basta driver sweet lover

358 6 0
                                    

--

STEPH'S POV

--

Isang malakas na tunog ng alarm clock ang gumising sakin ngayon. Well, okay nadin dahil minsan lang umepekto ang alarm ko ^_^v

Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong katabi ng lampshade para icheck ang tamang oras. Wala akong tiwala sa alarm clock ko dahil laging advance ang oras dun ^^

It's already 6 in the morning, pero maaga pa kumpara sa normal kong gising. Sa pagkakalikot ko ng phone bigla nalang nag appear yung conversation namin ni Jane kagabi.

"hey my princess thankyou sa sandwich ^__^ Best food ever! ;) sana everyday ^_^

-your queen :*"

Hindi ko alam kung bakit bigla bigla ko nalang nasasabi yung mga ganun sa kanya. Samantalang pag kasama ko siya puro pang aasar lang ang ginagawa ko, ang cute niya kasi kapag naiinis ^_^

Matapos ang ilang minuto, naisipan ko ng tumayo para kumain at maligo para narin makapag-ayos na ko ng sarili ko para sa pagpasok, nang biglang..

ring..

ring..

ring..

Sino naman ba tong natawag na to? Ang aga aga nambubulabog! -___-

"hel..."

"Steph! I need you here now!"

At ayun nga, pagkatapos putulin ang sasabihin ko, nagawa pa kong utusan at sigawan ng bruha. Sa boses niya kilalang kilala ko na kung sino siya. Si Cloey -__-

Habang nagddrive ako papunta sa kanila, bigla nalang sumagi sa isip ko ang dahilan kung bakit niya ko pinapapunta.

Teka??

Bakit nga ba? -__-

Nandito na ko sa tapat ng gate nila. Pipindutin ko pa lang sana yung doorbell ng biglang bumukas nalang ang pinto at tumambad sa akin ang isang mala-diyosang pagmumuka.

May kakaibang kuryente ang bumalot sa buo kong katawan. Kasabay nun ang tila libu-libong mga kabayong nag-uunahan sa loob ng dibdib ko. Hindi ko maiwasan ang mapangiti sa tuwing nagkukrus ang mga mata ko sa mga mata niya.

Habang magkatitig kami sa isa't isa, kapansin pansin ang tila pag-indayog ng buhok niya kasabay ng mahinang pag-ihip ng hangin. Halos matagal ding tumambay sa ilong ko ang mabango at humahalimuyak niyang amoy.

"Jane, ang ganda mo"

mga salitang bigla bigla nalang lumabas sa bibig ko.

Agad ko namang naramdaman ang pag-init ng muka ko.

Jeeez!

Sinabi ko yon? At mismong sa harap niya?! O___O

Pesteng bibig itu!

Napansin ko naman ang pamumula ng mga pisngi niya na nakapagpadagdag sa mala-diyosa niyang kagandahan.

"Oh Jane. Nandito na pala sundo mo."

Pambasag ni Cloey sa namumuong katahimikan sa amin ni Jane.

Falls Perfectly (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon