Chapter Seventy-Three

43 1 0
                                    

xxx Chapter Seventy-Three xxx

Challenge ang chapter na 'to para sa'kin kaya sana mag-vote manlang kayo. :(

xxxx

*Mhyrryl's POV*

"Ms. Lee, may naghahanap po sa inyo sa baba."

Napamulat ako dahil narinig ko ang boses ng maid namin.

Dali-dali akong bumalikwas at nagtungo sa CR para mag-ayos. Baka sya yun.

Nag-tootbrush lang ako at nag-hilamos. Kakagising ko lang kasi.

Napangiwi ako nang makita ang reflection ko sa salamin. Mugtong-mugto ang mga mata ko. Mukhang epekto ito ng kakaiyak ko kagabi.

Nag-ayos ako ng konti, saka bumaba.

Pagkababa ko, laking-gulat ko nang makita ko sya.

Tumakas ang mga luha sa mga mata ko.

Nagbago na ba ang isip nya? Di na ba sya magpapakasal kay Hyo?

"K-Kai.."

Pagtawag ko sa kanya. Lumingon naman sya sa direksyon ko at ngumiti. Tumayo sya mula sa sofa at lumapit saakin.

Hinawakan nya ang mga kamay ko.

"M-Mhyrryl.. FuWi.."

Napapikit ako sa pagbigkas nya ng endearment namin. Gusto kong damhin ang moment na 'to.

"I'm sorry.. Sorry dahil sa mga nasabi ko sa'yo kagabi. Pinag-isipan ko na ang desisyon ko ng mabuti. At napagtanto kong hinding-hindi ko kayang iwan ka, FuWi. You're my everything. Sana i-accept mo ulit ako. Pangako, di ko na muling ipagtutulakan palayo ang puso mo.."

Sabi nya habang nakatingin ng mabuti sa mga mata ko.

Tumakas ang mga luha sa mata ko. Tears of joy..

Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"It's alright, FuHub. You can always have me. Salamat. Salamat at bumalik ka saakin."

Ngumiti ako sa kanya.

"Saranghaeyo, FuWi.."

He whispered.

"Nado Saranghae, FuHub.."

Ngumiti sya, tapos unti-unting inilapit ang mukha nya saakin. Palapit ng palapit ang mukha nya. Palapit ng palapit ang labi nya. Palapit ng palapit--

"*Krrrrrrrrrriiiiiiiiiiiiiiiiiiiingggg*"

Bigla akong nahulog sa kama. Nauntog ang ulo ko sa sidetable.

ASDFGHJKL!!!

Ang sakit ng noo ko..

Napatingin ako sa paligid, pilit kong inaalala kung ano ang nangyari kanina..

Panaginip lang pala.. Sayang.

Napayuko ako. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Gustung-Gusto na nilang lumabas. Bakit ganun? Bakit panaginip lang?

"*Riiiiiiiiiiiinnnnnnnggggg*"

Napatingin ako sa bagay na tumutunog. Yun yung dahilan kaya't nagising ako sa panaginip ko. Jongina~ Sana di nalang ako nagising.

Kinuha ko iyon sa ilalim ng kama. Doon kasi nanggagaling ang tunog.

Tinignan ko ang screen.

< Calling.. Eomma ^^ >

Kim Jong In Is My TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon