Zander POV
"Hey bud?" Sagot ko sa bestfriend kong tumatawag.
"Where are you bud? Ikaw na lang hinihintay dito." bungad nyang tanong sakin pagkasagot ko ng tawag nya.
"Tss. Eto na papunta na dyan. Ang aga aga ang lakas lakas ng boses mo."
"Para ka kasing babaeng kumilos ang bagal mo." tawang tawang sabi nya.
"Geh na. Hintayin nyo nalang ako."
"Sige. Ingat bud."
'Nakakainis kasi si ate kung anu- anong inuutos alam na nga nyang may pasok ako.
Kung hindi lang talaga sya naglilihi di ko talaga susundin utos nya.Bago ang lahat magpapakilala muna ako. Ako si ZANDER ACE PARKER a.k.a Zander.
First year High school o Grade Seven.
Dawala kaming magkapatid. Ang ate ko naman ay si ZOEY ARIA PARKER , Zap for short.I'm on my way to the market , Hahanapin ko yung mga prutas na pinapabili ni ate. Ang dami nyang pinapabili gaya ng Manggang hilaw, rambutan, lansones, santol. Parang ang hirap tuloy magbuntis. Mabuti nalang lalaki ako.
Hindi ako pamilyar dito kaya magtatanong na lang ako.
May nakita akong manang kaya ito ang pagtatanungan ko. Kinalabit ko sya, nakatalikod kasi.
"Ah manang pwede bang magtanong?" Bigla syang humarap sakin.
Seyn POV
"Ah manang pwede bang magtanong?" May kumalabit sa balikat ko kaya napalingon agad ako.
Hmm. Gwapo kaso antipatiko. Ako tinawag na manang. Eh kaedad ko lang ata tong lalaking to. Teka nga!
"Paki-ulit nga yung tanong mo?" Inis kong tanong na di nya pinansin.
"Sabi ko ho manang pwede bang magtanong?"
*ABA MATINDI! Inulit pa talaga.*
"Ano bang tatanungin mo tsong?" Pormal kong tanong sa kanya.
"Tsong? I'm not a jeepney driver parang tawagin mo akong tsong manang." Ngiti nyang sabi sakin.
O_O SPELL GWAPO! Shems! King ina! Ito palang ang nakita kong gwapo sa paningin ko. Sa tagal ko dito sa palengkeng to. Ngayon lang talaga ako nakakita ng Mala anghel na mukha na animo'y bumaba sa langit upang alayan ako ng pag-ibig. >_< Erase erase!
"Nakakainis ka na ah. Manang ka ng manang kita mong ang bata bata ko pa." Irita sigaw ko sa kanya.
"Okay fine. Para matapos na to. Pwede pakisagot nalang tong tatanungin ko sayo. Pwede ba yun miss?" Mahinahon nyang tanong sakin.
"Sige. Ano ba yung tatanungin mo?"
"Saan dito yung bentahan ng mga prutas?"
"Ah. Yun lang pala. Deretsuhin mo lang yan daan dyan tapos kakaliwa ka tapos ayun na makikita mo na yung mga nagtitinda ng mga prutas."
"Thank you miss." ngiti nyang usal sakin.
"Walang problema." Pormal kong sagot sa kanya.
Tuluyan na nga syang umalis. Bigla kong naalala yung inuutos ni aling Celia sakin. Pagharap ko nakita ko si aling Celia na umuusok na ang ilong sa inis at galit.
"Nasaan na yung inutos ko sayo Seyn?" Inis nyang sigaw sakin.
"Eto na po Aling Celia. Papunta na po." karipas kong takbo.
*Lagot*
Nakakainis kasi yung lalaking yun inistorbo nya ako. Ginulo pa nya ang isip ko.
Late na ako! First day pa naman. Nakakahiya. Ang hirap talagang kumita ng pera. Kayod dito kayod doon. Di bale mag aaral naman na ako. Kaya FIGHTING! ^.^
Sosyal pa naman ng school na papasukan ko. Nakakuha kasi ako ng Scholarship ko sa HEARSTSTONY INTERNATIONAL SCHOOL o mas kilala sa pangalang HIS school.
Sabi nga nila baka kamag-anak ko daw ang may- ari ng school na yun. Sympre todo tanggi naman ako kasi hindi naman talaga. Bale tatlong school ang pwede kong pasukan. Eto lang talaga ang gusto ko. Ang HIS ang ganda ng school nila halatang mayayaman ang mga studyante. Sana mababait sila.
"Eto na po aling celia. Saan ko po ilalagay?" Super pawis nanaman ako. Kailangan ko tuloy maligo ulit. Ang lagkit lagkit ko na.
"Ibaba mo nalang dyan sa tai ng timba. Eto dalawang daan. Maraming salamat sayo Seyn." Nakangiti nyang sabi sakin.
"Walang anuman po aling celia. Sa susunod po ulit. Malaking tulong na po ito sa pag aaral ko." Masaya kong tinanggap ang pera.
Sa wakas makakapasok na ako. Ilang buwan at taon din akong nagtiis para makapag aral. Umalis na ako sa Tita kong walang ginawa kung hindi utusan at pahirapan ako. Umalis ako sa kanya nung makapagtapos ako ng elementarya. At naghanap ng matutuluyan at sa awa ng Diyos nakahanap ako ng trabahong pagkakakitaan para mabuhay at pangtustos ng mga pangangailangan ko.
If you like The Palengke Girl Story!
PLEASE DON'T FORGET TO LIKE, VOTE, COMMENT AND SPREAD THE STORY!
BE A FAN!
ENJOY READING ARIANS!
-AriesGirlSee you on next chapter!
Kamsahamnida Chingus! 😀
Godbless!
YOU ARE READING
The Palengke Girl(ON GOING)
Подростковая литератураNaranasan mo na bang umibig? Naranasan mo na bang maging masaya? Naranasan mo na bang masaktan? at higit sa lahat .... Naranasan mo na bang magkaroon ng buong pamilya na handang sumuporta sayo sa lahat ng pangangailangan mo? Alam ko na...