Nami's Point of View
'Tsk, kung sino man ang magulang ni Naruto, sana naman naisip n'ya nung una palang na mabubully ang anak n'ya kapag Naruto Uzumaki ang pangalan nitong lalaking 'to.'
"Class! Narinig n'yo naman na first time n'ya dito, oh! Bigyan n'yo naman s'ya ng respeto. Boys at the back! Anong tinatawa-tawa n'yo pa d'yan?! Kung ganito lang din naman kayo sa unang klase ngayong school year, ngayon palang gagawin ko na 'tong last n'yo. Klaro?!"
Halos sumabog na voice box ni Ma'am Yssa dahil sa mga kakulitan ng classmates namin. Naturingang section A kase, ganiyan ang asta. Konti nalang din eh, mailuluwa na n'ya ang baga n'ya. Eto namang isang 'to, di man lang magawang mag-react. Ano ba 'to?! Kabaligtaran ni Naruto?
"Okay, Mr. David pwede ka nang umupo sa tabi ni Ms. Maestre."
...
'Apelido ko 'yun ah?'
Bigla akong napalingon sa buong klase at lahat naman sila ay nakatingin din sa akin. Lalo na si Naruto at parang ang sama talaga ng tingin n'ya. Umiiling-iling akong napalingon kay Ma'am Yssa habang nanlalaki pa rin ang mga mata ko. Napapatingin ako kay Naruto at sa iba ko pang mga kaklase at parang bang nalulusaw na ako sa pwesto ko.
'UWAAAHH! Ayoko na! Uuwi na ako! MAMAAAAA!'
Nakatingin sa akin ang mga kaibigan ko at parang may halong panunukso ang tingin nila sa akin. May papuso-puso pa ng kamay! Sinamaan ko nalang sila ng tingin at tinuon ko nalang atensyon ko sa bintana sa labas...
'... Na kung saan mumultihin ka nalang kapag may nakita kang dumaan dahil damuhan ang labas nito at sa third floor ito at walang hallway sa tabi ng bintana kung nasaan ako. Bali kung sisirain ko yung pader, bagsak agad ako sa damuhan. Haishh! Ang sama naman ng first day ko.'
Nahahagip ng mata ko ang paglakad ni Naruto papunta sa tabing pwesto ko. Hindi ko alam kung bakit dito pa kase ako pumwesto at dito pa nag-enroll 'tong lalaking 'to. Wala akong choice tuloy kung hindi tiisin ang buong school year na katabi 'to.
Napatingin ako nang tuluyan sa kan'ya at saka n'ya ako nilingon at nagkatapat ang mga titig namin. Animo'y parang may kuryenteng dumadaloy sa pagitan namin at pati ako e naga-ground. Bumaba ang tingin ko sa bag n'ya dahil di ko kineri ang makipagtitigan at nakita kong sling bag ang gamit n'ya kasama ang hawak n'yang baunan sa kabila.
'Supplier ba ng anime goods ang mga mgaulang mo?! Bakit hanggang sa bag eh anime rin?!'
Jusq, muntikan na akong mapa-sign of the cross dahil sa lalaking 'to eh!
Tinitigan ko ang bag n'ya at ang bag lang talaga n'ya dahil di ko talaga kayang makipag-laban ng eye to eye contact. Masyado akong mahina sa ganun. Huehuehue. Sinundan ko ito nang tingin hanggang sa makaupo s'ya at hrang-harang ng katawan n'ya ang bag. Umakyat ang tingin ko papataas sa mukha n'ya at nagtama na naman kami!
Mukha s'yang walang pake! Wahhhh! Iyak na si ako.
Napaiwas ako ng tingin sa kan'ya pero kita ko parin ang mga ginagawa n'ya dahil kahit singkit ako, eh malawak ang field of vision ko. Nakatingin parin s'ya sa akin with those blank expressions at mga ilang segundo lang eh sa board na ang tingin n'ya. First day of class namin pero agad na nag-discuss ang mga teachers sa amin tungkol sa past lessons na pinag-aralan namin. Hindi s'ya sumasagot at hindi s'ya napapansin ng mga teacher. Pero, seryoso ang tingin n'ya sa mga ito. Wala s'yang nililingon--Maski AKO!
Napapansin ko na puro Cattleya notes ang mga notebook n'ya at style naman ng fountain pen ang gamit n'yang panulat. Di na ako magtataka kung mayaman ba 'to o hindi. According palang sa gamit, sa looks, sa background, halatang may ipagmamayabang ito.
Tapos na ang klase namin sa umaga at Lunch na ngayon. nagsisipag-alisan ang mga kaklase ako at ang mga kaibigan ko para bumili ng pagkain sa canteen. Nagpaiwan ako kase kailangan ko pang ayusin 'yung mga gamit ko dahil sobrang gulo na kahit kakasimula palang ng klase. Nang maayos ko na at akmang ipapasok ko na sa bag ko ang mga gamit kong 'yun ay saka ko nahagip ng tingin si Naruto.
Medyop nababagot ako sa sobrang katahimikan n'ya at sa mga walang kibong mukha n'ya. Sobrang inosente ng itsura na parang hindi pa nakakapanood ng hentai--
'Teka, ano bang iniisip ko?!'
Napa-iling ako nang isipin ko 'yun at saka bumalik sa ginagawa ko. Nang matapos ko 'yun ay saka ako bumuntong-hininga at naupo muna saglit dahil kanina pa ako nakatayo. Wala sa sariling tinignan ko na naman si Naruto at nag-aayos ng kan'yang...
'BENTO?! WITH SUSHI AT EVERYTHING NA JAPANESE?!'
'N--naka-chopsticks pa si koyang.'
"E--excuse me..." wala sa sariling paki-usap ko sa kan'ya. Kinabahan ako ng sobra dahil tumingin talaga s'ya sa akin. AS IN! Hindi ko alam ang susunod kong sasabihin at sabay-sabay na ang lunok ko. Hinintay n'ya akong mag-salita at saka s'ya bumuntong hininga. "A--ako nga pala si Nami. Nami U. Maestre." inalok ko ang kamay ko sa kan'ya habang akma s'yang susubo. Buka na ang bibig n'ya ng mapansin n'ya ang kamay ko na nasa tapat ng mukha n'ya. Inilapag n'ya muna ang chopsticks n'ya at saka hinawakan ang kamay ko.
'A--ang init ng kamay n'ya. Nakakapanglusaw. Nakakakalma ng kalooban.'
"Naruto... Naruto H. David." inalog n'ya ng konti ang kamay naming dalawa.
'T--teka, 'wag mo munang alisin ang kamay mo sa kamay ko. Huhuhu, sarap sa feeling.'
"Masakit..." walang emosyong sambit ni Naruto nang namalayan kong mahigpit na pala ang pagka-hawak ko sa kamay n'ya. Pilit n'ya na palang inaagaw ito mula sa pagkahawak ko pero di ko mabitawan.
'Hoy, Nami! Bakit di mo mabitawan?! Nami!'
"M--Masakit..." reklamo ni Naruto. Buong lakas n'yang inaagaw ang kamay n'ya sa kamay ko at nagtagumpay s'ya! Pero dahil sa sobrang lakas ng hila n'ya sa sarili n'yang kamay, e tumama ang kamay n'ya sa bakal. "Aray..." walang emosyong sambit n'ya pa.
'Yung totoo?! Nasaktan ka ba talaga?!'
"S--sorry..." Sabi ko kay Naruto at di n'ya ako nilingon dahil abala s'ya sa pagtingin ng kamay n'yang natamaan.
'Hay, ewan ko sa'yo. Ang weird mo.'
---
AUTHOR'S PLUG (Kase maganda ako-charr! HUEHUE): Nga pala mga peepol, may story pa ho akong isa na ang title ay "Faultless". If you would like, please read, vote, and comment po sa story ko. I would love to read or hear your opinion or your suggestion po para ma-improve ko pa and I'll try to make all my stories better. I'll be keeping in touch with my readers. So, message me if you want to. I will reply as quickly as possible phou. Huehue. And since it's school month na po, medyo mabagal po ang aking replies. I'm active only in evening, in midnight, or maybe both.
©LyzeEra 2017
All Rights Reserved.

BINABASA MO ANG
Classmate kong si NARUTO
HumorPaano kaya kung biglaan kang nagkaroon ng kaklaseng ang pangalan ay NARUTO? Ano kayang magiging reaction mo? HAHA! ©LyzeEra All Rights Reserved.