Akala ko sa bahay lang nakaka-stress, even pala sa school. Hirap naman kasi naipit pa ko sa sitwasyon na to. Di naman ako kasali, pero anong magagawa ko may alam ako kung bakit nagkakaganoon sila. Naman kasi, ang daming pwedeng pag-awayan lalaki pa! Naman di naman siguro kasalanan ni Rose na sa kanya nagkagusto si France, after all wala na naman sila ni Minie matagal na. Haist! Minsan talaga pag pag-ibig o pride ang pinag-uusapan itinatapon kahit ang pagkakaibigan, wala na kong masabi sa kanila.
“Okey ka lang Jhay?” nakita ko ang pag-aalala sa mga mata ni Yuri. Syempre bakit nga ba hindi mag-aalala ang mokong eh nakita n’ya kung paano akong talakan ng mga bruhilda naming kaklase. Alam n’yang hindi ako sanay nang sinisigawan.
“Okey lang ako. Kumusta pala si Rose?”
“Kita mo to inuna pa ang kalagayan ng iba kesa sa sarili n’ya, alam mo kung hindi lang mga babae yung mga yon, baka tinamaan na sila sakin.” nakita ko ang mga galit sa mga mata n’ya.
“Ito talaga h’wag mo nang patulan ang mga iyon, mamaya mapagkamalan ka pang bakla, sa laki mong yan, di bagay,” nailing kong wika.
“Ano ba talaga ang nangyari at nag-away yung dalawang yon?”
“Hindi ko alam kung saang planeta ka galing Yuri, classmate ka ba talaga namin?”
“Alam mo kung alam ko lang, hindi na kita tatanungin.”
“Ginawa pa kong newscaster at chismakers nito, ayon pinag-awayan lang naman nila si France, actually si Minie lang naman ang satsat nang satsat, di na lang nakapagtimpi itong si Rose.” Pagkwe-kwento ko.
“Eh, paano ka namang nasangkot sa kanila? Minsan talaga, epal ka rin.” Nang-iinis pang wika ni Yuri.
“Wala eh, sa may alam ako, sakin nagkwe-kwento si France, maging si Rose. Anong magagawa ko manahimik gayong may alam ako, saka kilala mo ko wala akong pinapanigan, sinabi ko lang ang mga nalalaman ko. Ito rin kasing si France, sabagay hindi naman natin s’ya pwedeng sisihin kung magkagusto s’ya sa barkada ng dating girlfriend n’ya. Alam mo ba na kahit gusto ni Rose si France mas pinili n’yang lumayo kaysa may maging hindi sila pagka-unawaan ni Minie.” Ang daldal ko talaga.
“Oo nga, at mukhang madami ka ngang alam. Minsan piliin mo lang ang mga bagay na sasabihin mo, dahil baka ikapahamaak mo yan balang araw. Minsan hindi rin maganda na marami kang alam, okey na yung konti lang at least less ang opportunity na mapahamak ka,” nakangiting wika ni Aike.
“Opo, itay,”
“Tama na ngang kalokohan yan, tara at kumain tayo sa canteen ng lunch, napansin ko kasing hindi ka bumaba kanina para bumili ng meryenda.” At iginiya nga ako palabas ng classroom habang matama lang nakatingin ang mga kaklase namin samin. Wala namang bago sa eksena, madalas kaming magkasabay kumain ni Yuri, kundiman s’ya ang kasabay ko ay si Rose. O kaya mag-isa lang ako.
Habang naglalakad kami papuntang canteen, hindi ko mapigilang hindi mag-usisa, mukha kasing may pinagdaraan ang kumag na to.
“Kumusta nga pala kayo ni Nina?”
Natakot ako ng makita ko ang talim sa mga titig n’ya, pero napalitan iyon ng isang pilit na ngiti.
BINABASA MO ANG
Ligaya
Short StoryThis story is all about finding true friend who will stand by you till the end.