MissHeartBreaker18's Story

139 10 9
                                    

“ Failures are not hindrances to success..Follow your dreams and if you fail again, just try until you reach it.”

“Create best memories with the person you value while they are still there with you because not all the time they will be there to join you on your journey”

Sabi nila Highschool, yun daw ang pinakamasayang parte ng buhay ng bawat isa sa atin, bakit? Kasi eto daw ang pinaka nakakaenjoy na part,pinakaexciting,puno ng adventures,dito din nangyayari ang halos lahat ng first time sa buhay natin, first dance, first love,first heartache,etc. Pero sinong nagsabing puro enjoyment,excitement at happiness lang ang laman ng Highschool life?  There’s no perfect thing in this world,yan ang lagi nating itatak sa utak natin, lahat ng bagay at tao ay may imperfections. Ganoon din ang Highschool, may malungkot din silang part. Now let me tell you my story when I was only in Highschool days.

First time I ever enter High School , syempre nakadama ako ng kaba, pero mas nananaig yung excitement ko. Lagi kong itinatanong noon sa sarili ko, anong klaseng tao ba ang mga makikilala ko? may magiging mga kaibigan ba ako? Strikto kaya ang magiging teachers ko? At anu ano pa. Naging maganda ang pagpasok ko ng HS kasi 1st year top 1 ako ng klase and I belong to Section 1. Dito ko din ako nakilala ang first ever friends ko nung HS, at nakabuo kami ng group named MaTriAnne stands for Maricar,Trinny and Arriane, pero sabi nga nila hindi din perpekto ang isang friendship nabuwag kami dahil nagkaroon kami ng misunderstanding ng isa sa kanilang 2. 2nd year, ito ang pinaka masalimoot na part ng HS para sa akin, dito ako nagfail sa grades, dito ako nawalan ng friends, dito naranasan ko ang umiyak, kasi I fell in love sa guy bestfriend ko which is ang lalaking kinababaliwan ng isa sa bestfriend ko, ditto ko naramdmaan yung true essence ng pagpaparaya at ang hirap at sakit ng pagpapaubaya sa taong mahal mo. Sa year din na to naranasan ko ang halos lahat ng failures.

3rd year ang pinaka memorable na taon dahil dito ko naranasan ang first ever JS Prom, napaka exciting ng Prom. Pero dito din ako  nagkaroon ng kawalan ng self confidence sa sarili ko at nagging insecure sa hitsura ko, dahil masakit at nakakahiya na walang gustong maging partner mo sa Prom. Pero naenjoy ko pa din yun kahit ganoon. Pero ang pinaka unforgettable sa lahat at ang masasabi kong best part is ang 4th year. Kasi dito na kami lalong nagging bonded ng batchmates ko, dito namin naramdaman na pamilya talaga kami at pinapahalagahan namin ang isa’t isa, ditto ako nagging totoo sa sarili ko, hindi natakot mag fail, hindi natakot masaktan at hindi natakot magmahal. Dito ko din natagpuan ang friendship na totoo at hanggang ngayon ay buo padin. Ito ang 3 idiots, binubuo ng isang chubby, hopeless romantic at matalinong si nerdy(ako yan), sexy at maputing rich kid na si sexy, at ng isang NBSB na simpleng babaeng si beauty. Yan ang 3Idiots, may kanya kanya kaming differences kaya nga may kanya kanya din kaming code name.Magkakaiba man kami hindi nun natibag ang bond na nabuo namin, kahit kailan ay hindi kami nag gamitan, hindi nila ako ginawang kaibigan dahil sa matalino ako, hindi ko din sila ginamit dahil mayaman si sexy, at mahinhin si beauty. Nabuo ang friendship namin dahil mayroon kaming iisang characteristic na siyang naging daan para maging close kami yun ay ang pagiging baliw namin. Tumatawa kami sa sulok ng room habang naglelecture ang teachers, nagkukwentuhan kahit nasa harap kami nakaupo, pinagtatawanan ang mga bagay na kung tutuusin ay hindi naman ganoong katawa tawa.

Nag pipicture kami kahit madaming tao,kumakain kami kahit hindi recess,at higit sa lahat na nagustuhan namin sa isa’t isa kapag nasaktan yung isa wag kang umasang aaluhin o kukomportahin ka nila, dahil ganito ang mangyayari, sesermunan ka nila at sasabihin sayo yung mga bagay na hindi mo gustong marinig pero alam mong yun ang tama, hindi ka nila dadamayan pero ipapaintindi nila sayo kung may mali ka din. Kaya naman tinitreasure ko silang dalawa kasi minsan lang makatagpo ng kagaya nila. Sa kanila ko kasi natutunan yung pagiging baliw, totoo sa sarili, yung walang halong kaplastikan at pagpapakitang tao lang ang bawat galawa mo, yung hindi ka matatakot na mapuna at mahusgahan ng iba kasi alam mo yung totoong ikaw. At syempre kung may Friendship mawawala ba naman ang love?  Sa Highschool ko din naranasan ang kauna unahang pagkabaliw ko sa isang lalaki, yung tipong hindi na lang basta pagkacrush yun kasi imagine umabot kami ng 1year  without any commitment or relationship, MU lang kumbaga. Siya yung lalaking minahal ko talaga ng buong buo kahit na parang wala lang ako sakanya still nanatili pa din ako, yung pride ko binaba ko na’t lahat wala pa din kasi grabe yung katorpehan niya potek! Ang hirap maging babae! Gosh! Hahaha! So ayun umabot ng 1year na umasa lang ako sa kanya pero talagang hanggang paasa lang siya.But I thanked him pa din kasi sa kanya ko natutunan ang kasabihang “kung magmamahal ka magtira para sa sarili para hindi ka masyadong masaktan

At syempre ang pinaka unforgettable sa part ng Highschool ay ang Graduation , isang araw na sisira sa apat na taon niyong pagkakaibigan, isang araw din na babago sa nakasanayan mong buhay estudyante, ito ang stepping stone kumbaga sa pag akyat mo sa mas seryosong parte ng buhay..Isang araw ng pagwawakas ng mga pressure at happiness na nadama mo sa HS pero ito din ang araw ng bagong simula ng isa pang kabanata sa buhay mo. Nung Graduation namin pinigilan ko talaga eeh, I tried my best na maging matigas at hindi umiyak pero ang potek ako pa yung nanguna sa pag iyak sa mga batchmates ko ako pa ang nagpasimuno kung bakit pati sila hindi na din mapigilan ang umiyak kaya nakabitan nila ako ng titulong “Drama Queen” haha! Hindi ko na kasi mapigilan eeh, nung Makita ko ang 3idiots pagkatapos ng Graduation ceremony na palapit sa akin, hindi ko na napigilan ang pagdagsa ng mga luha sa mata ko na kusang nagpatakan,wala eeh madrama talaga ako,haha! Niyakap ko sila ng mahigpit na mahigpit, syempre pagkatapos ng araw na yun maghihiwalay na kami ng landas kasi hindi naman lahat kami ay sa iisang kolehiyo pa din mag aaral diba? Kung magkikita man kami paminsan minsan na lang yun kapag hindi kami busy sa college life. Yakapan dito yakapan doon, iyakan dito iyakan dun, yan ang eksenang makikita mo sa halos lahat ng Graduation.

I Graduated Highschool with honor, hindi man naging top 1 masaya pa din ako sa nakuha kong award , kasi I am not looking for more kuntento na ako kasi alam kong pinaghirapan ko din yun. Maraming beses akong nagfail sa mga goals ko, maraming beses akong natalo but still I manage to stand up and build my confidence. Sa maraming beses na nagfail ako syempre may mga times din na halos sumuko na ako at nawala yung self confidence ko, pero I feel great na nalampasan ko yun at natuto akong muling tumayo.

Yung Highschool life ay isang parte lang siguro ng buhay ko pero katumbas nito ang kalahating parte ko, dahil halos lahat ng masasaya, malulungkot at unforgettable memories ko sa parteng ito nangyari.

PS: Maikli po ito,hihi..Rush lang kasi:) Pero lahat ng nakasulat ditto ay galing sa puso ko..Hope naenjoy niyo at nakapulutan ng aral.

P.M.A.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon