Animpad13226's Story

127 10 12
                                    

 Don't settle for a relationship that won't let you be youself

Haha, so this is a story of my life - serious, walang na-edit dito. Kaso I left some things out. Nakakahiya 'yung iba eh... Ito ang buhay ko simula nung Grade 4 up to Grade 7. Kaloka eh, pati high school eh ginawang grade chu chu. So, eto na po ang simula. Enjoy reading my life.

Throwback No# 1; Grade 4;

Naalala ko nung transferee palang ako sa school ko, walang kakilala at walang kausap. It was like a nightmare for me! Madaldal ako (hindi ba obvious?) and gusto ko lagi akong may kasama. Ayoko ng nag-iisa. Tsaka, it's like my fourth school na oh! Sana naman tumagal ako dito more than three years!

So eto, seating arrangement na! Sana naman maging ka-close ko ang katabi ko - ang nasa isip ko nun. Kasi nga, I like friends di'ba? Pero siyempre, dahil mabait akong bata (weh?) napagbigyan ang hiling ko!

I earned 2 new best friends and a lot of close friends. Nagkaroon ako ng dalawang best friend na lalake ('yung isa, confused. xD) at siyempre, may isa pa! Si Vicky! Nickname niya 'yan! Enriched ako nun and masyadong mahaba ang schedule namin nun. Kasi nga eh, 7:40 to 5 ang oras ng klase! Ang pinakamaaga eh... 4 ata or 4:20? Aga no? Pero hindi dyan nag-start ang kalandian ko (havey ag term)

So nagkaroon ako ng crush, itago natin siya sa pangalan na Ricky. Edi crush ko na siya. Then naging close kami ng crush niya na si Kathy (imbentong name pero totoo ang tao, gets?) at ang saklap, napagitnaan nila ako sa seating arrangement nung 2nd Quarter ata. Galing nilang maka-OP pramis! Naging close din naman kami ni Ricky. FC kasi ako, wala ng kakaiba 'dun.

Then it's field trip. Ang pinaka last destination namin ay MOA, sa may Science Planetarium. Dun, habang nanonood kami ng kung ano man ang tawag dun, 'yung panonoorin mo ang mga planets na mag-evolve chu chu, siyempre tuwang-tuwa ako. Tapos nung lumabas kami, kinapa ko ang bulsa and my eyes went wide. SHEMS! NAWAWALA PALA ANG CELLPHONE KO. Naiyak ako nung mga time na 'yun, kasi naman eh, first ever cell phone ko tapos nawala pa. HUMAIGHAS NA LANG DI'BA? SO anyway highway, hindi naman nagalit si mama.... MEDYO lang.

Tapos nung dumating na ang kalagitnaan ng 2nd and 3rd quarter, nilalandi na ni Ricky si Kathy! Oo! Ang bata pa eh no? Pero lagi akong nadadamay sa kanila! Kapag tumatakbo si Kathy palayo kay Ricky, sinasama niya ako. Eh ang ginawa ko? Nakisama ako, kaibigan ko eh. And nung kinantahan ata kami ng Baby by Justin Bieber ni Ricky, ewan ko kung kasama talaga ako nun. Pero isa lang ang say ko, kinilig ako kahit hindi para sa'kin.

Then may time na tumabi sa'kin si Ricky, at may dalang notebook. Nagpa-drawing siya sa'kin. Edi ni-drawing-an ko siya? Lagyan ko daw ng pirma edi nilagyan ko. Tapos ginulo ni Kath, nilagyan ng unnecessary design sa damit kaya nilagyan ko;

P.S, si Kathy ang naggulo niyan!

Pero nung malapit na ang recognition, oh my gosh, sabi sa;kin kasali ako sa top! Edi nagdiwang naman ako di'ba? Tsaka natuklasan ko ang Wattpad mga ganong time pero walang account. Tinamad ako eh...

Tapos one day, nalaman kong Shems~! Bagsak pala ako sa Math! 82 point something ang grade! Eh kailangan 83 or 4 and above para makapasa! Napaiyak kaya ako nun. Kasi akala ko pwede na. Kasi ang taas-taas ng iba kong grades, Math lang ang nagpa-baba! Nakakainis! Basta babawi ako next year! Itaga mo 'yan sa shell ng pagong! Huwaiting!

Throwback No. # 2; Grade 5;

Hay salamat at naka-survive ako ng panibagong taon! Yes! Dito pa din ako sa Blessed! Masaya dito and I like the teachers! Mababait and friendly!

Eto na naman kami, usap tungkol sa nangyari sa summer and all. Haha, may mga bagong transferees din! Oh my gosh, walang gwapo! Kainis! Bad treppp~~~ Believe me or not, wala akong naging crush... si Ricky pa din. Bakit ba? Pogi eh! Haha, wait, lumalandi na ako - este, lumaLAYO na ako sa topic. Oo!

P.M.A.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon