Jimin x Suga ~ Promenade Pt. 1

75 2 0
                                    

y/f/n - your friends name

-----------------------------------

Ilang buwan na lang ay matatapos na ang school year at malapit na kaming mag-senior highschool. At nandito kami ngayon sa classroom habang naghihintay sa aming Adviser.

"Ok, Class." banggit ng Teacher namin pagka-apak na pagka-apak sa loob ng aming classroom. Dahilan para magsitahimikan ang mga classmates kong nagdadaldalan.

"As you all know, the end of our school year is about to end..." sabi ng aming Teacher.

"I'am late because we had a meeting according to your JS Prom!" masiglang sabi pa nya. At nagsigawan ang lahat ng classmates ko. Ako? Eto poker face.

"Be quiet! Let me finish my announcement first!" saway nya sa amin. Kaya nagtahimikan sila.

"It is compulsary, so meaning to say all of you are going to attend. Your Promenade will be on next week. So it means you have no classes for 1 whole week because of your practice." pagkasabi nya noon ay tumingin sya sa akin. Na nagpatungo naman sa akin.

Siguro ay alam na nyang wala akong balak umattend sa Prom. Last year kasi ay hindi ako umattend dahil wala namang nagtanong ni-isa sa akin kung gusto ko silang maging partner. Kaya kung pumunta ako doon noong gabing yon ay baka maging kaawa-awa lang ako. May kaibigan naman ako, bestfriend pa nga eh. Hindi lang ako makasabay sa kanya..kasi iba sya sa sakin. Ang Bestfriend ko maganda, sexy, mayaman, may boyfriend, at campus sweetheart ibang-iba sa akin na 'Ms.No One' sa school na ito.

Pagkalabas ko ng classroom ay sumulpot agad ang aking bestfriend na si y/f/n.

"Huy! Y/n." tawag nya sa akin.

"Bakit? Y/f/n."

"Umattend ka ah. Kapag hindi ka umattend magtatampo na ako sayo. Last Promenade na natin to." sabi nya at inakbayan ako.

"Alam mo namang hindi ako mahilig sa mga ganyan. At isa pa, wala akong partner noh." sagot ko.

"Isang beses na lang to noh! At ako na ang bahala sa partner mo. Hindi mo ba alam na may new transfer student?sabi nila 'smoking hot' daw!" naka-smirk sya at tinap ang aking balikat.

"Hi Babe!" bati sa amin ng isang papalapit na lalaki na Boyfriend ni y/f/n na si Namjoon.

"Oh! Hi Babe!" bati pabalik ni y/f/n at inalis na ang pagkaka-akbay sa akin saka dumikit kay Namjoon.

"Let's eat na. Babe." yaya ni Namjoon.

"Y/n. Gusto mong sumabay samin kumain?" tanong sa akin ni y/f/n.

"A-ahh..wag na. Kayo na lang." sagot ko ng naka-ngiti.

"Sure ka?" paninigurado nya.

"Pwede ka namang sumabay samin. Y/n." sabi pa ni Namjoon.

"H-hindi, ok lang.." pagtanggi ko.

"Aalis na kami kung ayaw mong sumabay samin kumain." paalam ni y/f/n sa akin. Magkaakbay silang umalis papuntang cafeteria or kung saan man nila balak kumaing dalawa.

Hindi naman sa ayoko talagang sumabay sa kanilang kumain pero parang nakakahiya dahil couple sila tapos sasama ako sa kanila. Ano ako? Third wheel? No way! Never in my wildest dreams!

Pumunta muna ako sa aking locker para ilagay ang aking mga libro. Habang isinasara ko na ang aking locker ay nabitawan ko ang susi ko. Pupulutin ko na sana ito nang may isang taong naunang dumampot dito.

Napatingin ako sa kanya nang iabot nya sa akin ang susi. Hindi pamilyar sa akin ang mukha nya marahil ay transfer student sya. Baka naman? Ito yung sinasabi nila na 'smoking hot'? Kasi kung titignan mo palang sya sobrang hot nga nya. Singkit, sobrang puti, walang binatbat ang kulay ng balat ko.

"Here." At ang lalim ng boses nya. Kinuha nya ang isa kong kamay at inilagay doon ang susi.

"S-salamat..a-ah.." nabubulol kong sabi.

"I'm Yoongi." sabi nya at inabot sa akin ang kamay nya para makipag-shake hands.

Inabot ko ito. "Y/n"

"Yoongi ma boy!" napabitaw ako sa kamay nya nang dumating si Jimin. Ang aking ultimate crush. Sya ang ultimate campus heartthrob ng school na ito.

"Hey Man!" bati ni Yoongi sa kanya at nakipaghigh five.

"Who's that girl?" napayuko naman ako sa tanong ni Jimin kay Yoongi dahil parang hindi kami naging classmates ng tatlong taon. Dahil sa tanong nya ay parang nilalagari ang puso ko sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Tatlong taon! For God's sake! Tatlong taon ko syang naging classmate! Ni hindi man lang nya ako naalala?!

Oo, alam kong hindi ako pansinin kapag nasa classroom at lalo na kapag nasa campus dahil tahimik at low class akong tao. Pero bakit hindi man lang nya ako mamukhaan? O matandaan?

Ang sakit...

To be Continued...

-------------------------------

This is not a request.

Sorry kung maikli lang, sobrang busy kasi sa school eh. Abangan nyo yung Part 2!!

Thank you po sa pag-support! ❤❤

BTS Imagines (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon