Maaga akong umuwi dahil maaga kaming d-in-ismiss ni Ma'am Yssa para daw makapag-pahinga na daw kami. Like, duh, bish! Bakit ka magpapahinga sa first day ng school? Para saan? Di naman kami nag-jogging every subject, ah? Oo nga pala, adviser namin siya kaya pala Math 'yung unang subject tuwing umaga.
'Fudgee bar naman na malupit! Porquet Section A, aabusuhin sa Math?'
Anyways, susunduin na niyan ako ni Mama sa tinatawag niyang "Art Van". Otaku si mama at ang business niya ay ang gumawa ng mga mini figurines ng mga anime. Gumagawa rin siya ng mga poster at manga ng kung ano dahil nagta-trabaho rin siya sa isang Studio/dream company kuno niya.
Isang araw, nahuli kong gumagawa siya ng "Manga" na may dalawang lalaking naghahalikan. Gulat na gulat siya nung nag-"eww" ako sa nakita ko at muntikan pa niyang mabagsak 'yung tablet niya.
Laging kasama ni Mama 'yung tablet niyang 'yun kahit mabigat at minsan, pinapabuhat sa akin. Sa liit kong 'to, ipapabuhat sa akin? Di ko kaya 'yun! Ang resulta nun, sumasayad 'yung case sa sahig kaya halos mapudpod na 'yung case ni Mama.
'Yung tablet naman na iyon, kamukha nung parang sa "W". Kaya naman, minsan akong napa-fan girl at ibinida ko sa mga ka-close ko pagdating sa K-Drama. Like, giiiiiirl! Ang hawt nung bida! Pero, nung nahuli ako ni mama, nagalit siya sa akin kase daw "kalaban" niya sa business 'yung mga K-idol, K-drama, at kung ano pa mang hindi related sa Cartoons at Anime.
"NAMI! SAANG DIMENSIYON NA BA NAPUNTA 'YANG UTAK MONG BATA KA, HA?"
"AY, K-DRAMA FOR LIFE!"
Nagulat ako nang sabayan ni Mama nang nakakabinging busina ng Art Van na puti at punong-puno ng paint na naka-talsik dito ang sigaw niya sa akin kaya nasabi ko tuloy 'yung iniisip ko kanina pa.
"SHHT! OI, BAWIIN MO 'YAN KUNG HINDI, MAGTA-TRICYCLE KA NANG MAG-ISA!"
'Teka, what? Ano daw?!'
"MOMMY, NO!" Sigaw ko sa gulat ulit dahil sa mga mabilis na pangyayari. Oh my glob! Chill ka lang mother dear.
"Anong mommy-mommy? Bahala ka na diyan! Maka-alis na nga." Inis na inis na pagkasabi ni Mama nang makita kong sinasarado na niya 'yung bintana ng passenger's seat tabi ng driver's. Nataranta ako sa ginawa niya kaya naman mabilisan akong tumakbo papalabas sa Exit ng unang gate bago makalabas sa Parking, Loading/Unloading Area ng school. 3 in 1 na lahat pati sa parking area at sa jowa mong niloko ka. Joke!
Nahabol ko si Mama at binuksan ang pinto ng passenger's seat sa harap at nagsisigaw ng kung ano para lang mapahinto siya at sa wakas naman ay napahinto ko siya. Nang makasakay na ako at mahingal-hingal, may sinabi si Mama na hindi ko alam kung compliment ba o dinedemonyo ako ng sarili kong ina.
"Anak, parang ninja ka talaga. Sugoi!" Tili ni Mama habang pumapalakpak nang parang abnoy na ewan.
'Wow, parang wala man lang concern na anak niya. Paano kung napilay ako dahil sa gulong ng Van? Naku, naku, naku!'
Minsan, napapa-isip pa ako kung Mama ko ba talaga 'to o kapatid ko. Nakakalito na talaga minsan dahil mas isip-bata pa siya sa akin.
Naka-uwi na kami at as usual, sasalubong sa akin ang pusa kong gray Persian na pinangalanan naman ni Mama ng "Happy". Nakipag-away pa ako sa pangalan niya dahil binigay ni Papa ito sa akin tapos si Mama lang pala 'yung magpapangalan. Ang baduy at sobrang common ng pangalan kaya gusto kong palitan kaso, mapilit si Mama. Galing daw niya 'yun sa anime na wala naman akong interest pang alamin.

BINABASA MO ANG
Classmate kong si NARUTO
HumorPaano kaya kung biglaan kang nagkaroon ng kaklaseng ang pangalan ay NARUTO? Ano kayang magiging reaction mo? HAHA! ©LyzeEra All Rights Reserved.