"Good Morning class, please settle down." My Chemistry teacher said as soon as he entered our classroom. Everyone gets back to their sits as he stood up in front of his desk. I don't know why, but everytime he enters our classroom, everyone including Alex and his ass behavior seems to get intimidated. Sir Jon Dean was only in his mid 20's. Yeah, he's too young to get us all intimidated but we really do. But despite his terrifying aura, Sir Jon is nice. He has the looks of a playboy, and a brain of a chemist."Before we start our new lesson for today, I want you all to meet your new classmate."
"Miss, come on in." He instructed to someone outside our room with a little hand gesture.
Murmurs erupted as a beautiful young lady entered our classroom. She closed the door and joined sir Jon infront.
I can't tell if she's a scholar or a transfere. Mahahalata mo kasi kung and isang studyante dito sa academy ay scholar lang o kaya ay transfere. Ang mga Scholars ay ang pinaka mababang uri ng studyante dito sa Academy na 'to according to the law of social classes set by my idiot classmates specifically by Alex Stanford.
"So miss, kindly introduce yourself to everyone." Sir Jon said.
"Hi, I'm Kera D. Cambria, 16, Nice to meet you all." She said smiling.
"Crib, she's cute." Vien, the guy sitting behind me whispered.
"Pwede na." I answered kahit ang totoo ay nagagandahan talaga ako sa kanya.
"You can now sit beside Mr. Cervantez." Sir Jon instructed. So she sat beside me and started to bring her pen and notebook out of her backpack.
"Hey, Transfere or Scholar?" Tanong ko. Hindi niya ako sinagot. Baka hindi nya ako narinig kaya inulit ko ang tanong ko. But just like the first time, she just completely ignored me as she write something on her notebook.
"You just came here and you're already acting so rude. If you continue to act like that, I'm telling you, in no time you'll be transferring to another school again." I said as I focus my eyes to sir Jon.
"Sssh. Wag kang maingay. Makinig ka sa discussion ni sir." Bulong nya.
---
"Boss, may nakuha nang impormasyon ang isang tao ko." Bungad ni Tugs, ang leader ng investigation team na binayaran ko para imbestigahan ang pagkawala ni Lucas.
He called me on my phone earlier to tell me that he got something I might want to know about. So I met with him in this public coffee shop right after my class is over. Buti na lang at medyo malayo ang coffee shop na ito doon sa Academy kaya medyo nabawasan ang pagaalala ko sa mga posibleng makarinig ng usapan namin.
"Anong impormasyon?" Tanong ko naman sa mahinang boses. Kahit papano ay nagaalala pa rin ako na baka may makarinig sa usapan namin. Matao kasi itong coffee shop ngayon dahil uwian na ng mga studyante ng Saint Claire Academy. Bukod kasi sa masarap ang Kape dito, ay may iba't ibang klaseng Cake din silang tinda dito na siyang gustong gusto ng mga studyante na bilhin bago sila umuwi sa kanya kanyang nilang bahay.
"Merong na acquire na CCTV footage ang isa sa mga tao ko. Positibo kami na si sir Lucas nga ang nasa video." Panimula nya.
Pasimpleng ipinakita sa akin ni Tugs ang video para walang makahalata o maghinala sa amin. Mahirap na, baka may taga Academy na makakita sa amin. Mahigpit pa namang ipinagbabawal ang pagsisiyasat sa kaso ng mga abductions na nagaganap sa AA(Arcane Academy) at may karampatan pa itong parusa.
Pagkakita ko nung video ay hindi nga sila nagkamali, si Lucas nga ito.
Sa video ay makikita na may kausap siya sa telepono. Para din siyang kinakabahan base na rin sa kinikilos nito. Maya maya pa ay may dumating na pulis mobile at may dalawang pulis na bumaba mula rito. Lumapit si Lucas sa mga ito na para bang humihingi ng tulong ngunit sa di inaasahang pangyayare ay itinutok ng isang pulis ang kanyang baril kay Lucas at ang isa naman ay itinutok ito sa CCTV camera.
Doon na nagtapos ang CCTV footage. Nakaramdam ako nang pagkabalisa nang mapanood ko ang video. Napainom ako bigla sa kape na inorder ko kanina. Lalo lang naguluhan ang utak ko. Bakit naman kukunin ng mga pulis si Lucas? Bakit? Ano naman ang atraso nya sa mga Pulis? Akala ko ba sa Academy huling nakita si Lucas bago siya mawala?
"So far boss, yan pa lang ang hawak namin. Sisikapin po naming makahanap ng mas madami pang impormasyon na makakatulong sa pagtunton sa kaibigan nyo."
"Sige. Salamat. Balitaan nyo ako kaagad kapag may bagong lead."
"Sige boss. Mauna na ako boss." Sabi ni Tugs at saka umalis na.
Pagkaalis niya ay nanatili muna ako ng mga 10-15 minutes bago tuluyang umalis. Ngunit nang akmang tatayo na ako sa kinauupuan ko ay biglang nagring ang phone ko. Tumatawag si
Justine."Bro where are you?" Justine started.
"Nasa Caffeine Hub ako, bakit?" Sagot ko naman.
"You need to get back here now. Lahat ng studyante sa Arcane ay pinapatawag dito sa school dahil may mga bagong dormitory policies. Meron kasing isang studyante na natagpuang patay sa room nya." Nanginig ang buong katawan ko sa sinabi ni Justine. My hands were shaking as hell and I couldn't stop it. Mas lalo pa akong natakot nang tignan ko ang oras sa relo ko. 6:30pm na at medyo madilim na sa labas.
"Dalian mo na. Drive safely." Sabi niya pa bago niya pinatay ang call.
Bago ako tuluyang lumabas ay binayaran ko muna ang kape na inorder ko kanina.
"Sir wait lang po. Meron po palang nagpapabigay nito." Hinabol ako ng isa sa mga waitress ng coffee shop bago ako tuluyang makalabas. Iniabot niya sa akin ang isang maliit na box na kulay itim. Inabot ko ito at ibinulsa bago tuluyang lumabas.
Nang makarating ako sa kinaroroonan ng kotse ko ay sumakay na ako agad rito. Pinaharurot ko ito papuntang Arcane. Pagkarating ko ay sarado ang gate. Bumusina ako ng dalawang beses kaya naman ay lumabas ang isa sa mga guard.
"Sir, asan ang gatepass mo?"
"Naiwan ko ang gatepass ko sa dorm. Hindi mo ba ako kilala?" Naiinis na tanong ko.
"Pasensya na po sir, kailangan ko pong makita ang gatepass nyo bago ko buksan ang gate."
"Anong pangalan mo?"
"Pasensya na sir. Trabaho lang talaga."
"Tinatanong kita, anong pangalan mo! Bago ka dito noh kaya di mo 'ko kilala."
Bago pa ako makapagsalita ulit ay binuksan na ng guard ang gate. Ipinark ko ang kotse ko sa may parking lot ng school at saka dumiretso na sa Dorm.
"Fck, why would a girl like her commit a suicide?" Rinig kong sabi ng isa sa mga studyanteng nadaanan ko on my way to the crime scene. Sinabi din kasi ni Justine kanina kung anong floor matatagpuan ang room ng babaeng namatay.
"Crib, we're here." Nakita ko sina Ivan, Tresha, Justine, Vien, at Alex sa crowd malapit sa crime scene. Lumapit ako sa kanila.
"What happened here?" I asked.
"The school cops said that she committed suicide." Justine answered.
"But I don't believe it." Dagdag pa nya.
"Nakita nyo na ba yung bangkay?" Tanong ko.
"Not yet. We are actually about to enter the crime scene when we saw you." Sagot naman ni Tresha.
"Let's go then."
Lumapit kami sa crime scene pero pinigilan kami ng mga pulis ng school.
"Sir, let us see the victim's body."
"Hindi pwede, bawal kayo dito, magugulo ang mga evidences." Sabi ng isang pulis na nakasuot ng gloves.
"Let me see it, I have a background in forensic science. I might help you with your findings." Tresha said in her usual calmness. At nagtinginan lang ang dalawa pang pulis at saka tumango tango then binigyan siya ng gloves at saka pinapasok sa kwarto ng Biktima. Bago tuluyang pumasok ay Lumingon muna si Tresha at saka kumindat sa amin. Kakaiba talaga ang babaing 'to.
YOU ARE READING
Arcane Academy Mysteries[Case Closed]
Mystery / ThrillerWelcome to Arcane Academy. A school where students are either missing or mysteriously dying. A Mystery and Thriller with a touch of a little Romance.