“So this is where I leave you. You have to be careful Kera.”“Mamimiss ko yung mga mahihirap na trainings na pinapagawa mo Lo.” Sagot ko at saka niyakap siya ng mahigpit. He hugged me back more tightly.
“Is it really fine to use my real name while doing this assignment?” Tanong ko pa habang nakayakap pa din.
“Yes, for you to become less suspicious. If anything goes wrong, you can call me or the agency using the watch I gave you.”
(Two days ago..)
Nandito ako sa secret base ng agency ngayon. Well, except for the fact na dito ako madalas natutulog. I only have my Grandpa, my cousin Trevan and the people around here as my family. This agency is practically where I live now. Minsan minsan nalang ako umuuwi sa unit na binili ng lolo ko para sakin. And I easily get bored so I prefer staying here because there are a lot of things you can do here. Gaya na lamang ng panonood ng mga agents sa monitor habang ginagawa ang mga assignments nila. O kaya naman ay ang pagpunta sa firing range ng agency kung saan nagtetrain ang mga agents for their shooting accuracy and precision. Or pwede din sa Arena for training martial arts.
Nakahiga ako sa malaking couch dito sa control system room habang naglalaro ng Candy crush nang ipatawag ako ng lolo ko. Itinigil ko muna ang paglalaro at saka naglakad papunta sa elevator para makarating sa opisina ng lolo ko. He gestured me to sit infront of him as soon as I get there. May inilabas siyang box mula sa drawer ng mesa niya.
“Here, open it.” Pagkaabot ko ng box, binuksan ko kaagad ito. Naglalaman ito ng isang Silver na relo. May nakasulat na BIA na nasa malalaking letra sa likod nito.
“Yan ang bagong imbensiyon ng Agency. Malaki ang maitutulong niyan sa assignment mo. Maaari kang tumawag gamit ang relong iyan. It also has a tracking device on it para alam ko lagi kung nasaan ka.” Kinikilatis kong mabuti ang relo. Ito ay touch screen watch na madaming nakakalitong application. Pero dahil regular size na relo ito, hindi ko alam kung paano ko pipindutin ang mga applications na naka install dito.
“And also, sa right side nito makikita mo ang maliit na stylus na siyang pwedeng gamitin sa pagpindot ng screen nito. Why don’t you try calling me using that.” Naexcite ako bigla dahil sa mga high tech properties nito.
Sinubukan kong gamitin ang stylus nito at lalo akong namangha. Pagkatanggal ko ng stylus na nakalagay sa right side ng relo ay biglang nag project sa taas ng relo ang mga application nito. Wow.
“Try calling me.” Utos ni lolo na siyang ginawa ko naman. Hinanap ko ang pangalan nya sa name list na naka lagay sa contacts nito at pinindot ang call gamit ang stylus. Lalo akong namangha nang biglang nagkaroon ng three dimentional projection ang lolo ko. His hologram figure was exactly at the same spot as where he is right now. Then I noticed that I’m also being projected at his smart phone.
“This is amazing. I thought I’ve seen a lot in here. But I guess there’s still a lot to see.” I commented with a big smile.
“Oh wait I almost forgot, did you notice the small hole at the right side? That’s for laser beam. You just have to push the silver button at the left side to use it but I advise you not to do that now because it’s dangerous. The laser beam is more powerful than the gamma rays. It can penetrate on almost all materials you see. It can even penetrate through some kind of metals and glasses. I hope it’ll help you out a lot.”
“Got it.” I answered with a smile.
---
“Ker, Call me as well and tell me everything okay?” Hindi ko man lang napansin na kasama din pala ni Lolo si Trev. Nakasandal siya sa hood ng kotse habang naka crossed arms. Nilapitan ko siya at saka niyakap. Trevan is like a brother to me. Pareho kaming maagang naulila kaya sabay kaming lumaki kay lolo. He’s just a year older than I am but I don’t really feel addressing him as a big brother because he’s more immature than me.
“Yeah yeah.” I said as I pulled away from his embrace.
“Sige na, mauuna na kami.” They waved their goodbyes and left.“Excuse me miss, meron ka bang gate pass?” Tanong sakin ng guard nang makarating ako sa harap ng napakalaking gate ng Academy. Alam kong malaking school ‘to pero hindi ko eneexpect na ganito ito kalaki.
Kung ang gate pass na tinutukoy niya ay ang silver na bakal na parang I.D na may nakasulat na Arcane Academy, meron akong ganon. My Grandpa gave it to me beforehand. Ang sabi pa niya, tanging ang mga may connection lamang sa loob ang nakakakuha ng card na ‘to maliban sa mga bona-fide students dito.
Ang Lolo ko ang nagpasok sakin sa Academy na ‘to dahil may gusto siyang pa imbestigahan sakin. But don’t get the wrong idea, I’m not an agent or some sort, not yet at least. But as soon as I accomplish this task I might be one.
My Grandpa is actually the head of a Bureau of Investigation Agency. Ito ay isang pribadong ahensiya na pinupuntahan ng mga taong may malalaking kaso na gustong pa imbestigahan. Hindi ito kagaya ng FBI, dahit ang BIA ay walang government attachment at karamihan sa mga kasong tinatanggap ng BIA ay mga kasong hindi posibleng malutas ng mga taga FBI. And also, BIA agents are far more skilled than FBI agents.
So he also trained me to be an agent. Pero ang sabi niya, I’m too young to be an agent at ayaw daw niya akong ilagay sa kapahamakan not until now.Naglalakad ako sa pathway habang sinusuyud ng aking paningin ang paligid. Masyado kasi itong malaki kaya nahihirapan akong maghanap ng building. I need to get to the Chairman’s office to get my schedule.
Habang naglalakad ako, hindi ko maiwasang ilibot ang aking paningin sa paligid. Nakakamangha kasi talaga ang laki ng School na ito. I sure heard a lot of stories about this school but it's still different kung ikaw na mismo ang nakakakita nito at nakakaexperience.
Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa may nakabanggaan akong studyante. Nahulog ang mga papel na dala ko at ang bruha, ni hindi man lang ako nilingon. May isang bagay na naman akong napatunayan. Totoo ngang monsters ang mga nagaaral dito!
YOU ARE READING
Arcane Academy Mysteries[Case Closed]
غموض / إثارةWelcome to Arcane Academy. A school where students are either missing or mysteriously dying. A Mystery and Thriller with a touch of a little Romance.