. Ang lakas lang kasi ng hangin kanina"

"wush. Laos na mga ganyang palusot. Tulala ka pa nga eh" okay sige na siya na nakakita. Alangan namang sabihin ko? Baka isipin niya FC ako?

"sa ex mo nanaman ba?" napatingin ako sakanya

"manghuhula ka ba?" napatawa kami ng mahina pareho. Buti naman medyo gumaan ang atmosphere ko.

"O dali bakit nga?" sabi niya.

"Nagpunta siya kasi kanina dito kanina. Gusto magexplain" tumingin na lang ako sa mga daliri ko na nanlalamig na

"then?"

"pinaalis ko siya"

"bakit?" walang tono niyang tanong

"Eh natatakot akong baka maniwala nanaman ako sakanya sa pang apat na pagkakataon"

naaalala ko nanaman ung memories. ano ba naman!

"pang apat?!" napatingin ako sa tanong niya

"oo. Ang bait ko no? ha-ha-ha" eto nanaman tumulo nanaman mga luhang di dapat tumulo

"shh. Wag ka ng tumawa kung nasasaktan ka din lang"

"ma-martyr ba ko masyado?" 

"Nagmahal ka lang"

nagulat ako kasi bigla niyang inilagay ung kamay niya sa likod ko at hinila niya ako papunta sakanya ng mahina at niyakap.

Eto na. Eto ang kailangan ko. A shoulder to cry on. Mas lalong lumakas ang pag iyak ko. Pero patuloy pa din siya sa pagtapik ng mahina sa likod ko.

Ilang minuto din akong nakayakap sakanya. Nung medyo okay na ako, Kumalas na ako sa yakad dahil baka dumating pa sila mama ng ganun lang ung position namin.

"oo nga pala. sal-" naputol ung pagsasalita ko kasi biglang tumunog ung phone niya. May nagtext yata

Binasa niya un at parang medyo na bigla.

"bakit?" nagtatakang tanong ko. Clueless naman ako

"i need to go. Goodnight na. May emergency lang. Sorry di kita macomfort ng matagal" tumayo na siya, tumayo na din ako. Ang kaso lang...

Di ako makatayo, hindi ko maigalaw ung binti ko. Sa sobrang tagal ko sigurong naka upo at naipit ung binti ko

"tara" napatingin ako sakaniya. Inooffer niya ung kamay niya. Inabot ko naman. Wala namang kaso dun diba?

" Pano ba yan? friends na tayo?" tanong niya sakin

"Friends. Thank you sa lahat ah."

"haha. wala naman un."

"sige baka masyado ka ng kailangan sa emergency na un. Bye na" kumaway nako sakanya at tumalikod na siya.

Nakakailang hakbang pa lang siya nung huminto siya at lumingon sakin.

"may.... may gagawin ka next week?" parang nag aalangan siyang itanong

"huh? wala naman? bakit?" eto ba un? ung sa movies? ung yayayain sila mag-date ganun?

"wala lang. Sige ingat bye"

"a-ah o-kay" Nakakapagtaka naman 'to. Hindi kaya sped 'to?

Hindi naman siguro.

Hayy. Makapasok na nga lang at nilalamig na'ko dito.

Pumasok ako. Kaso parang may naapakan akong matigas na bagay.

Tumalikod ako ulit at napatingin. Isang susi? O_o

Hindi 'to sakin. Para 'tong isang susi na sosyal na parang sa mga pang garden ganun. Ewan di ko madescribe. Pero ang ganda. Para 'tong pendant na ewan.

Suot ko kaya? kaso wala naman akong kakabitan nito. Tago ko nga lang.

Pumasok na lang ako ng kwarto. Maaga pa naman. Tinignan ko ung phone ko at 8:17pm na wala pa din sila mama?

Humiga na lang ako ng kwarto at tinignan ang picture ng dalawang bata na babae't lalaki

My Eternal PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon