Chapter 1

74 8 0
                                    

PROLOGUE

Mahal  ko siya pero takot akong magtiwala.

Mahal ko siya pero takot akong malaman nya.

Mahal ko siya pero anong kaya ko mahirap lang ako.

Langit siya Lupa ako.

Hanggang saan aabot itong pagmamahalan na ito.

Pero anong magagawa ko puso ko na ang kalaban ko.

Kaya ko kayang harapin lahat para lang sa taong mahal ko?

Kakayanin ko lahat ng mga pagsubok na to kahit anuman yan.

Kaya nga ako binansagang The Palengke Girl ng lugar namin dahil kaya kong tiisin ang hirap at gumawa ng paraan para mabuhay at mahanap ang Pamilya ko.

*DON'T FORGET  TO LIKE, VOTE AND SPREAD THE STORY!!!
AND BE A FAN!!!*

ENJOY READING ARIANS!!!😀

PLAGIARISM is a "wrongful appropriation" and stealing of publication of another's language, thoughts, idea, or expressions and the presentation of them as one's own original work.

PLAGIARISM is not a crime but can constitute copyright.





Seyn's POV

"Hoy babae, Gusto mo atang buhusan kita ng malamig na tubig para magising ka." Dagli-dagling bumangon ang walong  taong gulang na bata at mabilisang inayos ang kanyang higaan. "Ang aga-aga pinapa-init mo ang ulo kong bata ka. Mukhang nakakalimutan mo ako ang dapat mong pagsilbihan at hindi ako ang magsisilbi sayo. Tandaan mo katulong ka dito sa pamamahay ko". Yan ang palaging sumasalubong sakin tuwing umaga. Kung hindi walis tambo ang gamit yang bunganga naman nya. Salitan lang. Alam nyo ba yung Umagang kay Ganda ko sana , Umagang kay Sama para sakin dahil sa tita kong parang laging nakalunok ng megaphone. Nakakainis na pero anong magagawa ko isa lang naman akong batang wala pang kayang gawin para maipagtanggol ang sarili.

"Eto na po Tita lalabas na po."

*Kainis*

"Bilis bilisan mo babae. Malapit na akong mainis sa pagmumukha mo." Inis at sigaw nya sakin na talaga namang nakapagpabilis ng galaw ko. Alam nyo yung mukha nyang parang ampalaya sa sobrang pait ng itsura sabayan pa ng pagka-kunot kunot nyang noo sa sobrang salubong ng kilay.

*Mukha tuloy siyang si Angry birds sa itsura niya. Natatawa talaga ako pagka ganyang galit sy--* Naputol ang kanyang magandang ngiti ng sumigaw ang Tita nya na nagpalundag sa kanya sa gulat.

"Anong nginingiti -ngiti mo dyan ah?

"A-Ah ano p-po a-ang ganda nyo po kahit galit kayo. Haha! Joke lang po! "Ah yun po ang nginingiti ko po."

"Alam ko! Kahit sino mapapansin yan dahil maganda talaga ako." Proud nyang sabi. "Magluto ka ng almusal pagkatapos hugasan mo lahat ng pinagkainan pagkatap---. Hindi natuloy ang sasabihin ng Tita nya nung bigla syang sumingit na nagpataas ng kaliwang kilay ng Tita nya

"Pwede po bang kumain muna ako bago ko po gawin lahat ng trabaho ko Tita?" Tanong nya.

"Sige. Basta't bilisan mo ang kilos mo para marami kang matapos naintindihan mo Seyn?" Mabait naman si Tita -MINSAN! HAHAHA! Wag kayong maingay ah secret lang po natin yun.

"Opo." Sagot ko.

"Ayusin mo yang trabaho mo Seyn kung ayaw mong makatikim sakin. Alalahanin mo nasa akin ang pang-aral mo. Hala! Sige, simulan mo na. Inuubos mo ang oras ko. Aalis muna ako bantayan mo tong bahay ko." Seryoso nyang sabi sabay walk-out. 

*Edi wow po!*

'Hayahay buhay! Di pa po pala ako nakapagpakilala. -hehe! Ako nga po pala si ZSAYNA APRIL HEARST! o mas kilala bilang SEYN dito sa lugar namin. Kilala kasi ako bilang masayahin bata kasi lagi ko silang nginingitian kapag dumadaan ako o kapag nadadaanan ko sila sa labas ng bahay nila. Ganda po ng pangalan ko noh. Pangmayaman! Alam ko naman pong ampon lang ako nila Mama at Papa na ngayon ay alam kong masaya na sa langit. Kaya si Tita nalang ang kumupkop sa akin- na alam ko namang hindi ko kadugo. Siya ang Bunsong kapatid ni Papa. Kasa-kasama ko rin sa bahay ang kaisa-isang prinsesa ng Tita ko na si Allesana Marie na walang kasing sama. Palibhasa spoiled brat sa mama nya.


DISCLAIMER:
            This is a work of Fiction. Some Names, Places, Events and Incedents in the story are pure imagination of the author. Please be open-minded. I'm accepting Comments, Recommendations, Suggestions for the succession of the story.

AUTHOR'S NOTE:

See you on next chapter chingus! Hope you like my first story. Sorry for some errors and typo's.  I know that you're all understanding. 

If you like my story PLEASE LIKE, VOTE, SHARE! Kamsahamnida Chingus!!! God bless! 

Love you all! 😍😍😍



The Palengke Girl(ON GOING)Where stories live. Discover now