MarjorieMarcelino's Story

117 5 0
                                    

Loving someone who doesn't love you is like a cactus. The tighter you hold on, the more it's going to hurt

“Ayoko sayo, distansya naman oh!” Halos lamunin ako ng lupa sa sobrang kahihiyan nang sabihin niya four years ago ang mga salitang ‘yan. Itago na lang natin siya sa pangalang PANGET—kasing panget niya kasi ang ugali niya.

Sa kanya umikot ang buong High School life ko. Unang kita ko pa lang sa kanya, tinamaan na ‘ko. Naging textmate ko siya. Dalawang beses niya rin akong sinayaw nung minsang nagkaron ng social night sa school. Madalas kaming tuksuhin, akala pa nga nung iba, boyfriend ko na siya. Syempre, dahil feeling maganda ko, pa-hard to get ang drama ko. Hinintay ko na aminin niyang gusto niya rin ako, pero nagmukha lang akong tanga sa kakahintay. Nadurog ang puso ko ng malaman kong may girlfriend na pala siya. Pero dahil ako si Marjorie Marcelino, hindi ko siya sinukuan. Tatlong taon pa ko nagpakatanga at umasa sa kanya.  Madalang ko siyang makita sa school dahil sampung rooms ang pagitan ng section namin. Malapit ang room nila sa school clinic kaya kahit walang sumasakit noon sa ngipin ko-- umaarte ko na meron, makasilay lang sa kanya. Nag-aral rin ako maglaro ng Dota dahil ‘yon ang hobby niya, pero sa halip na matuwa siya sakin, turn-off ang inabot ko. Sobrang sakripisyo ang ginawa ko noong High School para sa kanya, medyo napabayaan ko rin ang pag-aaral. Imbes kasi na mag review, kung anu-anong paninira ang sinasabi ko sa magulang niya at sa mga kaibigan namin-- Hanggang sa nabalitaan ko na lang na wala na sila ng girlfriend niya. Sobrang pagka-guilty ang naramdaman ko. Gumawa agad ako ng sorry letter at binigay sa ex girlfriend niya.

“Ayoko na!” Nagpasya ko’ng pigilan ang feelings ko at kalimutan na lang siya, pero bago ‘yon… kinarma muna ko. Sinabihan ako ni PANGET ng mga masasakit na salita. Ako na isang bully, pinahiya niya sa lahat, imposible, pero nangyari.

Sa ngayon, masaya na ‘ko sa buhay ko. Ang mga nangyari noong High School, tinatawanan ko na lang ngayon. Nagkikita pa rin kami ni PANGET, pero sa tuwing nakikita ko siya at naaalala kong nagustuhan ko siya, napapatanong na lang ako…. BAKIT?  ><

P.M.A.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon