Brilliant Academy
Chapter 2
~~~~~~~~~~
Pamela's POV
Agad akong nakadating sa BA para sa Campus Tour. at pagkadating ko nakapila na sila. At nakisiksik nalang ako. Mga 30 lang yung nandito kasi ito yung mga nakapasa sa Audition.
"Okay guys! Sumunod lang kayo sa akin ha?" Sabi nung tour guide at nagsimula na kaming maglakad.
"So,ito ang main building ng Brilliant Academy,Sa Kaliwa ang Girl's dorm at sa Kanan ang Boy's Dorm. Sa harap ng building ay ang Field. Nagtataka kayo kung bakit may field kahit na Art School 'to?? Well.. Dahil meron din ditong sports Festival kaso Soccer lang ang nilalaro." explain nung tour guide.
Ang masasabi ko lang?? Ang ganda ng main building! Para syang yung nasa 'Dream High' na school?!Pumasok naman kami sa loob nung building.
"Ito naman ang lobby ng BA, Dito matatagpuan ang canteen,Library,Faculty Room at mga iba pang Office.Sa 2nd floor nandoon ang Pinaka mahalaga. Nandoon ang Stage na pinag pa-practice-san ng mga dancers at mga Practice room at locker room. Sa 3rd floor ay ang Iba pang malalaking practice room,At ang room para sa mga mag re-regular class. Sa may likod naman ng building ang Auditorium. Halos magkaduktung lang kaya pwede kayong dumaan dito sa lobby papunta doon."
Nilubot namin ang buong campus pero di namin pinasok ang mga practice room. Ang laki nung Auditorium. SOBRA. kasya ata doon ang 1,000 na tao! Nakabalik na kami sa lobby.
"Okay guys. Yung room nyo ay malalaman nyo bukas. Dalhin nyo yung mga kailngan nyo at may mga gamit na doon. Bukas pa siguro dadating yung ibang estudyante at wala kayong mga roommate. Sige. makaka-uwi na kayo or kung gusto nya pwede kayong mag gala pa dito."
At nag si-alisan na sila.Ako naman ay umakyat sa 2nd floor. maglilibot-libot muna ako. May narinig akong tugtog mula sa isang practice room. At parang KPOP yung tugtog.. Kaya unti-unti kong binuksan yung pinto.At tumambad sa akin si... Winter na nag sasayaw. napatigil naman sya nung mapansin ako.
"Oh!Pamela!" at lumapit sya sa akin.
"Nako sorry na-abala ata kita.." sagot ko sa kanya.
"Nako hindi! Nag pa-practice lang ako para sa performance namin para sa opening ulit ng school year." sagot nya.
"Eh bakit naman ngayon ka lang pa-practice?? next week na ang opening di ba??"
Huwebed na kasi ngayon at sa lunes na ang start ng class.
"Di kasi ako naka attend nung iba naming practice noon eh dahil naging busy ako." sagot naman nya.
"Ah ganoon ba.. Sige alis na ako.. Na-abala pa kita."
"Hatid na kita pa-uwi! patapos na din ako eh."
"Ah.... Sige.." pag sang ayon ko. Pinatay nya yung natugtog at kinuha ang bag nya at sabay na kaming pumunta sa parking lot.
"Kamusta ang school tour?" tanong nya sa akin.
"Ayos naman.Ang ganda nga dito sa BA eh." sagot ko naman at isinuot ang helmet.
"Sa pagpasok mo sa Brilliant Academy.. Dun mo mapapatunayan ang totoong ikaw.."
Napa-isip naman ako sa sinabi nya. Totoong ako??
*******
Tumigil kami sa tapat ng bahay namin.
"Salamat Winter!" at ini-abot ko sa kanya yung helmet nya.
"walng anoman.. Sige ingat." at pina-andar na nya yung motor nya.
BINABASA MO ANG
Brilliant Academy (Slow Update)
RomanceBrilliant Academy is The most Prestigious Art School in the Nation and has produced a number of Famous Stars.Also known as 'School Of Stars'. Are you ready to enter Brilliant Academy??