Bakit kaibigan ko/mo pa?
Dahil I don't know hahahaha! Sabi nga nila hindi naman natuturuan ang puso kung sino yung mamahalin nila dahil kusa lang naman itong nararamdaman pero bakit nga ba sa kaibigan ko/mo pa? Anong nakita mo sakanya na wala sakin? Para kasing ang pangit tignan na boyfriend kita/niya tapos bigla mong liligawan yung kaibigan ko/mo what the heck! Ang sakit pwede naman sa ibang tao bakit dun pa sa taong malapit sakin/sakanya? Hindi mo man lang ba naisip na ex kita tapos magiging kayo ng kaibigan ko/mo and the worst is alam naman ng kaibigan ko na ex kita pero bakit ka pa niya pinatulan diba? Dapat in the first place pa lang alam niya na hindi pwedeng maging kayo. Pero ano nga naman ang magagawa ko/mo kung parehas niyong mahal ang isa't-isa diba? Sana man lang naisip niyo muna kung may masasaktan kayong tao hindi yung mas uunahin niyo yung relasyon niyo na meron kayo pero hinayaan niyong masira yung pagkakaibigan na meron ka/ako. Oo wala na kong magagawa kung hindi suportahan kayong dalawa sa gusto niyo pero sana naman bes paki ingatan naman yung taong mahal ko/mo wag mo naman siyang sayangin. Wag mong hayaan na mawala siya sayo dahil pinalaya ko siya para lang maging masaya kayong dalawa.
BINABASA MO ANG
Bakit&Dahil List
General FictionMga kasagutan sa inyong mga katanungan. Malay niyo matulungan kayo ng aking BAKIT&DAHIL LIST sa inyong mga problema sa buhay o relasyon man yan may mga kasagutan pa rin yan.