Competition

539 14 7
                                    

--

"guys excited na ko for tomorrow ^__^"

"ako din sis! sana ako yung makakuha ng highest grade! ^_^ "

"umasa nalang kayo dahil sakin mapupunta ang reward! :P "

Mga bulung-bulungan ng mga kaklase ko na nakatambay dito sa corridor.

Lumipas ang ilang mga araw mula nung i-announce ni Ms. Reyes ang baking activity na gaganapin kinabukasan. Oo tama kayo ng pagkakabasa, bukas na magaganap ang isang espesyal na competition para sa aming mga C.A. Students.

Halos lahat kami excited na para sa activity na yun ngunit syempre nandun parin yung kaba para sa mga sarili namin.

"lamon na bukas! yay! :D "

Sambit ni Nicole.

"Jusmiyomarimar! Ang dakilang PG ng barkada! :D"

Saad ni Hannah.

"Inggit ka lang! hmp!"

Mataray na pagkakasambit ni Nicole.

Sa aming barkadahan silang dalawa ang pinakaclose sa isa't isa pero mortal din na magkaaway dahil sa walang katapusang bangayan at harutan.

Kring...

Kring...

Kring...

Akala niyo cellphone ko ano? Nagkakamali kayo, kakatapos lang kasi ng breaktime kaya tumunog na yung bell ^__^v.

Agad namang nagsipasukan ang lahat ng istudyante sa kanya kanya nilang mga classroom. Sa paghakbang ng mga paa ko patungo sa pwesto ko, unti unti na naman akong nakaramdam ng kaba. Dadaan ako sa harap ng taong gustong gusto ko, sa pagsapit ko sa harap niya tila tinutusok ng milyong milyong karayom itong puso ko. Sa tuwing nakikita ko siya, palagi ko nalang naaalala ang mga pangyayaring nasasaksihan ko sa kanilang dalawa ni James. Ano na nga ba talaga ang status nilang dalawa?

Hindi pa ba obvious sayo Jane? Naghahalikan at nagyayakapan? Diba gawain lang yun ng magboyfriend at maggirlfriend?

Haay. Tama nga naman si utak. Sa sobrang pag-iisip ko muli na naman akong nakakaramdam ng sakit.... dito sa puso ko.

Bakit ba kasi sa dami-rami ng tao sa mundo si Steph pa ang nakapagpatibok ng puso ko. Ang unang pakiramdam na naramdaman ko lang sa iisang tao.

Feelings na kahit ipaglaban ko, mas mangingibabaw parin ang panghuhusga sa mata ng iba.

Saan na nga ba ko dapat lumugar? Sa tuwing kasama ko siya iba yung pakiramdam at saya, pero ngayong iniiwasan namin ang isa't isa isang matinding sakit naman ang nararamdaman ko.

"Mukang malalim na naman ang iniisip mo ah?"

Bigla namang singit ng isang pamilyar na boses na nagmumula sa tabi ko.

"Oh! Hi Prince! ^_^" bati ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Falls Perfectly (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon