Chapter 6

24 0 0
                                    

 "Friiiiieeeeeeeeennnndd!!!! wake up!" huh? Ang aga aga pa! antok na antok pa 'ko!

"Friend 1:00pm na! susunduin pa natin si Ella diba?!" Ella? boses ni Tricia?

"Omygosh! seryoso?! akala ko-" Nahilo tuloy ako dahil sa pagtayo ng biglaan -___-

"Sheen may 1 hour ka na lang! di ka pa kumakain!" pagmamadali ni Ysa

"oo na saglit. Paabot nga nun!" Sabay abot sakin ni Tricia ng tuwalya na nakalagay sa inuupuan niya.

Nagmadali na akong maligo. Darating na pala ngayon si Ella. From London. Dun kasi siya nanatili ng 5 years. Dun siya nag college.Kaso ahead kami nila Tricia and Ysa ng 1 taon sakanya. Siya ang pinaka close kong pinsan. Kung tutuusin kabarkada na din namin siya nila Tricia eh. Mula pa kasi pagkabata lagi na siyang naka dikit samin.

"Sheen dun na lang tayo sa may Mcdo kumain ah!" Sigaw ni Ysa sakin habang naliligo ako.

Di na ako sumagot. Nagmadali na lang ako. Dagdag pa sa effort pag sumagot ako. Haha.

Nang matapos na akong magbihis, pumunta na kami sa kotse. Hineram ko kay mama. Para mas mabilis. Sana nga hindi traffic pag papunta ng airport eh.

Ang dami namang tao dito. Ganon ba kadaming Nagbalik dito sa Pilipinas or madaming lang sumusundo?

Maya-maya lang nakita na namin si Ella.

"MARINELLA BRATINELLA!!!!!!" Sabay lapit namin sakanya. Haha hindi pa din nagbago ang samahan namin. Nagyakapan kaming barkada habang patalon talon. Gumanda siya. Manang-mana sa pinsan niya! *ehem*

"Ella ganda mo na! mukha ka nang tao!!"

"Ang sama sama mo talaga Sheena!" Hindi niya ako tinatawag na ate -_- eversince na pinanganak siya dito.

"So ano magyayakapan na lang tayo dito!? gutom na ako! For my tummy's sake" Sabi naman ni Ysa.

Sumakay na kami sa kotse at saka nag kwentuhan ng tungkol sakanya. Hanggang ngayon wala pa rin siyang boyfriend -__-. Ang dami dami niyang manliligaw na matino! na gwapo! mayaman. Pero umaayaw din sakanya. Ang spoiled brat kasi. Except na lang kung may makakatapat siyang kaugali niya. hahaha!

Nakarating na kami ng Mcdo pero tuloy pa rin sa kwento. Ang madaldal na bratinELLA.

"Hmm eh ikaw Sheen? ano na balita sayo? bakit ang blooming mo at ang saya saya mo?" Ha? ako? blooming?

Napatingin naman silang lahat sakin. O_O

"Oo nga no. Sabi na may iba kay Sheen lately eh. Magmula nung tinanggihan natin siya na gumala. Diba Yz?" Sabay tingin ni Tricia kay Ysa.

"Oo nga no! may hindi ka kinukwento samin!"

"Hala sila wala ah!" At dahil dun nagsimula na silang mangulit. -__-

 "Alam ko na. Punta na lang tayo ng mall. Titingin ako novel books" Sabi ko na lang. Mang aasar lang kasi sila pag kinwento ko. Lalo na yang bratinELLA na yan at si Tricia. Magkasundong magkasundo -__-

"iwas topic siya!!" Sabay tulak ng mahina ni Tricia sakin

"Siguro gwapo no?! gusto mo no!?" Sabay tulak naman ni Ella

"Ayiiiieee namumula ka sis!" Si Ysa naman tinulak ako

"OH SIGE ISUBSOB NIYO NA 'KO KAKATULAK! Ano ba! ang init lang kasi!" Sabay punas ng hanky sa mukha ko. haha. Iwas-blush move tawag ko diyan. haha. Madali kasing mamula mukha ko pag nadidiinan or napupunasan. Ewan ko ba. Pale daw kasi ako?

"GUSTO NGA NIYA! " sabay sabay nila sabi. Hay nako!!!

Tumigil din silang tatlo sa kakaasar ng dinala ko sila sa mga accessories.Weakness nila. Mga kikay kasi sila. Ako naman mahilig sa novel books.

"Sa fully booked naman tayo!" Hila ko sakanila. Atat na ako maka discover ng bagong pagnanasaan na libro. Haha.

"Miss.Miss, may nagpapabigay po sa inyo" Napalingon ako sa batang humahatak ng pants ko. Ang cute!!!!!!!!!!! Lalaki siya na siguro mga 5 yung age. Tapos ang puti at spikey yung hair. Cute!

Napatingin kami sa hawak niya. Nakabalot ng national bookstore. Parang shape ng book. Huh? Delivery?

"Baby sinong nagpapabigay?" Lumuhod ako sa tapat nung bata para makatingin siya sakin ng di nakataas ung ulo niya. ka level lang ako ng eyes niya. Cute talaga!

"Basta po. Ayaw ipasabi pero tawagin na lang daw po siyang pogs" Napa O_o kaming 4 nung bigla akong tinakbuhan nung bata. Pogs? diba yun ung laruan ng mga bata? yung bilog? huh?

"Friend buksan mo!" sabi ni Tricia. Binuksan ko naman. At infairnesssss! Novel book siya! 'The Catastrophic History of You and Me' ung title.

"Cous mukhang maganda!" Sabi ni Ella. Oo nga. Pero sino naman kaya magbibigay nito?

"Sis may secret admirer ka ba or stalker?!" sabi ni Ysa ng nakatitig ang mga malalaking mata sakin.

"E-ewan ko? eh ngayon lang may nagbigay sakin no!" Sabi ko naman at naglakad na kami paalis. Di ko namalayang nakatayo na pala ako. Haha sa sobrang pagtataka?

"So pupunta pa ba tayo fully booked? eh may book ka na?" Hmmmm.

"Wag na siguro. Basahin ko muna 'to"

"So....... May dapat kang ikwento samin diba?" Hayyyy! Di pa pala kami nakaka alis sa topic na 'to.

"Ocake fine. Kulit niyo din no?" With matching tired looks pa

"Sure. Gusto namin malaman b't ka blooming" Excited na sabi ni Ella

At ayun na nga. Naikwento ko ang aking hindi malaman kung ikinablooming ko ba yun.

"Gosh!!!!! Hot? Gwapo? maputi? tapos tricycle driver?!!?!?" Nakakalokang reaction ni bratinELLA marinella. Likas na maarte na yan minsan. Nasa dugo na niya yun. Except na lang kung gagawin mo siyang kalansay.

"Oo nga naman Sheeeeen! bakit?!" Magmula ng matapos ako magkwento bakit ng bakit 'tong si Tricia. Di ko malaman bakit. Si Ysa naman tulala na nagbablush.

" Marangal naman na trabaho yun ha?" Sabi ko naman.

"oo nga Sheen. Pero kasi. Walang ganun dito sa Pilipinas! Di mo nanaman ginagamit utak mo!" sabi ni Tricia na ang lakas ng boses at katabi ko pa.Parang nasa kabilang bundok pa 'ko kung makasigaw!

" Eh kasi okay na naman sakin na napagkakatiwalaan siya. Malay mo may financial problem sila diba? kaya naghirap ganun?" Napatigil naman sila at mukhang nag isip. Sino ngayon ang di nagiisip samin ngayon?! hah!

"Pero kasi Sheen. Ipakilala mo nga siya samin!" eager na eager na sabi ni Tricia.

"Sige. Pero First, umupo muna tayo. Ang sakit na ng paa ko. Kanina pa tayo lakad ng lakad at uhaw na ko" Sabay dirediretso kong pasok sa may Pizza Hut. Yun na lang kasi malapit na kainan. Yung iba malayo pa.

Sumunod din naman sila at nag order na kami. Gutom nanaman ako -__-

"Hey C.R. muna ako ha? wag niyo kainin food ko ha?" Sabi ni Ella samin at umalis na.

Maya-maya mga konting kwentuhan pa, dumating na yung mga orders namin. Hinintay na namin si Ella bago kumain. Ugali na kasi namin yun, pag wala pa ang isa,hintay muna.

"Ang tagal naman yata ni Elle?" Sabi ni Ysa. Oo nga. Mga 30 mins na siyang wala.

"Baka tinawag ng kalik-" Naputol ko tuloy pananalita ko. Bigla na kasing umupo si Elle mula sa likod ko. At take note, nagmamadali siyang umupo.

"GRRRRRR!" Sabi niya sabay kagat ng pizza niya.

"Hey girl an'yare?" Curious naming tanong.

"Pakainin niyo muna ako!" Galit niyang sabi. Aba samin pa galit? kaya kumain na muna kami. At nagtawanan na lang sa mukha niya. Mukha kasi siyang tiger na papatay ng tao. Haha

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Eternal PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon