Ang hirap mag-pretend na hindi ka nasasaktan kahit na ang totoo, labis-labis ang sakit na nararamdaman mo. Oo, mukhang okay lang ako at walang alalahanin sa buhay kung ako’y pamamasdan, ngunit sa likod ng bawat ngiting makikita ninyo sa aking labi ay siya namang pagnanais na kumawala ng mabibining hikbi sa aking lalamunan, at ang pagnanais na maglandas ang mga luha mula sa aking mga mata pababa sa aking mga pisngi.
Ang hirap pala na lagi kang nandyan at handang makinig sa mga hinaing nila sa mundo, pero ikaw, takot magsabi ng kahit anong bumabagabag sa iyo. Ikaw na laging takbuhan nila at nagsilbing sandalan sa tuwing humaharap sila sa mga pagsubok ng buhay, mabigat man o magaang habang ikaw ay walang matakbuhan at masandalan. Ikaw na nagsilbi nilang diary, nagsilbing panyo at unan sa mga panahong kailangan nila ng uunawa sa sitwasyon nila at magpapabagabag ng humuhulagpos nilang emosyon. Ikaw na nagpapabatid ng mga dapat sa hindi at ng mga tama sa mali. Ikaw na handang umagapay sa kanila sa lahat ng pagkakataon sa abot ng iyong makakaya. Sila na lagi mong first priority higit sa sarili mo.
It’s really hard to be me, sometimes I wish that one day I will wake up that I am suppose to be someone else. Na magbabago ang lahat, na paggising ko ibang katauhan na ang taglay ko. Pero mukhang malabo ata 'yon dahil kahit na pagbali-baliktarin pa natin ang mundo, ako ay mananatiling ako. Siguro may ilang magbabago sa paglipas ng panahon, ngunit mananatili pa rin ang ibang katangiang kahit gusto kong itapon ay hindi ko magawa.
I am living in two different worlds or should I say, three different worlds, which I really don’t know where I belonged. I try my best to get myself out of it, but I didn't have enough courage to do it. That’s why I have decided to live it the way God wanted it. Reality versus fantasy, what will win in the end? I don’t know, but I wanted to put off the mask I am wearing right now. I’m not a pretender, I just learned how to protect myself from such pain, from further devastation that I will get from them.
Ayoko na, pero wala akong pagpipilian kung hindi ang patuloy na lumaban. Wala naman kasing mangyayari kung susuko ako, after all life is about fighting, if you wanted to reach your goal, go and search for it until you have it. Pana-panahon lang 'yan, siguro it’s not yet my time. Sabi ko nga, not because you don’t have it doesn’t mean that you’re not capable of having it. Kung para sa'yo, para sa'yo talaga sa tamang panahon at pagkakataon.
Life is a long journey; you really don’t know where it goes and how long does it takes. Sumabay ka lang sa agos ng buhay, dahil hindi ka nito sasabayan. Sa'n ka man dalhin ng paglalakbay mo dapat manatili kang matatag at nakakapit, kahit anong mangyari h’wag kang bibitaw at susuko. Tandaan mo, tanging duwag at mahihina lamang ang sumusuko. Kung pagod ka na, magpahinga ka, hindi sapat na dahilan ang pagod upang huminto at tumigil ka. Pahinga lang ang katapat n’yan after you have gain enough energy, move forward. Wala namang bagay na nakukuha sa madaling paraan ang nagtatagal. Mas masarap namnamin ang mga bagay na mayroon tayo kung pinaghirapan natin ito dahil higit nating maa-appreciate ang halaga nito higit sa mga bagay na mayroon tayo na madali nating nakuha nang walang kahirap-hirap.
Learn to appreciate and give value to everything you have in life, huwag mong hayaang maging huli ang lahat bago mo maintindihan ang halaga nito sa iyo.
Huwag kang matakot sumubok, paano mo mararanasan ang isang bagay kung palagi kang takot sumubok. Try, explore and discover. And enjoy every moment as it comes.
Mahirap magtayo ng moog sa pagitan nila, dahil kahit gaano pa katibay ang pundasyon nito, bibigay at biigay rin ito sa paglipas ng panahon.
Sinubok kong lumayo sa nakararami, pero sa tuwina ay nakikita ko ang sarili kong pilit na sinusubok na maging bahagi ng mundong ginagalawan nila, kaso tuwing nararamdaman ko na hindi ako bahagi noon ay muli na naman akong nagkukulong sa mundong pilit kong ginawa upang maprotektahan ko ang sarili ko mula sa mapang-api, mapanghusga at mapagbalat-kayong lipunang ginagalawan ko.
Life isn’t fair all the time; it needs to be unfair once in a while for us to learn quite sometimes.
Paano tayo babangon, kung hindi natin nararanasan ang madapa. May tumulong man o wala dapat matuto tayong bumangon sa sarili nating mga paa, dahil walang sinoman ang tutulong sa atin higit kanino man kundi ang mga sarili natin. Paano tayo tutulong sa iba kung sarili nga natin hindi natin matulungan. The same with mahalin muna natin ang mga sarili natin bago tayo magmahal ng iba, dahil paano natin maipapakita at maipadarama sa kanila 'yon kung sarili nga natin 'di natin mahal. Tandaan: higit kanino man tayo lamang ang makapagmamahal sa sarili natin nang walang kapantay.
Live your life to the fullest. Do everything that will make you happy. Pero paano kung ang tanging bagay palang magpapasaya sa iyo ang siya ring labis na magdudulot sa iyo ng sakit? That’s how ironic our life here on earth. Masyadong unfair, 'di ba?
Sinubok kong i-isolate ang sarili ko mula sa nakararami at magtayo ng pader sa pagitan nila, akala ko sapat na ang panahong nanatili itong matatag at hindi gumuguho. Akala ko sa paglipas ng panahon ay lalo nitong pagtitibayin ang pader na nilikha ko sa pagitan ko at sa pagitan nila. Pero nagkamali ako. Kagaya ng mga gusali kahit gaano pa katibay at katatag darating at darating ang panahon na hihina ang pundasyon nito sa paglipas ng panahon.
Have you felt the feeling of being an outcast? 'Di lang sa pamilya niyo kundi sa lipunang ginagalawan mo? Ang hirap makibaka sa isang sitwasyong wala kang kakampi liban sa sarili mo.
BINABASA MO ANG
Ligaya
القصة القصيرةThis story is all about finding true friend who will stand by you till the end.