Chapter 12: Keraline Cambria

13 0 0
                                    


9:30 na nang gabi ay hindi pa din ako kumakain. Kausap ko kasi si Trevan sa telepono at panay ang kwento niya sakin tungkol sa isang malaking kasong hawak nila ngayon.

Nakaupo ako sa aking study table habang pinipilit intindihin ang assignment na binigay sa amin ni Sir Dean last Thursday nang biglang tumawag si Trevan.

Ang kasong tinutukoy niya ay tungkol sa mga batang nawawala sa isang maliit na baryo na malapit sa City.

Naaalarma na daw kasi ang mga residente sa sunod sunod na pagkawala ng mga bata. Hindi naman daw kasi ito common sa kanilang lugar noon.

"Sa ngayon ay tatlong bata na ang nawawala. Ayon sa mga huling nakakita ng isa sa mga biktima ay sumakay daw ito sa isang Puting minivan." Aniya sa kabilang linya.

"Wala na ba kayong ibang impormasyon na nahanap bukod dun?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang napakalawak na golf course sa labas ng aking bintana.

Napapalibutan ito ng mga ilaw sa iba't ibang sulok kung kaya't kahit gabi ay maliwanag pa rin dito.

Hindi ko maimagine kung gaano kayaman ang school na ito para magkaroon ng sariling golf course.

"Sa ngayon ay yun pa lang ang meron kami. Pero alam ko na kung sino man ang nasa likod ng pagkawala ng mga batang iyon ay kailangan na niyang mag tago. Nagkalat na ang mga BIA para hanapin siya." Narinig ko ang pagtawa niya na parang demonyo.

"Teka lang. May titignan lang ako." Sambit ko.

Ibinaba ko ang telepono nang hindi inaalis ang tingin sa labas ng bintana.

Sa hindi kalayuan kasi ay may isang taong mabilis na naglalakad sa may golf course papunta sa mini forest. Tila ingat na ingat ito na baka may makakita sa kanya. Ano namang gagawin ng taong yun sa mini forest ng dis oras ng gabi? at bakit ganon na lamang ang kanyang ikinikilos. Pakiramdam ko ay mayroon itong tinatago.

Out of curiosity ay kinuha ko ang hoodie ko at saka lumabas ng room ko. I want to know who that person is. At gusto ko ding malaman kung ano ang gagawin niya doon.

Nagsuot ako ng black face mask para kung sakali man na may makakita sa akin ay hindi niya ako makikilala.

Tahimik akong naglakad sa hallway ng dorm papunta sa elevator.

Pagkababa ko ay maingat kong binuksan ang main door ng buong building.

Mabuti na lamang at hindi gumagana ang mga security cameras sa buong building namin. Hindi ko din alam kung bakit.

Pumunta ako sa likod ng dorm kung saan matatagpuan ang malawak na golf course.

Kahit na medyo malayo na siya sa kinaroroonan ko ay tanaw ko pa din ang kanyang likuran.

Tahimik akong naglakad sa gilid ng mini forest kung saan hindi natatamaan ng mga lamp post na nakapalibot sa golf course para walang makapansin sa akin.

Mabilis akong naglakad para sundan siya ngunit tila, patulin ng patulin din ang lakad niya na para bang nararamdaman nya ang mga matang nakamasid sa kanya. Sa bilis ng lakad niya ay unti unti siyang naglaho sa aking paninging.

Tahimik akong naglalakad para hanapin ang taong iyon nang may marinig akong boses.

"Eto na ba lahat? Nasaan si Silver?" Dinig ko ang malalim na boses ng isang lalaki. Silver? Who's Silver?

Maingat kong ikunubli ang sarili ko sa isang malaking puno nang makita ko ang dalawang anino sa hindi kalayuan, sa takot na baka mahuli nila akong nakamasid.

I can't see their faces, only their shadows.

"Oo, yan lang ang binigay sa akin. At may pinapagawa si Boss kay Silver kaya wala siya dito ngayon." Sabi naman ng isang husky na boses na parang narinig ko na dati.

"Kung gano--" Bahagyang napahinto sa pagsasalita ang lalaking may malalim na boses sa kanyang sasabihin nang marinig nito ang tunog ng telepono ko.

Ang tanga ko, nakalimutan kong i silent mode ang phone ko at ngayon ay kasalukuyan itong tumutunog dahil sa tumatawag.

"Sinong nandyan?" Pasigaw na sabi ng malalim na boses. Agad kong pinatay ang tunog ng telepono ko at nagdasal na sana ay hindi nila ako makita.

"Wag ka nang magtago. Alam ko kung nasaan ka." Sambit ng isa pang boses. Bigla akong kinabahan.

Narinig ko ang mga kaluskus nang mga tuyong dahon dulot ng mga yapak na papalapit sa akin. Dumoble ang kaba na nararamdaman ko.

"Lumabas ka na dyan. Alam ko kung saan ka nagtatago." Dagdag pa nito ngunit sa kalmadong boses.

I think there's no point in hiding. Lumabas ako mula sa punong pinagtataguan ko. Tumambad sa akin ang dalawang lalaki na nakahoodie at nakasuot din ng itim na face mask gaya ko. Sa tingin ko ay mga studyante din sila ng Arcane.

Kasing tangkad ni Justine ang isa, at ang isa naman ay sin tangkad ko lamang. Hindi ko makita ang mga muka nila at tanging mga mata lang nila ang nakikita ko.

"What are you doing here, in the middle of the night?" Mahinahong tanong ko upang maitago ang kaba sa dibdib ko.

"It's none of you're fucking business little girl." Sabi nang isa na bahagyang lumapit sa akin. Napaatras ako sa kinatatayuan ko.

Wala pang ilang segundo ay naramdaman ko ang isang malamig na bakal na nakatutok sa aking sentido. A revolver.

He must be very skilled, for me not to notice his movements. Hindi ko kasi namalayan kung paanong nasa tabi ko na ang maliit na lalaki at hawak na nito ang leeg ko habang nakatutok sa ulo ko ang hawak niyang revolver.

"Don't press it on my head if you're not ready to pull the trigger." Sambit ko. Nararamdaman ko kasi ang kaunting panginginig ng kamay niya. An indication that he's not mentally ready for everything that's happening.

"Shut up." Asik niya.

"Tapusin mo na yan nang makaalis na tayo dito." Sambit naman ng lalaking nasa harap ko.

"Not unless I kill him first." I twisted his arms quickly. Nahulog ang baril na hawak niya at sinipa ko ito palayo. Don't underestimate me. I am trained to be an agent.

Akmang susugod naman sa akin ang matangkad na lalaki, nang iharang ko sa kanya ang kasama niyang namimilipit pa din sa sakit dahil sa braso niya.

Nabangga nila ang isa't isa at nawalan ng balanse, natumba, at nagpagulong gulong sa baba. Pababa pala ang kagubatang ito.

Hindi ko na hinintay na makabangon sila. Agad na akong umalis sa takot na baka mabalikan pa nila ako. Tumakbo ako ng mabilis pabalik ng dorm.

Sobrang bilis pa din ng tibok ng puso ko at kabadong kabado pa din ako kahit na nasa tapat na ako ng main door ng dorm.

Akmang ilalagay ko na sana ang isang daliri ko sa finger print scanner ng pinto nang biglang may magsalita sa likod ko.

"Where have you been?" Nakakunot noong tanong niya.

Arcane Academy Mysteries[Case Closed]Where stories live. Discover now