Tagalog Spoken Word #13

240 1 0
                                    

"huling mensahe"

alam mo
hindi ko talaga alam na magbabago
yung nararamdaman ko
yung tibok ng puso ko
yung tayo

hindi ko talaga 'to plinano
hindi ko rin hiniling pero kusa
na lang dumating

lahat ng sinasabi ko
ito talaga ang totoo
alam ko
hiindi mo lubusan na maiintindihan
pero sana man lang iyong pakinggan

pasensya ka na kung wala na at tapos na ang lahat ng aking nadarama.
alam ko
marami akong salitang binatawan
na sa puntong ito'y hindi ko na kaya png panindigan.
pasensya ka na kung ayokong muli pang subukan
ang isang bagay na alam kong tanging ipagpipilitan

oo, alam ko naman
na wala ng dapat pang subukan
na hindi na dapat pang ipagpilitan
dahil wala na ring patutunguhan
dahil wala na ring kasaysayan

hindi kita huhusgahan
kung 'yan ang tunay mong nararamdaman
salamat at hinayaan mong aking malaman
hindi mo ako basta iniwan at kinalimutan
ang ating pinagsamahan

alam ko
na ang mga bagay na tuluyan nang winakasan
kahit anong pilit na muling simulan
hindi na babalik sa mismong kinagisnan

hindi ko man gustuhin
pero kailangan na kitang palayain
siguro nga maiihalintulad kita sa sasakyan sa mga daanan
ikaw ay dadaan pero tanging panandalian
ako ay tuluyan na lalagpasan
dahil hindi ako ang dapat mong kahantungan

pero alam mo?
salamat at tayo ay nagtagal
wala pala talaga 'yon sa tagal
dahil kahit gaano pa katagal
kung hindi na mahal
hindi na mahal.

Spoken poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon