"Okay class that's it. Dismissed. Ingat sa mga may gala ah"
Nagtawanan na kami sa sinabi ni Sir Castillo. Coolest professor ever. Last subject na kasi namin siya.
4th year college na kaming magbabarkada. Ako, Tricia at si Ysa. Pareho din kami ng course. BS Psychology.
"Uy gusto niyo gumala?" tanong ko sakanila. Nag aayos na din kasi kami ng gamit para maka sibat na.
"Wow ang Maria Clarang laging nasa bahay nag aayang gumala? bago yan ah!" Sabi ni Tricia na sa ngayon parang nakakita ng multo.
"Dali na friends. Maaga pa naman. Tanghali pa lang oh" Pagmamaka awa ko sakanila. Gusto ko lang kasi makalimot at magsaya.
"Friend sorry ah. Pupunta kasi kami ni Tricia sa company ngayon. Pinapapunta kami ni Dad. May meeting daw kasi sila kaya iba muna daw ang mag tuturo samin ngayon." Explain ni Ysa.
"magtuturo?" nagtataka kong tanong. Nakakapagtaka naman talaga. Biglaan?
"Yes. Yung mga dapat gawin para lumago ung kumpanya." -Tricia
Ang swerte naman nila. Pagka graduate may trabaho na agad.
"Okay. Sige na nga. Tara na" Tumayo na kami at naglakad.
Habang naglalakad si Tricia may kausap sa phone. Si Ysa may katext. Okay ako na OP.
Nasa may hagdanan na kami palabas ng building nang nagsalita sila. Buti naman.
" Bakit nga pala gusto mo gumala Sheen?" Sabay tago ni Tricia ng phone niya.
"gusto lang magsaya't makalimot?" mukha namang nagulat si Tricia dahil tumigil siya sa paglalakad. Napatigil din naman kami ni Ysa. Humarap siya sakin at hinawakan ung mga balikat ko at hinarap sakanya. Minsan talaga weird 'tong kaibigan kong 'to haha.
"Sheena Alleana makinig ka sakin. Akala ko nag aaya kang gumala kasi nagbago ka na. Akala ko naisip mo na matapos ng ginawa sayo ni Christian ay matatauhan ka na. Magbago ka na! nandito naman kami para tulungan kang magbago in a good way" Hindi naman siya mukhang galit pero nagulat ako sa mga sinasabi niya. Natatamaan ako.
"Hindi ka ba napapagod?! Kasi kami napapagod nang nakikita kang ganyan. Sheena 2 taon ka ng nagpapaka martyr dyan sa Ex mo! Hanggang ngayon ba naman na ex mo na nga lang siya ganyan ka pa din?!"
Napapagod din naman ako. Pagod na pagod na. Ayoko na nga eh. Kaso sabi ng mismong sarili ko kaya pa. Kaya ko pang magpanggap. Na masaya, na nalimutan ko na lahat ng sakit. Okay lang sana kung puro minor na sakit eh. Kaso over over sa major eh.
Gusto kong isigaw yang mga salitang yan. Kaso walang lumalabas sa bibig ko. Kundi mga luha sa mata ko.
"Sheena nandito lang kami oh. Hinding hindi ka namin iiwan. Ganyan ang mga magkakaibigan diba?" Sabi ulit ni Tricia. Si Ysa naman hinihimas ung likod ko ng isang kamay niya at ung isa naman hinahawi ung buhok ko.
Bumitaw si Tricia sa pagkakakapit sakin at niyakap ako. Ganun din naman si Ysa. Tunay ko nga kayong kaibigan.
Nag iiyakan lang kami sa ganung position. Buti na lang nakatayo kami sa may di masyadong ma-tao kaya wala gaanong nakakakita saming madrama dito.
*cough*
Napatingin kami sa umubo. Yung driver nila Tricia. Bumitaw kami sa yakapan position at pinunasan ang mga luha namin. Nakapark ung kotse nila sa halos 1 meter away lang samin.
"Miss ayoko po sana kayong istorbohin kaso po kinukulit ako ni Sir na sunduin na po kayo. Anong oras na daw po kasi kakatawag lang" sabi niya.
"Sige Bert susunod na kami ni Yz." umalis na si Manong Bert ba un.
"Uy pano ba yan Sheena una na kami ni Ysa?"
"Sige sige. Uuwi na lang siguro ako" kumaway na ako sakanila at sumakay na sila ng kotse. Hinintay ko muna silang umalis at ako naman ang lumabas ng gate at palabas na sana kaso parang may tumawag sakin.
Lumingon naman ako sa likod ko. Tama nga ako. Huminto ako sa paglalakad. May tumatawag nga. Tumatakbo siya papunta sakin. Ang gwapong nilalang naman nito.
"Uy Lance. Anong ginagawa mo dito? Asan na ung tricycle mo?" Tanong ko sakanya nung nakapantay na siya sakin at sabay na kaming naglakad.
"Ahh yun? Wala na" Parang umiiwas siya sa topic na kung ano. Baka siguro nanakawan? nasira? ayy nevermind na nga. Pero may isa pa akong napansin sakanya. Naka uniform siya. School uniform pa. At nanlaki ung mga mata ko sa gulat ng marecognize ko ung uniform na suot niya.
"sa CARSTAIRS UNIVIERSITY ka nag-aaral?!" di ko sinasadyang me emphasize ung 'Carstairs University' eh. Puro mayayaman kasi mga nandun tsaka puro may mga itsura. Puro gwapo't magaganda. Ang bali balita dun daw ung mga artista tsaka models eh. Ewan ko lang kung totoo. Siguro nagkataon lang. Maganda kasi ung school na un eh. Advance ung mga turo.
"ye-yes? why?" Nagtataka niyang tanong. Di na nakakapagtaka kung bakit ganito kagwapo 'tong kausap ko.
"W-wala. Nevermind."Ayoko namang ma offend siya sa gusto kong itanong no.
"Nagtataka ka kung bakit tricycle driver ako tapos dun ako nag-aaral?" tapos tumawa siya ng mahina. Bakit parang wala lang sakaniya? Hala nabasa niya iniisip ko? baka naoffend siya? pero parang wala lang naman sakanya?
"O-oo? " napayuko na lang ako. At least honest ako
"Haha. Let's say pinag-aaral ako dun ng isang matalik na kaibigan."
"O-oww okay" nahihiya pa din ako. Baka isipin niya judgemental ako ah.
"Bakit ka nga pala nandito?" pag-iba ko ng topic. Nang hindi naman awkward diba?
"Ahh. Wala naman kasi akong lakad ngayon kaya naisipan kong magkatapat lang naman school natin kaya hahatid na lang kita. Kung papayag ka?" Ay oh? hahatid ako? eh kung siya na lang kaya yayain ko? aha!
"ahh a-ano gusto mong gumala?" mukha naman siyang nagulat sa tanong ko pero binawi niya agad ng smile. Omy ang gwapo!
"Okay. Where?" Tuloy pa din kami sa paglalakad pero this time naka lagay naman ung kamay niya sa pocket ng pantalon niya. Aba'y mas lalo kang gumwapo hijo. Ang swerte ko na kasama ko to O_O
"hmm mall?" Dun lang naisip kong malapit dito eh. Bakit ba. Walang angalan. Haha.
"Sige sige. Bakit mo nga pala naisipang mag-mall?" Sabay tingin niya sakin. Nahuli tuloy akong nakatingin. Ano bayan Sheena. Porket gwapo lang?!
" Hmm wala lang. Pampawala ng mga iniisip?"
"Ahh. At kasama ako dun?" napatingin naamn ako sakanya. Paano niya nahulaan? ay este ang kapal naman nito!
"o-oy di ha! kapal" Lumingon naman ako sa ibang direksyon. Mahirap na. Baka mas lalong magyabang 'to
"Haha joke lang. Ramdam ko kasing nahihiya ka pa eh. Di naman ako nangangain"
"Huy. Lingon lingon din" Sabay hawak niya sa braso ko para iharap ako sa kanya.
"opo. Joke na po un. Kahit po ang yabang mo po pa rin"
"haha eto naman masyado ka palang seryoso" Natatawa niyang sabi sakin
"haha eto naman masyado ka palang maloko" natatawa lang din ako. Buti naman medyo gumaan gaan ang atmosphere.
"Dito na lang tayo oh! ayan na ung jeep" sabay nag para na ako sa jeep at huminto naman siya. Sumakay na kami. Kukuha na sana ako ng bayad nang nagsalita siya ulit
"Magkano dito? Diretso na ba 'to dun?" Huh? Ngayon lang ba 'to sumakay ng jeep?
"Ngayon ka lang nakasakay ng jeep? Ako na magbabayad. Ako naman nag alok eh" Sabi ko
"h-hindi kaya. N-nakasakay na kaya a-ako" hmm. Nauutal. Nagsisinungaling 'to haha.

BINABASA MO ANG
My Eternal Prince
RomancePast is past. But what if you can't still moved on? Sheena met Lance in an awkward situation. They became friends. She was heartbroken when they first met.He never fails to make her smile. He keeps on checking her everyday if she's alright. Then, su...