Jungkook ~ When fake turns to real

203 7 1
                                    

Bigla nyang hinawakan ang kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kanya na nakatingin sa malayo. Tinignan ko kung saan sya nakatingin, at nakita kong doon sya nakatingin sa dulo ng hallway di kalayuan sa pwesto namin na nakaupo sa bench, nakita ko si Joana na naglalakad kasama ang boyfriend nya.

Nang malapit na sa harap namin sina Joana ay bigla nya akong niyakap ng mahigpit kasabay ng paglampas sa amin nina Joana.

Si Jungkook, ay Bestfriend ko, simula noong 2nd year high school kami. Oo, bestfriend ko lang sya kaya nga pumayag akong maging fake girlfriend nya diba? Kasi ang bestfriends nagtutulungan. Eto kasing bestfriend ko ay na-dump lang naman ng nag-iisang b*tch sa school na ito, dalawang buwan na rin ang nakakaraan. At dalawang buwan na rin namin tong ginagawa.

Tinanong ko na rin sya dati pa kung ano ang dahilan ng pagpapanggap namin...

"Gusto kong ipakita sa kanya na ginamit ko lang din sya at ipakita sa kanya na hindi ako nasaktan, kahit na sobrang sakit ng ginawa nya sakin..."

Kaya naman maraming babae sa school namin ngayon ang galit sakin, dahil ang alam nila ay girlfriend na ako ni Jungkook na dati ay bestfriend lang. Araw-araw akong may naririnig na mga bash para sakin..

"Pangit-pangit naman..mas maganda pa ako dyan eh!"

"Bakit iyan pa ang nagustuhan ni Jungkook oppa?!"

"Siguro ginayuma nyan si Jungkook."

Ilan lang yan sa mga naririnig kong bulong-bulungan araw-araw tungkol sa akin. Oo, ako nang pangit! kayo nga eh, maganda pero pangit naman ugali nyo! At hindi ko ginayuma si Jungkook! baka nga kahit gumamit ako ng gayuma ay hindi parin tumalab sa kanya.

Si Joana kasi ang long time crush ni Jungkook, ang malala ay niligawan niya si Joana ng 6 months! kahit na alam nyang isa itong playgirl. Nang maging sila ay hindi na ako nakakalapit kay Jungkook kapag nasa school dahil sa mga alipores ni Joana-ng nagbanta sa akin, na kapag lumapit ako kay Jungkook ay masasaktan ako. Hindi ko iyon sinabi kay Jungkook, dahil ayokong magkagalit sila noon. Kaya naman napabayaan namin ang friendship namin nang dahil sa Joana na yun. Pero tapos na yun, ok na kami ngayon.

Naging sila ng 2 buwan lang! akalain mo! mas matagal pa ang panliligaw nya! Kaya inis na inis talaga ako sa kanya nang makipaghiwalay sya kay Jungkook at pinagpalit doon sa new transfer student sa school na to at tapos ngayon iba nanaman ang boyfriend! kaloka! kada 2 months ang expiry date. Hindi ba nya alam na lagi na lang siya ang bukang bibig sakin ni Jungkook simula nang manligaw sa kanya yun? Kung napupurga ang tenga ko baka purgang purga na to sa dami ng narinig kong 'Joana' galing sa bibig ni Jungkook. Nang magbreak sila ay gabi-gabing umiiyak sakin si Jungkook at syempre nandon ako sa tabi nya para i-comfort sya. Pero ngayong buwan ay hindi ko na sya nakikitang umiiyak. Dahil siguro napagod na sya.

Kung ako na lang sana ang 'yong minahal di kana muling luluha pa~

Ganyan ang peg ko ngayon. Hayy..Kung sana ako na lang talaga, hindi ka sana iiyak ng ganyan at hindi ka masasaktan ng ganyan.

Ewan ko ba! Ang gwapo-gwapo naman nya pero yun pa nagustuhan, dami daming babae na nanliligaw sa kanya..kasama ako! Hahaha..joke!

"y/n. Ok na, kanina pa sila nakalampas." nagulat ako sa biglang pagsasalita nya. Hindi ko namalayan na feel na feel ko na pala ang pagkakayakap ko sa kanya dahil nakasandal na ang ulo ko sa balikat nya kanina pa.

"U-Uh. Sorry..hehe.." awkward kong sabi sa kanya at bumitaw na sa pagkakayakap.

Bakit ba kasi siya pa ang minahal mo..nandito naman ako diba?

Pagkatapos non ay umuwi na kami, dahil dismissal na din namin noon at naisipan lang naming abangan si Joana.

Nandito ako ngayon sa aking kwarto at naka-upo sa harap ng aking study table dahil naggagawa ako ng aking thesis nang biglang nag-vibrate ang aking cellphone na nakalagay sa tabi ko. Agad kong tinignan ang nagtext at nag-appear sa screen ang pangalan ni Jungkook. Binasa ko ito...

BTS Imagines (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon