Ang Plano
A N T O N
Inalog ko ang basing buhok ko para matuyo sa twalya. Maaga pa pero ang lakas ng buhos ng ulan sa labas. Naglakad ako papunta sa cabinet ng makakuha ako ng bagong damit ng biglang mag-ring ang telepono ko.
Sinagot ko kaagad baka kasi isa sa mga chicks ko.
"Hello?
"Ang kupal mo!" Isang high pitch na boses ang bumati sa'kin sa kabilang linya. Yep, confirmed babae ang tumawag, hindi nga lang 'yong klaseng babae na type ko. Siya 'yong tipong kikilabutan ka.
"Sino 'to?" Biro ko kahit alam ko na sinong tumatawag.
"Si Cristie 'to baliw!"
"Hoy, wala kang galang tawagin mo nga akong kuya. 'Tong batang 'to oo!" Sita ko sa kaniya. Seryoso ba si Brian na walang dwarfism kapatid niya? Para kasi talagang matanda kung umasta eh. Minsan akala ko nga nagkukunwari lang maging bata.
"Che! So, ano na nangyari sa plano?"
"Ayon, pumunta si Arya sa basketball game, pinagselos ko ng kaunti si Brian tapos hinila na niya palayo si Princess sa court. Pero sa torpe ng kuya mo, hindi ko alam kung naging successful na."
"Hay nako, ang hina talaga ni Kuya! Kailangan natin tong dalhin sa next level!"
"Next level?"
"Alam mo ba kung anong buwan na ngayon?"
Okay, sinagot niya ako ng tanong, sira ulong bata 'to. "Uh, February bakit?"
"At? Anong sini-celebrate pag February?"
"A...Prom night?"
"Valentines ugok! At nakalimutan mo bang may selebrasyon sa school kapag malapit na ang Valentines?"
"Ah tama! So anong gagawin na'tin?"
"Tsk! Makinig ka! Eto ang plano-
Napangiti ako habang nakikinig sa telepono. Siguradong sasaya si Brian nito.
. . . . .
B R I A N
February 14 na naman...
Sino bang sira ang may pakana ng Valentines day? Sakit lang sa ulo, nadadagdagan lalo ang populasyon ng mundo.
Pero eto ang pinaka-ayaw ko na buwan sa lahat. Inaabangan ko na kasi ang mga weird na mga nilalagay sa locker ko.
Pero ewan ko ba, this year parang medyo excited ako sa Valentines. Siguro dahil kay-
Nasapo ko na lang ang ulo ko. Nakakahiya, naalala ko na naman ang kapalpakan ko nong huli.
"Ang kapal ko naman para mag expect ng kahit ano, eh mukhang mapupunta na ata kami sa pagiging platonic. Haist."
"Hoy Brian, anong binubulong-bulong mo diyan?" Takang sabi ni Jao na kasalukuyang binubuksan ang locker niya na katabi sa'kin.
"Wala pre, ano lang-
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nahila ko ang pinto ng locker ko na nasira dahil mukhang may nagpilit na buksan at magsihulog ang lahat ng mga chocolates at regalo.
"Woah Pre! Ang daming chocolates!"
"Gusto mo? Iyo na lang 'to, tapos bigyan mo na rin ang mga kapwa!"
"Thanks Bri! Buti ka pa may chocolate!" Kinuha na niya lahat saka pumunta sa room namin.
Wala akong pake sa chocolates na'to. Isa lang naman talaga gusto ko. 'Yong galing kay-
"Yo Bri! Andito ka pala akalain mo?" Bigla na lang sumulpot si Eric. Ano ba yan hindi na naman ako pinatapos sa iniisip ko!
"Chocolates? Wala na, kinuha na ni Jao sinabi ko ibigay sa inyo."
"Doesn't matter bro, halika samahan mo ako!" At hinila niya ako papunta sa college building.
"Hoy teka!"
. . . . .
A R Y A
"Ugh, bakit mo ba ako sinama dito?" Maarteng sabi ng your highness. Kanina pa kasi 'to nagrereklamo.
Kasalukuyan kaming nasa home economics room ni Prince.
"Sinabi ko na sa'yo, kailangan ko ng tulong."
"At ano 'yang mga 'yan aber?" Turo niya sa bag of groceries sa lamesa."Yan 'yong sabi kong kailangan ko ng tulong mo!" Ngumiti ako at nilabas ang mga ingredients para gumawa ng perfect valentines chocolate.
. . . . .
"Ano ba 'yang ginagawa mo? Mukhang pudding!"
"Tingin mo makakain 'yan? Lalasunin mo ata bibigyan mo niyan!"
"PATAYIN MO 'YONG APOY BAKA MASUNOG MO ANG BUONG BUILDING!"
Huminga ako ng malalim. Matapos ang mahabang oras ng mura mula kay Prince, natapos ko rin ang chocolate. Binalot ko na ito sa abot ng aking makakaya at napatingin kay Prince. Tinanong ko siya kung okay na'to pero para siyang tumanda ng hundred years.
"Argh! Wala ka talagang magawa ng ikaw lang ano? Ako na nga!" Hinila niya ang mga ribbons tapos siya na ang bumalot.
"Seryoso ka ba talaga? Babae ka ba? Bakit hindi ka marunong sa mga ganito?"
Tumawa lang ako. Ang totoo halos fifty-percent ng trabaho ngayon si Prince ang gumawa.
"So para kanino ba 'tong chocolate na'to, ilalagay ko na sa decoration kasi alam ko parang kahig ng manok hand writing mo!"
"Err-ako na!" Kinuha ko na ang card at pen, ayaw kong ipaalam kung para kanino ang chocolate kasi baka magalit siya.
Nagsimula akong magsulat habang nakatalikod kay Prince pero bigla na lang niya hinablot ang card.
"For Br-
"Akin na!" Sigaw ko at pinilit kong hablutin ang card. Nagulat naman siya at na outbalance, parehas tuloy kami nahulog.
Hindi ko alam kung bakit nakatingin lang si Prince sa'kin imbes na sa card kaya mabilis kong kinuha ang card.
"Gotcha!"
"Oh no, nadidisturbo ba namin kayo?"
Napatingin kaming dalawa sa pintuan at nanlaki ang mata ko ng makita ko sina Anton. Bigla akong tumayo.
"Ayos ka lang Prinsesa?" Ngumiti si Anton at pinamulahan ako ng mukha. Baka ano pang inisip nila!
"Ayos lang naman siya kanina sa' kin Anton ah. Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Prince at nagkatitigan sila ni Anton. Si Anton sumeryoso ang mukha.
Shit, wag naman sana na mag-away sila dito.
. . . . . . . . . . .
A/N : Hi, I have to apologize. Alam kong nag instant hiatus ako, medyo matagal rin ako nawala sa watty. But I really missed you guys, i miss Arya and Brian too, pasensiya na kung walang update, nagre-review kasi ako for ASCPi . Pero since I can't sleep (dahil sira ang body clock ko sa night shifts) might as well give you many more updates pambawi.)
Thank you sa inyong nagbabasa nito!
BINABASA MO ANG
My Other Half (Filipino Edition)
Storie d'amore"Brian Christian Harvard? 'Yong parang Harvard University na sikat?" Napabasa ako sa pangalan niya ng may kalakasan. "Yes, why? Do you have a problem with that?" Isang hindi inaasahang malamig na boses ang sumagot sa'kin. Ang lalaking kanina pa nami...