*Lunch Continuation*
"N--Naruto, una na ako. Happy Eating."
Pilit akong ngumiti sa kan'ya, because I was trying to be "NICE". Tumingin lang ulit s'ya sa akin gamit ang mga walang kaemo-emosyon n'yang mata at saka s'ya tumango at tumingin ulit sa kinakain n'ya.
'Kung 'di lang ako mabait, isusubsob ko na 'yang pagmumukha mo sa bento mo.'
Nainis na ako sa kan'ya kaya naman agad-agad kong binuksan ang pinto ng room namin at lumabas. Bumuntong-hininga ako kase parang may mabigat na something na nasa kaloob-looban ko. Dere-deretso akong bumaba sa hagdan ng Second floor at naglakad na papuntang canteen.
Maraming tao, masikip, at mainit sa loob ng canteen. Private school 'to, pero mukhang public school lang na nilagyan ng air-con ang bawat rooms--pwera lang talaga sa canteen na 'to.
Pilit kong isiksik ang sarili ko sa pagitan ng mga estudyanteng Grade 7 at 8. Nandidiri ako sa tuwing nadidikit ang kanilang malalagkit na pawisang balat dulot ng init na nakapalibot sa kulob at amoy pawis at araw na canteen. Hinanap ko 'yung mga kaibigan ko na nasa linya at matiyagang naghihintay para sila naman ang makabili. Mabilisan akong pumunta sa kanila at nakita kong naglaan na sila ng pwesto para sa akin sa kalagitnaan ng linya.
"Nami, bilis mo!" sigaw sa akin ni Moirra.
Ngumiti ako sa kanila at mabilis na naglakad at pumagitna sa kanila.
"Kingina nun, O." Sabi nung isang estudyante na nasa likod lang namin.
"Tsk, tsk... Laganap na talaga ang mga taong mukhang singit." Sabi pa nung isa.
"Ganda pa naman ni ate. Singit nga lang."
"Tignan mo nga 'to. Imbis na sila maging model students, sila pa nagpapakita ng gan'yan."
"Ambilibabol"
...
Nainis ako.
Nainis ako kase,
ALAM NAMAN NILA NA MAY TENGA AKO, OH?! BUBULONG NA NGA LANG E, 'YUNG NARIRINIG PA?! HANIPS!
Inis akong lumingon sa kanila at medyo umurong ang mukha nila. Tumingin ako ulit sa mga kaibigan ko at tinaasan lang nila ako ng kilay!
"Narinig n'yo 'yun?!" Mahinang sigaw ko sa mga kaibigan ko sabay tinuro ang mga nagbubulungan. Tumango lang sila ng kaunti at parang hinihintay ako ulit magsalita. "Aba! Pinahamak n'yo ako, ah? Nagmukha tuloy akong singit. Pahamak! Pahamak! Pahamak!" Duro ko sa kanila nang medyo malakas-lakas dahilan para lumingon ang mga taong malapit sa akin.
Tumingin ako ulit sa mga nagbubulungan at lumapit ako sa tenga nung isa.
"Kayo? Bumubulong na nga lang kayo, e 'yung naririnig ko pa. Aba! Katangahan 'yan, my prend." Umiiling-iling kong sambit sa kanila na para bang ako pa 'yung nadidismaya.
"Ako? Ako? Mukhang singit? Sinong nagsabi 'non?" Pinanlakihan ko sila ng mata at medyo natakot na sila sa akin. Hindi ko sila tinantanan at tinignan lang ako ng mga kaibigan ko.
"S'ya po." Turo nung isang batang lalake dun sa isa pa.
Nilingon ko 'yong itinuro n'ya at saka naman ito nagulat sa akin.
"Mukhang singit? Itong mukhang 'to, mukhang singit? Ang ganda ko namang singit kung ganon?" Nagkrus ang mga kamay ko at inilapit ang mukha ko sa kan'ya.
"Pakitignan nga 'yung mukha ko kung mukhang singit."
Gulat s'yang nanlaki ang mga mata at napanganga habang inuurong ang sarili n'ya papunta sa pader. Gusto ko silang idikdik gamit ang mga paa ko na para ba silang mga ipis. Jusq, umiinit ulo ko sa mga ganitong tao.

BINABASA MO ANG
Classmate kong si NARUTO
HumorPaano kaya kung biglaan kang nagkaroon ng kaklaseng ang pangalan ay NARUTO? Ano kayang magiging reaction mo? HAHA! ©LyzeEra All Rights Reserved.