Chapter Sixty-Nine

33 2 0
                                    

xxx Chapter Sixty-Nine xxx

*Kai's POV*

Nakaupo lang ako sa sofa ngayon.

Gabi na at maya-maya ay magsisimula na raw ang party.

Nakapag-ayos na rin ako. Nakasuot ako ng black tuxedo.

Pero naguguluhan talaga ako eh. Ano ba talaga ang meron?

"Mr. Kim, pinapatawag po kayo ni Mr. Lee. Nasa Garden po sya."

Sabi ng katulong saakin.

Tumango lang ako bago tumayo at tumungo sa Garden.

Naabutan kong nakatalikod si Tito at nakatanaw lang sa kawalan habang umiinom ng wine sa wineglass nya.

Tumikhim ako para agawin ang atensyon nya.

"Pinapatawag nyo daw po ako?"

Tanong ko.

He motioned me to sit.

Agad naman akong umupo sa maliit na stool sa tabi nya.

Bumuntong-hininga sya bago humarap saakin.

"Alam kong aware ka sa nangyayari sa SMent. Alam kong aware ka na bumababa na ang sales ranking ng mga artists under the company. And alam kong aware ka na masyadong napakarami na ng sinakripisyo ko para lang sumikat kayo, pati ang kompanya.."

Panimula ni Tito.

Tumango lang ako.

"Jongin, nasa gitna ng krisis ang kompanya ngayon. At apektado ang lahat ng artists under it, including EXO. Sinubukan naming ayusin iyon. Pero lalo lang itong bumababa. Siguro alam mo naman kung gaano ka-importante saakin ang kompanya diba?"

Tumango ulit ako. Para kasing biglang umurong ang dila ko.

Maya-maya'y biglang lumuhod si Tito sa harap ko.

"T-Teka.. b-bakit po kayo lumuluhod? T-Tumayo po kayo.."

Tinulungan kong tumayo si Tito.

Agad kong pinagpag ang tuhod nya.

"Okay lang po ba kayo?"

Tanong ko.

"Jongin.. nagmamakaawa ako sayo. Tulungan mo akong ibalik sa dating spot ang SME."

Pagmamakaawa ni Tito.

"Sa ano po bang paraan?"

Tanong ko.

Pero hindi ko inaasahan ang sinagot nya.

   *Mhyrryl's POV*

Halos matunaw ako sa tingin ng mga tao pagkababa ko ng kotse.

Maraming mga pares ng mata ang nakatingin saakin. Hindi pa pala nag-uumpisa ang party.

Sa mansyon lang namin gaganapin ang party.

Marami nang tao nang dumating kami. Kapansin-pansin ang mga bonggang gown ng mga bisita.

Isang one-shouldered pastel orange ang gown ko. Magara ang disenyo nito. May designer kasi ako. :)

Ang buhok ko naman, inipit iyon sa isang messy way. Nag-blend ang light make-up ko sa carnation-pink kong lipstick.

Iginala ko ang tingin ko. May isang tao akong hinahanap. Ayokong tumunganga dito. Gusto kong sya ang mag-escort saakin papunta sa loob.

Pero laking-gulat ko nalang ng may kumalabit saakin.

"Andrew~?"

Well, hindi na ako magugulat kapag sina Mom at Dad ang nag-imbita sakanila. I mean, their Business-Partners.

Inabot nya saakin ang braso nya.

"Shall we?"

Tanong nya.

Muli kong ibinalik ang tingin ko sa crowd. Nagbabaka-sakali akong baka makita ko sya. Pero wala. Walang ni isang anino ni FuHub ang nakita ko.

Aish.

Bumaling ako kay Andrew. Nginitian ko sya at inabot ang braso nya.

Habang papalakad kami papasok, may spotlight na nakatutok saamin. Oh-kay.

Baka akalain ng mga bisita, magbo-ballroom kami. =_=

Nagulat ako nang inihatid ako ni Andrew sa stage. A-Anong gagawin ko dito?

"Dito ka muna. Babalikan kita mamaya."

Bulong saakin ni Andrew at inihatid ako sa kinauupuan ni Mommy.

Nagulat ako ng tumungo sya sa kabilang side ng stage at umupo doon. Naroon rin si Daddy.

Teka nga.. Nasaan ba si Kim Jong In??!

Maya-maya ay may tumungo sa gitna ng stage at sinabing sisimulan na raw ang Party.

Wala akong maintindihan sa pinagsasabi nila. Hinahanap ko ang FuHub ko. Pero hindi talaga sya makita. Potspa.

".. Ladies and Gentlemen, please welcome Mrs. Lee Seo Min!!"

Nakipalakpak na rin ako kahit wala akong ideya kung ano ang nangyayari.

Napatingin ako sa kabilang dako ng stage. Nahagip ng mga mata ko si Andrew na nakatingin saakin. His eyes looks worried.

Nginitian ko sya, ngumiti naman sya pabalik. At nag-mouth ng I'M SORRY.

Kumunot ang noo ko. Tatanungin ko sana sya kung para saan pero agad syang umiwas ng tingin.

Oh-kay. He's weird.

Ibinaling ko nalang ang atensyon ko kay Mommy who look so dazzling in her silver gown.

Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi nya. Korean kasi ang gamit nyang language. Well, puro may lahing Koreano kasi ang bisita namin.

Hindi ako ganoon ka-Fluent sa Korean. Mga basics lang ang alam ko dahil dito rin naman ako lumaki sa Pilipinas.

".. and I want to thank everybody sa pagdalo sa okasyong ito. Tonight, masasaksihan nyo ang Engagement Party na hinanda namin in coorporation with the Kim and Choi Group of Companies.."

T-Teka..

E-

En-

Eng-

Engage-

Engagem-

Engagement-

Engagement P-

Engagement Pa-

Engagement Party?

Pero kanino? Sino ang ii-engage?

"So ladies and gentlemen, may I now present you, the only heiress of the Lee group. My lovely daughter, Mhyrryl Lee.."

Teka, ano ang gagawin ko? Mag-i-intermission number ba ako?

Mom looked at me.

".. to be escorted by his fiancé, the only heir of the Kim Group. The world's leading company when it talks about Fashion.."

Mom paused for awhile.

Biglang tumulo ang luha ko. A-Ako? Ako ang ii-engage? P-Pero masyado pa akong bata ah?!

Pero naalala ko ang sabi ni Mommy. Mula raw sa Clan ng mga Kim ang fiancé ko. Kim.. Kim.. Kim Jong-In.

O__O

Maaari kayang siya FuHub ang Fiancé ko?

xxx

< Ako na trying-hard. -_-. Pero salamat pa rin sa mag nagbabasa! >

- @LeeCandyholic~

Kim Jong In Is My TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon