*ala ala mo sa akin ay gumugulo, bakit di na lang pawiin ang hapdi sa aking puso*
ingay naman. Kinapa kapa ko na ung IPhone ko sa ilalim ng unan ko.
"Hello?" sagot ko habang nakapikit pa ang mata. Ang aga aga ha.
"Sheen?"
"ay uyy Tricia, aga ha. bakit ka napatawag?" nakapikit pa din ako. nako naman. inaantok pako.. Ganda pa naman ng panaginip ko.
Si Tricia. Ang bestfriend kong ang tagal tagal na. buti nga di kami nagkakasawaan ng mukha eh. haha.
"May nabalitaan ako. okay ka lang?" eto nanaman. okay na eh. medyo nakakalimutan ko na eh. Kaso eto nanaman. Christian nanaman ba? yung lalaking nanloko lang sakin? yung may pa infinity infinity pa, nasan na siya ngayon? magsama sila ng bisugong babaeng yun.
"oo naman." maikli kong sagot
"kwento mo girl!!" excited niyang tanong. kaibigan ko ba talaga to? haha.
"saya mo ah. eh. tinatamad ako"
" eh para magantihan na natin. Sabi na may kababalaghan diyan sa Christian na yan dati pa eh" sabi na eh. May binabalak 'to eh.
Palibhasa sikat kasi si Christian. Ang galing niya kasi sa lahat ng sports. Tapos kasama pa sa Top 10 na pinaka mayayaman na student samin. "rich parent". Wala pa naman silang sairiling pera eh. Puro sa magulang nila. Pero ung iba kung makapagyabang wagas.
"punta kami diyan?"
"mga anong oras?" *yawn*
"after lunch. halatang inaantok ka pa eh"
"aga aga eh. sige bye na. Back to sleep"
"sige bye" sabay baba niya ng phone. tinignan ko ung oras. 7:30 palang naman ng umaga eh. tulog muna
Ang ganda. Puro mababangong halaman, magagandang puno. Habang naglalakad may naaninag ako sa di kalayuan. isang gwapong lalaking nakasakay sa kabayo. Prince Charming ko? Lumapit ako. Naramdaman yata niyang nandoon ako kaya't lumingon siya ng mahinahon. Hindi ko gaanong maaninag ung buong mukha niya.
Pero alam kong gwapo siya at parang mga prinsipe sa disney ang dating. Naka sideview siya at parang ayaw niyang lumingon. kinulit ko siyang lumingon. ayaw niya. Kinulit ko ulit. Mukhang lilingon na siya. dahan dahan niyang iniharap ung mukha niya. Sinilip ko iyon habang lumilingon siya. Malapit ko ng makita. umikot na siya a-
"ARAY!" nagising ako ng biglang may dumagan sa akin
"girl 2:00pm na!! Ang bantot mo na!" ha? 2:00 na?!
Ang ganda na ng panaginip ko eh! panira naman 'to si Tricia oh. Napaupo tuloy ako ng di oras. Kasama din niya si Ysa. yung isa pa naming bestfriend.
"oy tigil mo yaaan!" sabay bato ko ng unan. picturan ba naman ako eh ang gulo gulo ng buhok ko -__-"
"HAHAHA itsura mo Sheen!" napatalon naman ako sakaniya at tinignan.
"okay lang maganda pa rin ako"
pumasok na ako ng bathroom at naligo and nag toothbrush.
"oy ano na nangyare? kalat na sa school hiwalayan niyo" Curious naman masyado mukha nitong si Tricia. haha.
"kasi nasa School ako nun. May kukuhain lang ako sa locker. Kaso napag isipan ko munang mag CR. Nakita kong may nagp PDA dun. Naghahalikan. Pumasok na ako sa loob ng CR. Nung lumabas na ako, tumigil na sila" napahinto ako sa pagkwento. Nangingilid ung luha ko. 'nanaman'.
hinimas himas ni Tricia ung likod ko bilang comfort. Minahal ko na din naman si Christian eh. Ngayon parang lumilinaw ung totoo nung nawala na siya sakin. Minahal ko siya, ng hindi nasusukat sa percentage.
Ang gulo gulo ko. nakakainis. Di ko namalayang tumulo pala ng tumulo ung mga luha ko.
"Sheen kung ayaw mong ituloy okay lang naman eh" pagpatuloy pa ni Ysa.
"Si Christian ung nakikipaghalikan eh. Ang argh lang. Parang wala siyang girlfriend eh"
"magiging okay ka din girl. Nandito lang kami. Gusto mo gumimik?" yaya naman sakin ni Tricia.
"ayoko. Gusto ko lang dito sa bahay"
"Edi nood na lang tayo? movie marathon?" Suggest ni Ysa. Yun na nga lang. Gusto ko din mag enjoy kahit papaano
Bumaba na kami at naghanap ng pwedeng makain dun at ng movie. Titanic napili nila. okay. Go na lang. Kahit pang isang dosenang beses ko ng napanood yan di pa rin ako nagsasawa eh. Ang ganda kasi. Ang tapat nila sa isa't isa.
"Huy tulala ka!" sabay tabig ni Tricia sa braso ko at tumawa ng bahagya.
"Wala may naisip lang" natawa na din ako sa kanila. Ung mga itsura kasi nila. Nakatunganga sa TV
Masaya na din ako dito. Sa piling ng pamilya't kaibigan ko. At least di nila ako sasaktan tulad ng ginawa ni Christian
Nagkulitan na lang kami pag tapos manood
"Ang panget mo umiyak Sheena. hahahaha!" saya ni Ysa ah.
"Ikaw din naman eh. Mas panget lang" nagpout naman si Ysa. Ang cutee!
"Ang hard mo Sheen! hahahaha" Si Tricia naman
"Kayo din eh" sabi ko ng natatawa dahil sa mga mukha nila. Hala
"Uy ano oras na?" Tanong ni Tricia sa akin
"mga 3:30 na. Bakit?" nagtataka kong tanong
"ayyy! uy Ysa patay tayo! tara na!" sabay tayo niya sa sofa. Anong meron?
"Ano meron?"
"May ka blind date kasi 'to si Ysa eh!" sabay kindat ni Tricia. Ahhhh. Kaya pala. Wala kasing tinatagalang ka blind date yan si Ysa eh
"Ay ohhh?! Sige na Gora!!" sabay tulak ko sakanila at nagbeso na
"sige ingat kayo!" hinatid ko na sila sa may gate namin. May naka park palang kotse dun. Kotse ni Ysa na may driver nga lang. kaskasera 'tong babaeng to eh.
"Hayyy. Kahit papano nalimutan din" bulong ko sa sarili ko habang papasok ng bahay. Inaantok nako. Di ko alam kung pagod ba'to or ano
Nung nasa may sofa na ako at para Linisin kalat nila, may nag door bell.
"sagliiit!" may nakalimutan kaya sila? wala naman dito eh?
Pagkabukas ko ng pinto, tumambad agad sa akin ang isang pamilyar na mukha

BINABASA MO ANG
My Eternal Prince
RomancePast is past. But what if you can't still moved on? Sheena met Lance in an awkward situation. They became friends. She was heartbroken when they first met.He never fails to make her smile. He keeps on checking her everyday if she's alright. Then, su...