Tagalog Spoken Word #1

9.3K 63 2
                                    

Note: Bago ko simulan ito, gusto kong malaman na ang mga lahat ng isusulat ko dito ay originally made by myself. Oo, sariling gawa ko, kaya DO NOT COPY, PLAGIARISM is a crime. Haha. Yun lang. Enjoy :) Vote and Comment!

Tagalog Spoken Words #1

Dedicated sa lahat ng mga walang label ang pagmamahalan.

"Ikaw at ako, walang tayo"

Naaalala mo pa ba kung paano tayo nagsimula? Kung paanong nabigyan natin ng saya ang isa't isa? Masaya tayo, masaya tayo sa kung anong meron sating dalawa, kahit na alam kong walang matatawag na "tayo".

Kontento at hindi tayo nagrereklamo. Hindi tayo yung tipo ng naghahanap ng kulang sa isa't isa. Basta ang alam ko lang mahal natin ang isa't-isa, ang alam ko lang ganun din ang iyong nadarama.

Ipinaramdam mo sa'kin kung gaano ako kahalaga, kung gaano kasaya ang magmahal, kung gaano ka kasaya na nandito ako.

Ramdam na ramdam ko pa noon, na mahal mo ako kahit walang tayo. Oo, inaamin ko, gusto kong magkaroon ng tinatawag na tayo sa pagitan nating dalawa. Pero noong mga panahon na sinubukan kong tanungin sa'yo, kung ano nga bang tayo, pero wala ang isinagot mo. Sinabi mong, wala lang ang lahat ng iyon sayo.

Hindi ko alam ang gusto mong ipabatid sa'kin ng mga panahong iyon. Kung bakit parang wala lang sayo ang lahat kahit na ramdam na ramdam ko na mahal mo rin ako. Pero ikaw na mismo ang nagsabi, sa'yo na mismo nanggaling ang katagang "ikaw at ako, pero walang tayo".

Mahal kita at alam kong mahal mo din ako, pero bakit ganito ang nangyari? Kung kailan, kung kailan ko gustong bigyan ng kahulugan ang lahat ng sa atin, kung kailan gusto ko ng maging tayo, kung kailan gusto ko ng maramdaman ang buong pagmamahal mo, tsaka naman naging ganito.

Ngayon, tinatanong ko sa sarili ko, minahal mo ba talaga ako? Minahal mo ba talaga ako kahit walang tayo? O minahal mo lang ako, para pampalipas ng oras mo?

Paulit ulit kitang tinanong noon, paulit ulit kong sinabi sa'yo na gusto ko maging tayo. Pero ikaw, paulit ulit lang din ang sagot mong "ayoko". Hindi kita maintindihan, hindi mo ipinaliwanag sa'kin kung bakit, kung bakit sa kabila ng lahat ayaw mong maging tayo.

Nagsimula ka ng manlamig sa'kin. Mga mata moy hindi na diretso kung makatingin. Yung dating saya, yung dating ngiti, nawala na, at sa tingin koy mananatili na lang iyon sa'king ala-ala.

Hanggang sa hindi ko namalayan, wala ka na pala. Wala na yung taong nagparamdam sa'kin kung gaano ako kahalaga. Tuluyan ka ng lumayo at hindi na nagparamdam pa.

Ngayon, iniwan mo akong sawi. Iniwan mong durog ang puso ko, iniwan mong luhaan ang mata ko, at iniwan mo akong ganito.

Magisa nalang ako ngayon, magisa na lang akong haharapin ang bawat araw na wala ka, bawat araw na hindi na kita kasama.

Pero sa kabila ng lahat ng nangyari, umaasa parin ako, umaasa na balang araw babalik ka, at sasabihin mong mahal mo ako at gusto mo ng maging tayo. Kahit na imposible, maghihintay ako, maghihintay ako hanggang bumalik ang Ikaw at ako... tayo.

Spoken poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon