P A N I M U L A
Napalingon ako sa makikinang na ilaw sa paligid.
Ang mumunting mga ilaw ay parang mga bituin na nakakalat sa langit.
Pinag-pag ko din ang mga dahon na sumabit sa aking uniform.
Patay talaga ako pag may naka-diskubreng nakapasok ako.
"Sa'n na ba kasi 'yong mga sira ulong babaeng 'yon? Sabi nila sabay-sabay kami papasok, eh pagdating nong guard nagsitakbuhan na kaming lahat. Buti na lang nakapagtago ako. Bawal pa naman talaga kami dito."
Natulala ako sa ganda ng ayos ng parang-maze na garden namin sa school. Puno kasi ng mga Christmas lights ang mga puno, mga halaman. Tsaka may iba't-ibang banner pa ang nakasabit. Para akong nasa pelikula o sa Wonderland.
Sa sobrang fascinated ko sa pagka-kaayos ng lugar, hindi ko namalayang kamuntik na akong mapatid sa mga bato. Muntik pa nga akong madapa kung hindi lang dahil sa -
"Ooops! Ingat ka!"
Naramdaman kong may mga matipunong brasong bumalot sa aking baywang. Napatulala tuloy ako sa kung sinong nagligtas sa akin sa pagkakadapa.
Napalunok ako.
Isang mapulang labi ang napatapat sa'kin. Ang mga mata niya ay may kulay light brown at nakasuot siya ng isang color black na mask na tumatakip sa kalahati ng mukha niya. Ang nakikita ko lang ay ang ilong niya at ang labi.
Inayos ko ang posisyon pero napahawak pa'rin ako sa kaniyang mga braso para matayo ko ang sarili ko ng maayos.
Hindi ko maalis ang titig ko sa kaniya na para bang sobrang pamilyar niya sa'kin ngunit hindi ko maalala kung saan ko siya unang nakita.
Nakasuot siya ng isang formal black suit at bagay na bagay 'to sa kaniya. Parang Prince charming mula sa isang fairytale.
"Nawawala ka ba?" Tanong ng kaniyang malamig, ngunitt maamong boses.
Hindi ko mapigilan ang pagbilis ng tibok ng aking puso.
Para bang...
Kilala ko siya sa tanang buhay ko ngunit ngayon ko lang siya nakita.
Nagulat ako ng mas lumapit pa siya at tiningnan ako ng maigi.
"Or... Sadyang may hinahanap ka lang?" Bulong niya.
Itong pakiramdam na'to... Hindi ako pwedeng magkamali
"S-satingin k-ko... Nakita ko na ang hinahanap k-ko..." Giit ko habang hindi inaalis angtingin sa misteryosong lalakeng ito.
. . . . .
BINABASA MO ANG
My Other Half (Filipino Edition)
Romance"Brian Christian Harvard? 'Yong parang Harvard University na sikat?" Napabasa ako sa pangalan niya ng may kalakasan. "Yes, why? Do you have a problem with that?" Isang hindi inaasahang malamig na boses ang sumagot sa'kin. Ang lalaking kanina pa nami...