CKSN: San

42 3 0
                                        

(A/N: Maganda ako kaya may author's note—charr. Ang story po na ito ay kay Nami lang ang POV. I know, it sucks but please bare with me. It's already obvious naman po sa ating title. Don't worry, may bonus ako kapag may bandang dulo na. Also, hanggang Chapter 10 lang po 'to. Huehue.)

"Naruto! Naruto! Woi!" ilang ulit ko nang tinawag si Naruto pero di ko parin makuha 'yung atensyon n'ya.

'Ano naman kaya 'yung iniisip neto?'

"NARUTO! Ano ba?! Huy!" Hinampas ko na s'ya at lahat-lahat pero di parin s'ya natitinag.

'Ano ba 'to?! Para namang ginigising ko yung bato!'

"Naruto Uzumaki H. David!" Sinigaw ko ang pangalan n'ya at bigla nalang natahimik yung buong room at napatingin silang lahat sa akin na para bang nagtatanong kung anong nangyayari.

Gumalaw na si Naruto sa pwesto n'ya at saka naman s'ya humikab at nagkusot ng mata.

'Anak ka ng—natutulog sa kalagitnaan ng activity?! Hanips talaga 'to! Hayuf.'

"At natulog ka pa talaga sa kalagitnaan ng activity?!" sumigaw ako ulit kase inis na inis na talaga ako sa kan'ya. Konti nalang yung oras para i-pass 'tong pinapagawa sa akin nung masungit na teacher na nasa labas naman kase may kumausap sa kan'ya.

"What with the commotion?!" Biglang singit nung teacher pagkatapos n'yang buksan ng biglaan 'yung pinto ng room namin. "Ms. Maestre?! Rinig na rinig nung bisita 'yang boses mong parang inaasthmang pusa! Mahiya ka naman, hija!" tinaas nung teacher yung salamin n'ya na para bang yung mga napapanood kong anime na may lighting effects pa.

"Pero! Ma'am si Naruto po kase--"

"You two, leave my class!"

"Ma'am?!—"

"OUT!"

"HEISSH--CHIJIJIE!" (Yung tunog na parang " Aish!" Na ginagawa ng mg koreano kapag naiinis sila.)

Wala akong magawa at kusa akong lumabas ng kwarto. Hindi ko na matanggal ang inis ko sa isip ko at kusang naglakad ang paa ko sa mala-Garden na parte ng school. 

Maaliwalas, madamo, amoy ang pagka-sariwa ng hangin... Ilan sa makikita at mararamdaman mo dito sa lugar na ito. Maraming puno dito sa dating Nursery ng school. Buti at itinanggal na yung Greenhouse.

'Buti tinanggal para naman makapag-tambay na ako dito.'

Nang maupo na ako sa damo ay rinig ko ang mga yapak ng kung ano sa likod ko. Hindi ko ito pinansin kase sa pag-kakaalam ko eh, madalas tumambay dito yung mga taong napalabas ng room nila.

'Parang ako. Tsk!'

Pasalamat sila, napalabas ang maganda. Mahahawa sa akin yung garden sa kagandahan ko. Flingfling blingbling chakchak pak!

Rinig kong papalapit ng papalapit sa akin yung tunog na yun at kalaunan ay tumigil at nanatiling nasa likod ko lang. Medyo kinabahan ako kase baka di ko alam na ki-kidnap-in na pala ako or baka kung anong gawin sa akin. Nanigas ako sa pwesto ko at napapikit nalang sa nerbyos.

Classmate kong si NARUTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon