Sa aking pagbalik sa mansion ay agad na bumungad sa akin ang tahimik na hapagkainan.
"Nice pick,Ally."napatingin naman ako sa nagsalita.My brother.Blake Cyan Stanford.
"What are you talking about?,"I asked.
"Your future husband,"oh that guy, di ko nga alam kung gising na yun eh.
"Ally, why so fast?.Kanina ko lang sinabi sayo meron na kaagad,"sabi naman ni Dad habang nakangisi.Frankenstein Stanford.
"Nakita ko lang siya sa daan."sagot ko na lang at pinagpatuloy ang pagkain.
"He's a Yakuza,"My computer freak brother said.Connor Dye Stanford.
"I don't think so,"sagot ko.
"What do you mean?,"tanong pa niya.
"Yakuza ang kalaban niya kanina."sagot ko pa.
"Oh sissy,looks like he's a big catch,"sabi naman ng isa ko pang kuya, Drake Elix Stanford.
"Totally,"sagot ko na lang.
"Ally,baka mapahamak ka dahil sa lalaking yan."sabi naman ng aking mahal na ina.Gloriette Stanford.
"Mom,don't worry about me.I can handle myself."sagot ko at nagsimula ng tumayo.
"I got to go,"paalam ko at lumabas na ng mansion.Sumakay na ako sa aking kotse at pinaharurot ito tungo sa aking pupuntahan.
Nang makarating ako sa Hospital ay agad na bumati sa akin ang mga employee, tumango lamang ako at nagtungo na sa elevator.
Pagbukas ng elevator ay lumabas agad ako at dumiretso sa kuwarto na kinaroroonan niya.
Pagpasok ko ay nakita ko siyang nakaupo sa hospital bed.
Nabaling naman ang tingin niya sa akin pagkasara ko ng pintuan.
Hindi ko siya pinansin sa halip ay naglakad ako tungo sa katabing lamesa ng kanyang kama,kinuha ko ang telepono at tinawagan ang doctor.
Matapos kong tumawag ay umupo ako sa upuan at matiyagang hinintay ang doktor.
Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang di katandaan na doktor.
"Hija,salamat sa pagtawag mo."sabi pa nito.Kilala ko siya,siya ang pinakagusto kong doktor dito.Dahil simula pagkabata ko ay doktor na siya dito.Si Doc. Francis.
"Kamusta po ang kalagayan niya ngayon?,"tanong ko.
"Ok na siya ngayon,Konting pahinga na lang at ayos na siya,"sagot naman nito.
"Maaari na po bang iuwi ang pasyente?,"tanong ko.
"Oo hija,ngunit ipangako mo na magpapahinga siya sa kanyang pag-uwi?,"paninigurado pa ni Doc.
"Makakaasa po kayo,"sagot ko na lang
"Sige,mauuna na ako."paalam niya.Tumango na lang ako at tumayo sa kinauupuan ko.
"May mga damit sa kabinet na iyon, maaari ka ng magpalit,"wika ko sa kanya.
"Kailangan ko ng umuwi,"wika naman niya.
"Mukhang hindi na marunong tumanaw ng utang na loob ngayon ang mga tao,"pagpaparinig ko.
"Hindi mo naiintindihan binibini,isa akong mapanganib na tao,"dito niya nakuha ang aking atensyon,nakita ko naman na nakatingin din siya sa akin.
"Kung gayon ay nais kong magpakilala ka,"utos ko sa kanya.
"Baka katakutan mo ako pagkatapos kong magpakilala sa iyo,"sagot pa niya.Kalokohan.
"Bakit naman ako matatakot?,"sarkastiko kong tanong sa kanya.
"I'm Dark Ashton Collins, and I'm from Yakuza Clan,"pagpapakilala nito,lalong lumawak ang ngisi ko.
"Hindi ka ba natatakot?,"biglang tanong niya.Umiling na lamang ako."Ano naman ang dahilan para katakutan ka?,"tanong ko pa.
"Pumapatay ako ng tao,maaari rin kitang patayin kung kinakailangan,"wika pa niya.
"Hindi ako natatakot sa mga taong katulad ko,"sagot ko ng may nakakalokong ngisi pansin ko naman na nagulat siya.
"What do you mean?,"tanong niya.
"I'm Allyson Breigh Stanford,and I'm from Vongola Mafia.Nice meeting you 'my rival',"

BINABASA MO ANG
Stanford Queen (Mafia Rule)
ActionAllyson Breigh Stanford, the precious gem of the Family. Kaisa-isa at pinakaiingat ingatan. Sanay pumatay at kriminal na kung tawagin. Because of being the leader of the mafia.She is willing to do anything just to save it. Selfish man kung isipin pe...