Pagbabago
B R I A N
"Pa'no ka 'di tatawagin ng kung sino-sino kung nasa likod ang ID mo Bri?" Sambit ni Anton sabay akbay sa'kin.
At nagtawanan na naman ang mga kumag.
Parati na lang talaga nila akong ginagawang kakatawa-tawa. Palibhasa, ako lang kasi ang normal sa barkada.
Mukhang nakalimutan ko ibalik sa harap ang ID ko nung uminom kami sa fountain kanina. Tsk. Bad trip para tuloy akong loko-loko.
Kasalanan din 'to nong babae kanina. Bakit niya ba kasi binasa ID ko? Sino ba siya?
"Teka? Sa'n na napunta 'yong mga chicks pare?" Tanong ni Tristan. Isa pa 'to, chickboy.
"Tsk, baka tinakot ni Brian. Alam mo naman 'yang simangot niya." At nginisihan pa ako ni Anton.
"Natakot sila sa pangit mong mukha, dumbass"
At nagtawanan na naman ang barkada.
This happens every damn time.
Wala namang nagbago sincr tumungtong ako ng third year.
Mas lumala pa nga ang mga bagay-bagay.
Araw-araw napupuno ang locker ko ng mga letters, chocolates, may pera pa nga minsan, at invitations sa kung anu-ano. Nag-give up na'ko dahil kahit anong palit ko ng password ay useless pa rin. Parating may sumisira ng lock ko.
May chance pa kaya na may magbago this year?
"Oi pare! 'Di ba si Cla-
"Psst! Tumahimik ka nga Jao!" Siniko ni Tristan si Jao.
Pero huli na ang lahat. Nakita ko ang nakita ni Jao at napasirado ang kamao ko.
Magkasama na naman sila.
Ang saya lang makita ang taong mahal mo kasama ang iba 'no?
"S-sorry Bri, 'di ko naman sinasadya," Sambit ni Jao.
"Tara na, may practice pa tayo." At tumayo na'ko sa pagkakaupo ko sa isang stand at hindi na sila nagtanong pa at sumunod na lang sa'kin.
Definitely a shitty year ahead Brian. Ha-ha.
. . . . .
A R Y A
Pag-uwi ko ng bahay, hindi ko maalis ang pakiramdam na pamilyar ang mukha nong crush ni Jadey sa'kin.
Kaya nong makapasok ako sa kwarto ay umakyat ako sa taas ng cabinet at hinanap ang isang box.
Nilabas ko ang isang picture nong elementary pa'ko. Isang picture ng dalawang batang nakangiti. Isang lalake na may hawak na bbq at nakangiti at isang babae na nakangiti rin pero nahihiya.
Ang lalake ay may light brown na mata at itim na buhok rin kagaya ng lalakeng nakita ko kanina.
"Joke ba'to? Panong ang dalawang tao na hindi naman magkakilala o magkadugo ay sobrang magkamukha?"
BINABASA MO ANG
My Other Half (Filipino Edition)
Romansa"Brian Christian Harvard? 'Yong parang Harvard University na sikat?" Napabasa ako sa pangalan niya ng may kalakasan. "Yes, why? Do you have a problem with that?" Isang hindi inaasahang malamig na boses ang sumagot sa'kin. Ang lalaking kanina pa nami...