painful past

389 5 0
                                    

--

JANE'S POV

--

kitang kita sa mukha ng karamihan ang pagkamangha sa pagkanta ni Steph.

For the second time, I heard that angelic voice again.

Hindi ko mapigilan ang hindi humanga sa babaeng to, hindi rin mawala wala ang init sa muka ko habang kumakanta siya, pano ba naman sakin nakatingin -__-

halos matunaw ako sa kinauupuan ko. jeeez! Ano bang kailangan kong gawin para mabawasan manlang ang kulay kamatis kong pagmumuka!

.

"she totally moved on"

mahinang pagkakasabi ni Cloey habang pasimpleng ngumiti.

"moved on san?"

chismosang tanong ko. Syempre, curiosity attack :D

"a week before Steph and James' anniversary, she asked for help. Gusto niyang isurprise si James, she agreed on what I've suggested"

si Cloey.

"what are you suggested?"

tanong ko ulit.

"I said, sing for him.

After that, she took voice lessons. Well, natural naman sa kanya yung galing niya sa pagkanta pero mas pinaghandaan niya yung gagawin niyang surpresa para kay James."

"ahhhm, tapos?"

"Pumupunta siya dito sa bar na pag-aari pa ng Dad niya noon para magpractice. Almost one week of preparation just to surprised him. Sinasama niya pa kami nina hannah and nicole dito para lang itanong kung okay na daw ba yung boses niya. then.."

naputol saglit yung kwento ni Cloey dahil sa pesteng waiter na nagtanong kung may gusto pa kaming orderin.

"then what??"

interesado kong pagtatanong.

"on the day of their first anniversary, tumulong kami sa pag aayos dito sa bar. Nang matapos yung preparation. Steph texted James to visit her. Ready na ang lahat, excited din kaming mga friends niya. Nag-effort siya para dun dahil gusto niyang masuklian ang lahat ng kabaitan at pagmamahal na naramdaman niya kay James. Habang naghihintay kami, bakas sa muka ni Steph ang excitement at kaba. Makalipas lang ang ilang minuto, dumating si James sakay ng isang mamahaling sasakyan.

Falls Perfectly (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon