Jimin X Suga ~ Promenade Pt. 2

44 2 0
                                    

y/sn - Your Surname

-------------------------------

Nandito ako ngayon sa malaking park ng aming school. Maaga pa kasi at wala pa ang mga Teachers na maghahandle sa amin. Ngayon kasi ang umpisa ng aming practice para sa aming Promenade. Nagsabi na ako sa aking parents tungkol sa Prom at si Mama na raw ang bahala sa aking susuoting gown. At si Papa naman daw para sa pambayad sa fee. Nasan si y/f/n? Ayun kasama ng Boyfriend nyang si Namjoon

Naka-upo ako dito sa isang bench na naka-pwesto sa ilalim ng puno. May mga classmates din akong nandito pero ako lang ang mag-isa. Ang iba ay nagtatawanan, nagkukwentuhan at nagkakainan. Samantalang ako ay nakatitig lang sa cellphone ko na hindi kagandahan.

Napalipat ang aking tingin sa mga paang tumigil sa aking harap, dahilan para tumaas ang aking tingin sa kanyang mukha. Nagulat ako nang makita kung sino ito..

"Pwede bang tumabi?" nakangiting tanong ni Yoongi sa akin.

"U-uh. Oo naman." pagsang-ayon ko at umipod sa pinakadulo ng bench at umupo sya. Maluwag naman ang bench pero kinailangan kong umipod dahil nahihiya ako, dahil pinagtitinginan na kami.

"You're Y/n, right?" tanong nya.

"Oo." hindi ako makatingin sa kanya.

"Lagi ka bang mag-isa?"

"Hindi naman. Minsan kasama ko si y/f/n. Kaso kasama nya yung Boyfriend nya ngayon. Kaya mag-isa ako." hindi parin aki makatingin sa kanya, na napansin yata nya..

"Hey? Nahihiya ka ba? Bakit ayaw mong tumingin sakin?" sabi nya.

"Don't worry hindi ako nangangagat." sabi pa nya at bahagyang nalatawa sa mga sinabi nya.

"Sorry. Hindi lang ako sanay." sabi ko ng naka-yuko. Nagulat ako nang hawakan nya ang balikat ko. Napatingin tuloy ako sa kanya.

"Don't be shy. Be confident. Okay?"

I nodded as an answer. Hinawakan nya ang aking pisngi at iniharap ang aking mukha sa kanya.

"Can I ask you a question?" taning nya.

"Oo naman." sabi ko na nakatingin na sa kanya.

"Can you b--" naputol ang sasabihin nya dahil may taong tumawag sa kanyang pangalan. Napatingin ako sa taong iyon at nakitang si Jimin pala ito. Patakbo syang lumapit sa amin--kay Yoongi.

"Hey." bati pabalik ni Yoongi.

"What are you still doing here? Kanina pa pinapapunta sa gym lahat ng Grade 10 students." itinuro nya ang speaker na nakakabit sa isang poste na kanina pa pala kinukuha ang atensyon ng lahat ng kasali sa Promenade practice.

"Ganun ba? Salamat. Busy kasi kami ni y/n, kaya hindi namin narinig." ani Yoongi.

Tumayo si Yoongi at kinuha ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya.

"B-bakit?" tanong ko.

"Let's go. Diba pupunta ka rin sa gym?"

"Y-yes..p-pero.." nabubulol kong sabi.

"No buts." hinila na nya ako papunta sa gym. At naiwan doon si Jimin na nakasunod sa amin ng tingin. Blangko ang mukha nya.

Bakit ba ganito ang Yoongi na ito?

Parang napaka-concern naman nya para sa isang katulad ko. Habang naglalakad kami ay nakahawak parin sya sa aking kamay, kaya ayan pinagtitinginan kami ng ibang mga students na nakakasalubong namin. May nakikita pa nga akong nagbubulungan eh. Ito naman kasing lalaking to' eh.

Nang makarating na kami sa loob ng gym ay pinapa-pila na ang ibang mga students na by section at alphabetical.

"Ah..Yoongi. Sa kabilang side yung pila ng section namin, kaya pwede mo na akong bitawan." sabi ko.

"Oh! Sorry. Sige. Yung sabi ko sayo ah! Be confident." he smiled and waved at me.

Napansin ko naman si Jimin na kapapasok lang ng gym. Nagtama ang aming mga mata pero agad syang mag-iwas ng tingin.

Pumunta na ako sa aming pila at dahil  y/sn  ang surname ko doon ako sa bandang (likod/harap/gitna) ng pila.

"Oh my god! Sino kaya ang partner ko!" rinig kong sabi ng isa sa mga classmate kong babae.

"Oo nga! Sana si Jin ang partner ko!" sabi pa ng isa sa likod ko.

"Ok! Please keep quiet!" sabi ng Teacher na nasa taas ng stage.

"I will announce the pairings for the entourage." patuloy pa nya.

"Blah-blah and blah-blah, Hoseok and Hazel, blah-blah and blah-blah, Taehyung and Ehra, Jungkook and Areum, blah-blah and blah-blah, Jimin and Anna, Yoongi and Yuna, Namjoon and y/f/n, Jin and y/n." (Kunwari madami pa yung sinabing names)

Nang sinabi ang pangalan ko kasunod ng kay Jin ay rinig na rinig ko ang violent reaction ng aking mga classmates.

"Bakit sya?"

"Ano ba yan! Walang kakwenta-kwenta ang gumawa ng pairings na yan!" ilan lang yan sa mga angal nila.

"Now. Please go to your assigned partners. And we will start the practice shortly."

Naiwan akong nakatayo dit dahil nahihiya akong pumunta kay Jin dahil baka ayaw nya akong maging partner. Sya kasi ang tinuturing ng classmates ko na "Classroom Handsome" (Worldwide handsome talaga yan) dahil sya ang escort namin. Nagulat ako nang lumapit sa akin si Jin.

"Uy! Tayo pala partners para sa entourage." pauna nyang sabi.

"Oo nga eh. Okay lang ba sayo?" nahihiya kong tanong.

"Oo naman. Ano kaba! Hindi naman ako mapili sa mga ganyan."

"Students! Please fall in line at the back." sabi ng Teacher na nasa taas ng stage.

Pumunta na kami ni Jin sa likod kasama ng iba pang mga students. Pinapila kami in any order. Ang nasa pinaka-harap ng pila ay sina Jungkook at ang partner nyang si Aruem, sumunod naman sa kanila sina Taehyung at si Ehra, sa likod nila ay sina Jimin at Anna. Sa bandang gitna naman ng pila ay sina Hoseok at Hazel, sunod ay sina Yoongi at Yuna, sa harap namin ay si Namjoon at si y/f/n.

"All you need to do is hold your partner's hand. You're going to walk from their to here hand in hand." Kinilig naman ang ibang mga babae habang ang ilang lalaki naman ay bahagyang umangal. Mabuti na lang at walang angal si Jin. Sana maging maayos ang pagpa-practice namin.

Sino kayang makaka-partner ko sa performance namin?

--------------------------------

Halos tatlong oras kami nag-practice para lang sa entourage. Mabuti na lang at napansin ng mga Teacher namin na ngawit na ngawit na kami sa kakatayo at kalalakad.

Naglalakad ako palabas ng gym nang bigla akong lapitan ni Yoongi, dahilan para mapatigil ako sa paglalakad.

"Y/n" tawag nya sakin habang hinahabol ang kanyang hininga.

"Tumakbo ka ba?" taka kong tanong.

"Hinanap kita sa loob, yun pala ay palabas kana. Kaya, hinabol kita." sabi nya kabang nakahawak sa kanyang tuhod.

--------------------------------

Because today is my Birthday! Here's my gift for you guys! 😊 abangan nyo yung pt. 3

BTS Imagines (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon