CHAPTER TWO

102 5 0
                                    

“Ayle, ano ba 'yong inuutos ko sa 'yo kanina pa 'yon hanggang ngayon wala ka pa ring nagagawa sa mga inutos ko.” Malakas na sigaw ni Mama. Ayle talaga ang palayaw ko sa bahay, pero mas gusto ko ang Jhay.

Haist! Bakit ba kasi naimbento ang weekends? Okay lang sa 'kin kahit araw-araw may pasok.

“Opo, gagawin na po, tinatapos ko lang po 'yong project ko.”

Hirap naman kasi ng panganay lagi na lang ako ang nakikita at inuutusan.

“Mama, si ate, inaaway ako.”

Sabunutan ko kaya 'to, saka niya sabihing inaaway ko siya. Kahit kailan talaga pahamak 'tong bruha na 'to.

“Talaga lang inaaway kita? Wow naman!” inis kong wika at tinalikuran ko na ang kapatid ko na walang ibang alam gawin kung 'di ang gumawa ng kuwento para mapagalitan ako ni Mama. Pasalamat siya at 'di ako nagpapapatol sa mas bata sa 'kin. I am 7 years older than her, kung kasing edad ko lang siya baka sakali pa. Pero malabo rin pala after all alam ko naman na hindi ako ang kakampihan.

“Mama, oh!”

Bruha talaga, haist! Bakit ba kasi. Kung may choice lang ako, kaso na realize ko, yes I do have a choice it’s either to take it or to leave it. And I have decided to move forward even though I really wanted to step backward.

After a week something worst had happen, bagay na hindi ko naman in-expect, hindi ako handa pero bakit ganoon? Siguro nga sadyang ganoon, dumarating sa puntong kung kailan hindi ka handa saka ka naman sasalakayin. Ano pa bang aasahan ko, bahagi ako ng pamilyang ito at kahit anong gawin ko hindi maiaalis na bahagi ako nito kahit ilang beses kong pinilit na lumayo mula sa kanila.

'Di man halata, pero sobrang apektado ako sa nangyari. 'Di ko na lang ipinahalata sa kanila dahil kilala nila ko bilang isang walang puso at walang pakialam; isang manhid. Alam ko naman na iyon ang tingin nila sa akin.

Ang hirap ng ganito, wala akong mapagsabihan kung gaano kasakit ang nadarama ko. Ayokong makita nilang mahina ako, ayokong makita nilang apektado ako sa sitwasyon.

Am I really a good pretender? siguro, pero hindi ako manhid para hindi masaktan sa mga nangyayari. Oo nga at mukhang wala akong pakialam pero hindi ibig sabihin noon na wala akong alam. Hindi ako manhid lalong hindi tanga. Pinili ko na lang magbulag-bulagan dahil kung patuloy kong iisipin yon mahihirapan at masasaktan lamang ako. 

Ipinakita ko sa kanilang balewala lang ang lahat na okey ako, kahit ang totoo gustong-gusto ko nang pumalahaw sa pag-iyak, ang hirap pala ng ganto, yung gusto mong umiyak pero pinipigilan mo. Gusto mong tumakbo pero wala kang matakbuhan, gusto mong tumakas ngunit di mo naman alam kung saan ka pupunta.

Life must go on, di porket nagsara ang isang pintuan ibig sabihin wala ng bintanang magbubukas para papasukin ako. Tuloy lang ang lahat, di naman matatapos ang lahat kung tatakas lang ako.

Ang hirap talaga ng sitwasyon ko. Di ko alam ang gagawin ko, gusto kong bumitaw pero ayoko, nais kong patuloy na kumapit at tumuloy hanggang dulo.

Ang hirap talaga, wala akong ibang kakampi kundi ang sarili ko. Me against the world lang ang drama ng buhay ko. After all umpisa pa lang naman to at wala pa ako sa kalahati ng gagawin kong paglalakbay.

“Rhesza Jhayle, mukhang ang lalim ata ng iniisip mo?” di ko namalayan ang palapit sakin ni Harry isa sa mga classmates ko. Karamihan talaga sa mga ka-close ko sa klase at sa ibang seksyon at year level ay pawang mga boys, may pagka-one-of-the-boys din kasi ko ng konti, h’wag lang sanang madevelop sa pagka-tomboy. Ayoko kasing gaanong makisalamuha sa mga classmate and schoolmate namin na girls pawang mga plastic at maaarte lang ang mga yon. Madali pa naman akong mabadtrip sa mga maaarte at mayayabang, especially mga plastic.

LigayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon