Tagalog Spoken Words # 14

262 4 0
                                    

Spoken poetry entitled "Ulan at Isipan"

Minsan

Isang umaga

Nagising ako dahil sa ulan

Saglit na natulala sa kawalan

Walang ibang naririnig ang tenga ko

Kundi ang bawat mga patak nito

Pinagmasdan ang ulan

Alam kong sa puntong ito, binabalot na naman ako ng kalungkutan

Marami na namang naglalaro sa aking isipan

Walang tigilan

Walang katapusan

Heto na naman

Hanggang kailan?
Hanggang saan?

Wala ng patutunguhan.

Minsan

Gusto ko na lang talagang balikan ang nakaraan

Kung pwede lang pumili na doon manatili.

Mga panahon na hindi pa bukas ang aking mga mata

Para makita ang tunay na problema

Mga panahon na ang lahat ay umaayon pa sa sitwasyon

Mga panahon na wala pang ibang nararamdaman

Kundi purong kasiyahan

Gusto ko na lang bumalik sa dati

Sa dating mundo na kinagisnan ko

Sa dating sitwasyon na kinabibilangan ko

Sa dating ako

Gusto ko na lang bumalik sa kung anong meron noon

Noon na tanging laro lamang ang problema

Ngayon na ako na mismo ang problema

Noon na puro tawa at ngiti sa labi

Ngayon na tila wala ng rason

Pero paano ko nga ba magagawang harapin ang kung anong meron ngayon

Kung patuloy ko pa ring nililingon ang kung anong meron noon.

Paano ako makakausad at magagawang lumisan

Kung hindi ko man lang magawan ng paraan para makaalis sa kinatatayuan?

At paano ko mabubuklat ang panibagong pahina

Kung pawing mga luma lamang ang aking nakikita?

Kung sa isip ko'y matagal nang tapos ang storya.

Tumigil man ang pagpatak ng ulan

Pero hindi ang aking isipan

Hanggang kailan?

Hanggang saan?

Wala ng patutunguhan.

...

Gaano man kabuti ang sitwasyon noon

Huwag mo sanang hayaan na bulagin ka nito

Para hindi mo makita ang mahahalagang bagay na meron ka ngayon

Dahil sa buhay,

Hindi mo kailangang manatili sa nakaraan

Para lang maramdaman ang kasiyahan

Dahil ang tunay na kasiyahan

Nadadala kahit nasaan ka man

Wala sa panahon at sitwasyon

Kundi nasa pusong mismong nakakaramdam

Ang problema at parang ulan

Minsan, mababasa ka talaga

At minsan, magkakasakit ka pa

Kaya dapat matuto ka

Parang ulan

Minsan wala, at minsan nandiyan

Kaya nga dapat mong paghandaan

Dapat mong matutunan

Dahil kagaya ng ulan

Ang problema ay lumilipas

At sa oras na ito'y tuluyang lumipas

Magiging handa ka na ulit para harapin ang bukas

Spoken poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon