comfort

445 10 3
                                    

--

JANE'S POV

--

Maaga akong pumasok sa school ngayon para tapusin yung assignment ko. Nagsabi naman ako kay Cloey na mauuna ako. Pano kasi kagabi hindi na maalis sa isip ko yung napanood ko tungkol kina Steph at James -__-

Eto tuloy ang naging resulta.

Nandito ako ngayon sa library binabasa ang libro na related sa assignment ko. Mabilis ko din naman natapos at pumunta na agad ako sa classroom.

Pagdating ko sa room, tumambad sakin ang naggagandahang mukha ng flower four. Sina Steph, Cloey, Nicole and Hannah. Yun na ang tawag ko sa kanila tutal maihahalintulad naman sila sa magaganda at mababangong bulaklak ^_^v

"hey? san ka ba nanggaling?

Tanong ni Cloey.

"So tara na?"

Dagdag ni Nicole.

"Let's go guys! ^__^"

Sabi ni Hannah.

"tteka? san tayo pupunta? may pa..."

Bago ko pa man ituloy ang sasabihin ko biglang singit naman ni Nicole.

"Sa mall ^_^, Antagal mo kasi, nahuli ka tuloy sa balita. Cancelled ang klase ngayon."

Anak ng teteng! Cancelled daw? -__-

Inagahan ko pa naman ang pasok para lang sagutan ang assignment na to tapos mawawalan naman pala ng klase -_-

Hindi na ko nakaangal pa at kinaladkad na nila ko papunta sa parking lot. Napansin ko na kanina pa tahimik si Steph. Nakakapagtaka tuloy.

.

*At Mall

"Girls tara sa timezone!"

pagyayaya ni Hannah.

Agad naman naming tinungo kung san man nakapwesto yun. Habang busy sila sa paglalaro ng kung anu ano, hindi maalis alis ang tingin ko kay Steph. She's still in silent mode.

Bigla nalang akong nakarinig ng mga bulung-bulungan sa likod ko.

.

Chismosa 1 : "Diba siya si Stephanie Collins? Porke alam niya na mahal siya ni James eh naging mean siya dito. She's not even beautiful"

Chismosa 2 : "You're right sis! Kawawa naman ang James baby ko >_<"

Nakita kong napatingin si Steph dun sa dalawang chismosa na tila narinig niya ang lahat ng sinabi nila pero iniwas nalang nito ang tingin dun sa dalawa.

Grabe! Nakakagigil yung dalawang impaktang yun! Kung makalait sila kay Steph! Hindi ba sila nagsasalamin?

Isang Diyosa laban sa dalawang lamang lupa?! Gawd, nakakainit ng dugo. Lumapit ako kay Steph at hinila siya papunta dun sa may upuan na malapit lang sa pinaglalaruan nila Cloey.

Falls Perfectly (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon