Ayun yung story ko kasi may bf ako noon and then nagpakatanga ako sakanya yung tipong ayaw kong magbreak kami. Iniyakan ko siya. Tapos hanggang sa isang araw inagaw siya ng magaling kong kaibigan andaming ahas sa mundo bes! Tss! Ayun promise nanggigil ako sa kanila! Ang sakit ng ginawa nila sakin. Hanggang ngayon sila pa rin. Alam mo yung feeling na dapat ako yung kasama niya kaso wala na eh. Hays nung gabi na nalaman ko na magkasama sila ng hindi ko alam. Umiyak ako habang sinasabi ko na ano bang meron sa kanya na wala ako?! May mali ba sakin?! Ako yung gf mo! Sabihin mo nga bakit kayo magkasama?! Tinawagan niya ko tapos umiiyak siya kaya ko siya pinuntahan sagot niya. Ako yung gf mo! Umiyak lang siya tapos pinuntahan mo na! Hindi mo man lang naisip kung ano yung mararamdaman ko! Ansakit ng ginawa niyo eh! Bakit kailangang may yakap at hawak kamay pa?! Bakit!!! Alam mo ba umiyak ako sayo nung nag-away tayo ng dahil sa bulaklak lahat ginawa ko para lang magsorry sayo pero wala hindi mo ko pinansin! Bulaklak lang yun! Pero hindi mo ko napatawad! Masyado ka kasing naniwala sakanya! Sabi ko sakanya. Inawat ako ng mga kaibigan ko. Tama na yan para kang tanga sa ginagawa mo!hayaan mo na sila! Sabi ng kaibigan ko sakin. Pagkatapos niyang sabihin yun umiyak ako ng umiyak tapos umuwi na kami.
A/N:ang drama diba? Ang sakit talaga nung ginawa nila.
BINABASA MO ANG
Bakit&Dahil List
General FictionMga kasagutan sa inyong mga katanungan. Malay niyo matulungan kayo ng aking BAKIT&DAHIL LIST sa inyong mga problema sa buhay o relasyon man yan may mga kasagutan pa rin yan.