A R Y A
Mag-isa na lang akong naghahanap ng mauupuan kasi pumunta na sa likod si Royce. Nagulat ako kasi puno ang event hall.
Naalala ko 'yong napag-usapan namin nina Lieu na sinamantala talaga ng administration ang dami ng babae sa populasyon ng school. Ngayong nakita ko na talaga na marami talagang babaeng interesado sa event na ito, na-kumbinsi na ako na totoo.
"Arya! Arya Savier!"
Napahanap ako sa tumawag sa'kin.
Sina Jadey at Lieu lang pala. Mukhang inasahan na nila na pumunta ako kasi nag-reserve na sila ng upuan sa'kin. At swerte pang nasa may harap kami naka-upo.
"Sa'n ka galing? Muntik ng magsimula ang auction!" Sabi ni Jadey.
"Uhm- May inayos lang ako," Sagot ko. "So kamusta? May nalikom ka na ba ng pera?" Sinubukan kong ibahin ang usapan at idirekta ito kay Jadey.
"Medyo malaki na ang naipon ko." Napasimangot si Jadey. "Hihiram nga sana ako kay Lieu para mas lumaki pa ang tiyansa ko para mapanalunan si Brian pero ayaw niya pumayag." Sumimangot si Jadey kay Lieu na para namang walang pake.
Excited na si Jadey na magsimula ang auction at mas lalong napukaw ang atensiyon namin nong nagsimula ng magsigawan ang mga babae.
Mga babae ba 'yong mga sumisigaw o mga unggoy? Bakit sobrang ingay?
Nagsimulang sumayaw ang iba't-ibang ilaw sa stage at marahang bumukas ang malaking kurtina at lumabas ang isang tao. Siya panigurado ang host ng event na ito.
Nagulat ako ng makita 'yong bakla na teacher na muntik ng kunin 'yong phone ko dati sa pagpi-picture kay Brian. Siya pala ang host ngayon.
"Good afternoon ladies and gentlemen! Panibagong taon na naman ng Annual Fund-Raising event ng school. Andito tayo ngayon para saksihan ang pinakamalaking event para makalikom ng funds- Ang Lunch Boys Event!" Masiglang entrada niya. At nagsipalakpakan ang mga madla.
Pati si Jadey panay rin ang pagpalakpak. Sumipol-sipol pa gaya ng ibang babae.
Mas umingay pa lalo ang mga babae. Kung kanina para silang mga unggoy, ngayon para na silang grupo ng mga elepante.
Nag-ice breaker naman ang host sa pamamagitan ng pagsabi ng mga jokes na ewan ko ba, sobrang corny siya lang ata ang tumatawa sa sarili niya.
"Don na sa main event!"
"Oo nga! Ipakita niyo na ang boys!"
Inip na sigaw ng mga kababaihan sa audience.
"Sit tight Ladies for here are this years... Luuuuuunnnccchhh Booooyysss!" Sigaw ng host sabay turo sa isang lugar sa stage kung saan nakatuon ang isang spotlight.
Napatingin ako kung sino nga ba ang pinili ng admin para maging lunch boy each year level.
Mukha namang nagbunga ang mabilis kong paghahanap. Dahil hindi naman siya ganon kahirap hanapin.
Matikas ang tindig at mukhang walang kinatatakutan, marahang naglakad si Brian Christian Harvard papunta sa gitna kasama ng iba pang mga lunch boys. Oo, lahat sila mga gwapo, pero hindi mo talaga maikakaila na kakaiba si Brian. Parang may sarili siyang spotlight habang naglalakad siya.
May dala siyang simpleng basket. Mukhang busy siya sa pakikipag-usap sa kaibigan niyang isa ding lunch boy. Pareha silabg nakasuot ng mga formal attire.
Pero si Brian, medyo bad boy ang dating kasi nakahubad ang outer coat niya at nakasabit ito sa balikat niya. Nakasuot lang siya ng simpleng white sleeves na may naby blue vest sa taas with matching... teka pink ba 'yang necktie niya?
BINABASA MO ANG
My Other Half (Filipino Edition)
Storie d'amore"Brian Christian Harvard? 'Yong parang Harvard University na sikat?" Napabasa ako sa pangalan niya ng may kalakasan. "Yes, why? Do you have a problem with that?" Isang hindi inaasahang malamig na boses ang sumagot sa'kin. Ang lalaking kanina pa nami...