Akala ko okay na ang lahat, akala ko lang pala. Akala ko kaibigan ko s’ya, sarili ko lang pala 'yong pinaniwala ko. Ang sakit na ipamukhang hindi ka n’ya itinuturing na kaibigan gayong bestfriend ang turing mo sa kanya.
Akala ko natagpuan ko na ang taong magpapahalaga sa 'kin bilang kaibigan, pero tulad din ng iba friends with benefits lang rin pala.
Heto ako ngayon sa may hagdan at nagmumukmok I really don’t care kung pinagtitinginan nila ako habang nagdaraan sila. Isa na lang ang pinagpapasalamat ko hindi ako iyakin.
“May problema ka na naman?”
Nilingon ko kung sino 'yong nagsalita though halata naman kung sino ito, that was Harry.
“Na naman talaga?” kunot noo kong wika.
Nagulat na lamang ako nang bigla siyang umupo sa tabi ko kapag daka ay tinitigan ako sa aking mga mata.
“Ngayon mo sa 'kin sabihing wala kang problema, alam mo Rhesza kahit gaano ka pa kagaling magtago ng nararamdaman mo kita naman d’yan sa mata mo na may dinaramdam ka,” seryoso niyang wika habang direkta pa ring nakatitig sa mga mata ko.
“Hahahah, naku Rie ikaw na. Dami mong alam,” I tried to fake a smile.
“You can hide your tears in your smile, but you cannot hide your feeling in your eyes,” pagkawika n’ya noon ay tumayo na s’ya at naglakad papuntang room namin habang ako ay naiwan lamang na nakatulala habang iniisip ang mga katagang binitawan niya.
“Ayie, pinapatawag ka ni Ma’am Sanchez,” hindi ko na kailangan pang lingunin kung sino man ang tumawag sa akin dahil isang tao lang naman ang tumatawag sa akin ng Ayie dito sa school.
Tumayo ako mula sa pagkakasalampak ko at sinundan ang papalayong si Jamil.
“Hoy lalaki, baka gusto mo akong hintayin.” Sigaw ko sa kanya, pero tiningnan lang niya ako at muling nagpatuloy sa paglalakad.
Anong drama no’n?
Akala ko kung ano nang problema at kina-usap ako ni Ma’am, though problema naman talaga kasi nanganganib akong malaglag sa top dahil sa grade ko sa English. But then salamat kay Ma’am kasi binigyan n’ya ako ng chance to prove na I really deserve 'yong chance na ibibigay niya. Hindi kasi ako fan ngEnglish subject gusto ko lang ito kapag magbabasa kami ng literary piece o magkakabisa ng poem pero pagdating sa rules and regulation ng subject verb agreement and sentence pattern construction pakiramdam ko may g'yera nang nagaganap sa loob ng utak ko. English is really suck. OA man, pero hindi talaga ako komportable o dahil sa kulang lang talaga ako ng tiwala sa sarili ko.
Matapos akong kausapin ni Ma’am Sanchez ay bumalik na rin agad ako sa classroom namin dahil malapit nang magsimula ang History subject namin, ang paborito kong asignatura sumunod sa Mathematics.
Nang pumasok ako sa room namin nakita kong nagkulupungan na naman ang grupo nila Minnie sa isang tabi at katabi niya si Dharren, ang kanyang nobyo na kamag-aral din namin at isa sa dating ka-close ko sa klase noon.
BINABASA MO ANG
Ligaya
ContoThis story is all about finding true friend who will stand by you till the end.