CHAPTER ONE

134 6 2
                                    

Hi! Ako nga pala si Rhesza Jhayle L. San Luis, but I prefer to be called as R-Jhay wala lang para astig. I'm 14 years old at nasa ikatlong taon na ng aking pag-aaral sa sekondarya. Dalawang taon na lang pala ang bubunuin ko at tutungtong na ko ng college, ano kaya ang naghihintay na mundo sakin sa sandaling magbukas ang mas malaking pinto patungo sa mas malaking mundo.

Bahay-eskwela lang ako. As usual ano pa ba ang aasahan ko, isa akong outcast na parang may nakahahawang sakit. Ang mga tao nga naman...human, akala mo kung sino mga perpektong nilikha ng Diyos. Lumalapit lang naman sila sa akin kapag may kailangan sila, lalo na kung may kinalaman sa academics. Ako naman si gaga, go lang nang go kahit na alam kong ginagamit lang nila ko.

Hindi na siguro ako makahahanap ng mga tunay na kaibigan na hindi titingnan kung ano 'yong maibibigay ko sa kanila, at kung ano ang magiging papel ko sa kanila. Hay, parasites, users, mga abusers sila. Sabagay, ako itong tanga kasi nagpagamit ako. What should I do, mahina ang puso ko, lalo sa mga taong nangangailangan ng tulong ko? Para pa naman sa akin, kung makakatulong ka, tumulong ka; hingin man nila o hindi ang tulong mo. Kung makakatulong ka, give the best thing that you can do.

Sinusubok ko namang maging bahagi ng mundo nila kahit pilit akong hinihila palayo ng pagkakataon. Gusto ko kasing maranasan kung paano tumawa nang walang halong pagpapanggap; gusto kong maranasang maging masaya at pansamantalang makatakas sa mundong pilit kong nililikha.

Kilala ako sa pagiging madaldal, high spirited at friendly ng mga tao sa labas ng mundong kinabibilangan ko; kasalungat ng pagkakakilala sa akin ng mga tao sa loob nito. Kapag nasa school ako, pakiramdam ko, nakalaya ako mula sa matagal na pagkakagapos. Pero kailangan ko pa ring protektahan ang sarili ko dahil alam kong higit na sakit ang mararanasan ko sa labas ng mundong ito. Hindi nga ako nagkamali sa aking hinuha, pero kahit ganoon ay pinilit ko pa ring sumubok na pasukin ang bagong mundong kaiba sa nakalakihan ko.

I always give my best to prove to everyone that I have my worth as a person. Pero parang kulang pa rin ang lahat. I almost give everything, pero bakit ganoon? Simula't sapul, gusto kong maramdamang pinagmamalaki nila ko, kahit na hindi ko na makuha 'yong atensyon nila okay lang dahil umpisa pa lang alam ko na na hindi ko makakamit ang bagay na 'yon. Mula elementary, nagsumikap akong maging bahagi ng pinakamagagaling sa klase, 'di naman ako nabigo dahil ako ang itinanghal na pangalawa sa pinakamahusay sa batch namin. Pero parang hindi pa rin sapat ang lahat dahil ba sa salutatorian lang ako, habang 'yong dalawang pinsan ko na ahead sa akin ay valedictorian? Bakit naman 'yong favorite nila, ni hindi kabilang sa top 5, pero masaya at proud sila rito sa simpleng parangal na nakamit nito. Napaka-unfair talaga.

Bakit ba binabalikan ko pa ang nakaraan? Pinapasama ko lamang ang kalooban ko. Life must go on. Darating ang panahon at lilipas din ang lahat, magbabago ang takbo ng mga pangyayari. Hayaan mo na nga 'yon. Bukas luluhod ang mga tala. Ahahahha. Telenobela ni Sharon Cuneta 'yon ah.

Hay! Kailangan ko na pa lang mag-isip kung anong kurso ang kukunin ko, kahit na medyo malayo pa kailangan ko nang mag-isip, mas mainam 'yon para hindi na ako mahihirapang mag-isip pagsumapit ang mismong araw na 'yon. Ano kayang maganda? Hirap naman, pero kung may isa man akong gusto sa lahat, 'yon ang magsulat. Wala lang, sa matagal na panahon kasi ito lang ang naging hingahan ko ng sama ng loob kapag gusto kong sumigaw at magwala upang sisihin ang mundo. Tama gusto kong maging journalist. I dream of becoming one of the greatest novelists. Tama, iyon ang gusto ko. Tama, para mahasa pang lalo ang talento ko--kung talent ngang matatawag 'yon. Mahilig kasi akong magsulat ng kung ano-ano, lalo na ng tula. Nasubukan ko na ring mag-compose ng isang kanta. Nitong nakaraan may isinusulat ako, isang fantasy novel kaso 'di ko alam kung paanong dudugtungan, limited lang kasi ang knowleddge ko about writing. Ako pa naman 'yong tipong, sulat lang nang sulat kung anomang tumatakbo sa isip ko. Saka ayoko sa lahat 'yong maraming kinokonsidera baka maging hindrance lang 'yon sa malayang paghulagpos ng mga ideya sa aking isipan.

LigayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon