Tagalog Spoken Words #5

2K 11 7
                                    

Etong tulang ito ay ginawa ko hindi para magparinig, ginawa ko ito para imulat ang mga kabataan ngayon. The story behind this is the video I watched last week.

Nainspired lang din ako gumawa ng spoken poetry about doon sa napanood ko. Pero hindi ko naman siya gagayahin, bibigyan ko lang siya ng sarili kong version. Hindi siya about hugot or love, pero about ito sa status ng mga kabataan ngayon. So this is it.

"Kinain na ng sistema"

Ano na nga ba ang lagay ng kabataan ngayon? Ano na nga ba ang lagay ng kabataang sinasabing pag-asa ng bayan? Malamang ikaw na nagbabasa neto ay alam mo na ang tinutukoy ko.

Sa katagang binitawan ni Rizal noon "Kabataan ang pag-asa ng bayan" sa tingin mo? Eto ba talagang mga katagang ito ang tugmang nangyayari sa kasalukuyan?

Ngayon, simulan natin at unti unti nating himayin, ang makamundong karanasan ng bawat kabataan.

Kabataan ngayon sari sari na ang nalalaman. Sa edad na trese, katorse, kinse, nasasabi na nilang "May forever na" may forever na daw kasi may mga jowa na sila. Yan lang ba ang inyong alam? Ang makipaglandian?

Kamusta naman yung pag-aaral niyo? Ayon napapabayaan na, walang pakialam, kahit masayang man ang tuition na ibinabayad sa eskwelahan.

Magmamahal ng padalos dalos tapos kapag nasaktan, magrereklamo. "Hi, ako nga pala ang sinayang mo" kasayang sayang ka ba talaga? Eh hindi ka naman bigas para panghinayangan.

Lalaki ngayon, basta raw malaki ang dibdib mahal na niya, teka kelan ba naging basehan ang dibdib sa pagmamahalan?

Babae naman ngayon, basta pangit ang manliligaw babalewalain na, pero kapag gwapo, sasagutin agad, kaya kapag naloko sasabihing mga lalaki ay pare-pareho

Nagmahal, nasaktan, lumandi, lumobo ang tiyan. Kabataan ngayon, padalos dalos ng desisyon hindi man lang iniisip ang reponsibilidad na pwedeng kaharapin kapag ginawa ang bagay na dapat pagkatapos lang ng sagradong kasal ginagawa.

Hindi man lang iniisip kung gaano kahirap maging ama, maging ina, ang iniisip lang ang saya na pwedeng madama kapag nasa kama.

Kabataan ngayon basta makasunod sa uso sa social media lahat gagawin. Magpopost ng nakahubad na picture, ibababa ang dignidad makahakot lang ng likes, makahakot lang ng atensiyon ng tao.

"Sapnu puas" o kapag iyong ibinaligtad send nudes, usong salita na sinasabi kay girlfriend, kay boyfriend at ikaw naman si tanga, magpipicture nga ng nakahubad at isesend sa mga jowa.

Yan ba ang itinuro sa inyo ng inyong magulang? Yan ba ang natututunan niyo sa paaralan? Ang babuyin ang sarili para sa walang kwentang bagay?

Araw araw gumagala, araw araw gumigimik, pero sa proyekto sa mga asignatura, ayon nganga, kay batman kumakapit.

Kabisado ang bawat challenge sa Facebook, pero kapag tinanong mo kung nasaang topic na sila sa kanilang mga asignatura, ayon iiling iling sa hangin, at umaaktong parang walang natututunan.

Laging online sa Facebook, messenger, twitter at instagram, pero kamusta na ba ang oras niyo para sa Panginoon? Nakakapagsimba o nakakapagdasal ba kayo?

O tsaka mo lang siya nilalapitan, kapag siya ay iyong kailangan?

Ano na nga bang nangyari sa kabataan noon sa kabataan ngayon? May kakilala ka bang ganito? O ikaw na mismo sa sarili mo alam mo isa ka sa mga nabanggit ko?

****

So that's it. Hahahaha.

Spoken poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon