First

403 8 5
                                    

--

JANE'S POV

--

Pagkatapos kong matahimik sa usapan namin ni Steph sa loob ng kotse niya, iniabot ko nalang bigla yung paper bag na may lamang sandwich. Naisipan ko siyang igawa ulit dahil sa text niya kagabi. Napansin ko naman ang palihim niyang pagngiti habang tiningnan yung laman nung bag.

"hoy payat! pagkain yan hindi pigurin"

Saad ko.

"alam ko ^__^"

At patuloy parin ang pagngiti niya.

Sheeet! Ano na naman ba tong pakiramdam na to?

Feeling ko sasabog ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Akin na nga yan! Ako nalang ang kakain"

Sambit ko sabay hablot dun sa paper bag.

Hindi siya kumibo sa halip tiningnan niya ko ng nakamamatay na tingin. Halos mapako ako sa kinauupuan ko. Grabe, nakakatakot yung tingin na yun. Feeling ko nililibing niya na ko ng buhay! -__-

"Give it back"

Mahina at seryoso niyang pagkakasabi.

Sa sobrang takot ko, dahan dahan kong ibinalik sa kanya yung sandwich na dala ko. At pagkakuha niya nun agad ko namang tinakip ang mga kamay ko sa mukha ko na tila batang takot na takot.

Aba siyempre, kung sakali mang gerahin ako nito, atleast may natitirang proteksyon naman sakin kahit na sa mukha lang, sayang ang beauty ko kung mababahidan lang ng bakas ng mga kamay niya. HAHA

Pero sa totoo lang natatakot na ko.

Ilang minuto akong nasa ganung posisyon. Maya maya ay unti unti kong ibinuka ang daliri ko para silipin kung anong ang ginagawa niya.

"Ibinigay mo na, tapos babawiin mo pa. Akin na kaya to ^__^"

Nagsasalita siya habang nakatingin sa paper bag. Dafuq?!

Pero alam ko naman na ako ang kausap niya.

Bigla naman nawala ang takot ko sa dibdib ko at mejo gumaan na ang pakiramdam ko. Haaay Steph, bakit ang ganda ganda mo? :">

Nang makarating na kami sa school, agad ko namang tinungo ang faculty room para ibigay ang excuse letter ni Cloey. Iniwan ko muna si Steph sa labas habang pinapark yung sasakyan niya, nang maibigay ko na, binilisan ko na ang pagbalik sa parking lot hindi kasi ako nagpaalam sa kanya, basta nalang akong umalis ^__^v

Nang marating ko ang parking lot, nagulat nalang ako bigla sa hindi ko inaasahang makikita.

.

James and Steph, They're kissing.

.

Agad namang bumalot ang matinding panlalamig sa buo kong katawan, isang dambuhalang kirot ang unti unting sumasakop sa dibdib ko. Sa gilid ng mga mata ko, mapapansin ang namumuong luha na pilit kong iniingatan para hindi bumagsak. Napansin ko naman ang hindi sinasadyang pagtingin sakin ni Steph, tsaka ko iniwas ang tingin ko sa kanilang dalawa. Dahan dahan akong lumakad palayo hanggang sa di ko namalayan na tumatakbo na pala ako.

Falls Perfectly (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon