A R Y A
"Anong nakita niyo sa labas?" Sabi ng isa sa mga tauhan ni Raul.
"Naghanap na kami sa buong building at ang nakita lang namin ay isang bisekleta sa malapit."
Shit! Nakita nila ang bike ko!
"Bisekleta? Kung gano'n ay mayroon talagang tao rito bukod sa'tin! " Galit na sagot ng unang nagsalita. Mukhang lahat sila ay na alarma na.
Nanigas ako sa tinataguan ko. Nong iniwan ko si Brian at narinig ko na bumalik na ang mga alipores na Raul ay nakapagdesisyon akong magtago sa likod ng isang locker. Buti na lang at may parang matibay na mop sa loob. Hinawakan ko ito at hinintay na makalapit sila.
Nong marinig kong malapit na ang mga yabag nila, tinulak ko ang pinto ng locker at kinurba ko ang mop gamit ang lahat ng lakas ko.
Natamaan ang isa at bumulantang siya sa sahig dahil sapul ko siya sa ulo. Ang kaso, nakaiwas ang isa. Malaki siyang lalake at mukhang malakas. At mukha siyang papatay. Nakikita ko 'yon sa mga mata niya.
Para naman akong binalot ng adrenaline at sa kaniya ko tinutok ang mop. I striked as hard as I could pero wala pa rin. Masiyado siyang malakas. Hinawakan niya ang mop gamit ang dalawang kamay niya at natulak pa ako sa dingding.
"Bitch!" Sigaw niya at akmang susuntukin na ako.
Awtomatiko namang napa angat ang dalawa kong kamay para depensahan ang sarili ko.
Patay na ako.
Sobrang patay!
. . . . .
B R I A N
Nagising ako sa isang magulong kwarto.
Lahat ng parte ng katawan ko sobrang sakit. Mukhang enjoy na enjoy si Raul sa pagulpi sa'kin ah! Sobrang tanga ko talaga para maniwalang hawak nila si Claudette.
Pero shit! Erase that- basta talaga pag tungkol kay Claudette, mahina ako.
Pero teka, wala ba talaga dito si Claudette? Eh sino 'yong naalala kong nakita ko bago ako nahimatay?
Bumilis ang tibok ng puso ko.
Ramdam kong bumibilis ang pagdaloy ng dugo ko dahil sa pagiisip na kung si Claudette man 'yon oh hindi. Whoever that person is, he/she is in trouble! Kailangan ko siyang tulungan.
Pero kung si Claudette nga 'yon, wala nakong oras para magsakit-sakitan dito!
Pinilit ko ang sarili kong tumayo at kahit paika-ikang naglalakad pinilit ko pa rin. Balewalang sakit, kailangan ko siyang mahanap ngayon.
Hindi pa ako nakakalayo ng makita kong may aksyon na nagaganap.
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
Biglang lumabas ng isang locker si ID girl, tapos tinamaan niya ng mop ang isa sa ulo. Mukhang napuruhan ito dahil natumba ito sa sahig at walang malay. Kaso, mas mabilis ang isa at hinarang ang pagtangkang pagtama ni ID girl ng mop sa ulo niya.
Shit! Amazon ba 'tong babaeng 'to? Paano niya nagagawang makipaglaban sa dalawang lalake na mas malaki pa sa kaniya?
Mukhang nagalit ang lalake dahil tinulak niya si ID girl sa dingding. At ng marinig kong tumama ang ulo ni ID girl sa dingding parara akong natauhan. Tumakbo ako para iligtas siya.
. . . . .
A R Y A
"Ganyan ba talaga ako ka gwapo na kailangan mo protektahan ang mga mata mo sa'kin?"
BINABASA MO ANG
My Other Half (Filipino Edition)
Romantizm"Brian Christian Harvard? 'Yong parang Harvard University na sikat?" Napabasa ako sa pangalan niya ng may kalakasan. "Yes, why? Do you have a problem with that?" Isang hindi inaasahang malamig na boses ang sumagot sa'kin. Ang lalaking kanina pa nami...