Brilliant Academy
Chapter 3
(A/N: Dinelete ko yung unang chapter 3 na pinostko. Kasi parang ang bilis naman kung ma-iinlove agad sila sa isa't isa XDD may nabuong idea sa utak ko eh)
=========
pamela's POV
First day sa BA ngayon at yung about sa tanong ni Blaze... Di ako pumayag noon dahil alam ko na mas kailangan akoni Winter para maitaboy si Tania.
"So...Ikaw pala si Pamela??" nagulat ako nung biglang sumulpot ang isang babae na may kasama pang Tatlong babae at isang Tomboy. Lahat sila red ang lipstick maliban lang sa tomboy na kasama nila..
"Oo ako nga.." sagot ko.
"I'm Tania Rodriguez..." at inilahad nya ang kamay nya.
Tania?!As in EX ni Winter?!
"N-nice meeting you.." sabi ko at nakipag shakehands sa kanya pero hindi pa din nya binibitawan ang kamay ko.
"Mapapasa kin ulit si Winter.. Maagaw ko sya mula sayo! At itsura palang.. mas lamang na ako sayo.." at marahas nyang binitawan ang kamay ko.
"Victoria penge ngang alcohol." at binigyan nya nung isang babae ng alcohol at nag alcohol sya sa harapan ko na parang pinapahiwatig na madumi ako.
"Mag ingat ka sa pwede kong gawin." at naglakad na sya paalis kasunod yung mga kasama nya.
Nakahinga naman ako ng maluwag. Grabe ang ugali nung Tania na yun.. Di na ako magtataka kung iniwan sya ni Winter. Dumiretso na ako sa Practice room kung saan ako naka-assign. By Apelyido daw eh kaya sa Practice Room #3 ako kasi C yung simula ng apelyido ko.Pag pasok ko mga 15 kaming nandito.
"Sya di ba yung bagong girlfriend ni Winter??"
"Oo sya nga... Ang ganda pala nya sa malapitan."
"At mukhang mabait!Unlike Tania!"
Napayuko nalang ako. Naalala ko yung nangyari kanina bago ako pumasok dito.. Pumasok naman si Ms. Kim.. Sya daw ang Mentor namin.
"Dahil Firstday Introduction muna tayo kasi we're busy pa dahil inaasikaso namin ang nalalapit na 200 days training ng SHINee at F(x) bago sila mag Debut."
Doon ako sa pinaka dulo para panghuli ako. Nagsimula na sila.At nandito pala yung isang kasama ni Tania kanina. Yung Tomboy?? Amber Choi pala yung pangalan nya. At nung ako na ang magpapakilala nginitian ako nung Amber. Mabait nman pala sya eh.. Di tulad nina Tania.
"I'm Pamela Joy Castillo. Top 3 ako sa audition kaya ako nakapasok dito." at nginitian ko sila.
"Any question for her??" sabi ni Ms.Kim. Bawat nagpapakilala kasi pwedeng magtanong kaso hanggang 3 lang. Tumaas naman ng kamay yung isang babae na ang pagkaka-alala ko ay si Angel.
"Saan kayo nagkakilala ni Winter??" intriga naman nung Angel.
"Uhm sa..Sa Park! oo sa park." at nginitian ko sya.
Halos lahat ng tanong ay about sa amin ni Winter. At lahat ng sagot ko syempre puro kasinungalingan. Kasalukuyan kong inaayos ang gamit ko dahil break time na at iniintay na ako ni Winter sa labas.
BLAZE'S POV
Papunta na sana ako sa practice room nina Pamela ng makita ko si Winter. Oo nga pala, bali-balita sa school na sila daw. At ang saket. Kasi hindi naman totoo yung gusto ko syang maging Fake girlfriend eh... Gusto ko lang makasama sya... Dati ko pa yan gusto eh.. Simula noon audition. Nakita ko sya noon papasok ng Brilliant Academy tapos nung nag pe-perform sya sa harap nung mga nagsisilbing judge eh napapanood ko sya sa monitor. at doon ako tinamaan sa kanya.Kaso may iba pala sya.
BINABASA MO ANG
Brilliant Academy (Slow Update)
RomanceBrilliant Academy is The most Prestigious Art School in the Nation and has produced a number of Famous Stars.Also known as 'School Of Stars'. Are you ready to enter Brilliant Academy??