Brilliant Academy
Chapter 4
--------------------------
AMBER'S POV
"Ay Amber!pakita ko sayo yung nahanap kong design para sa costume natin sa darating na showcase!" Bigla namang akong hinila ni Tania papasok sa loob ng kwarto nya.
Paano ko sasabihin sa kanya??Haist! Wag nalang! Baka mas lalong lumala ang pagiging maldita ni Tania!tyaka alam ko namang wala na syang habol pa kay Winter eh.
Binuklat nya ang Laptop nya at pinindot ang isang picture."Diba mas maganda kung ganyang yung color ng costume natin??" tanongnya. tumango nalang ako.
"Amber bakit ka nga pala nandun sa labas ng kwarto ko kanina??May sasabihin ka ba?" at ito na naman ang utak ko nagtatalo kung sasabihin ko.Nakapag desisyon na ako kanina eh! Pero parang gusto ko talagang sabihin eh.
"Ah wala..sige alis na ako." sabi ko at tumalikod na.
"Wait amber! Sabay na tayo.Nag text si mommy eh nasa lobby daw sila." at sabay na kaming lumabas.
PAMELA'S POV
Nakita ko si Amber at Tania na magkasama. Patay! Sinabi naba ni Amber?Aish! ang lakas kasi ng boses ko eh!!
*riing riing*
Kinuha ko naman ang cellphone ko at tinignan. Nagtext si Winter.
From:Winter
Ano? sinabi ba ni amber kay tania??
agad ko namang ni-replyan si Winter.
To:Winter
Hindi ko alam eh.Basta magkasama sila kanina.
At tinago ko na ang cellphone ko pag kay send. Pumasok na ako sa room ko at kinuha ko ulit ang cellphone ko at tinext si amber,Nakuha ko kasi yung number nya kaninang umaga.
To:Amber
sinabi mo ba kay tania??
Kinakabahan ako eh.Alam ko ang ugali ni Tania. Maldita sya tulad ng sabi nung isa kong kaklase. At siguro pag nalaman nyang fake lang kami ni winter baka kung ano ang ikalat nun.
8:00 na pero wala pa ding reply mula kay amber kaya natulog nalang ako.
------
Nagmadali ako para maka usap si Amber. Napadaan ako sa isang room at sumilip naman ako. Si Tania pala....Ang galing nyang sumayaw.sinasabayan pa nya yung kanta. Pagkatapos ay umalis na ako. dumiretso na ako sa room namin.
"Amber!" tawag ko sa kanya at lumapit.
"Bakit?" tanong nya.
"Sinabi mo ba kay Tania?" tanong ko.
"Hindi." matipid nyang sagot.
"Salamat amber!" masigla kong sabi at pumunta na sa pwesto ko.
BLAZE's POV
Halos mapunit na ang labi ko sa kakangiti dahil Fake lang pala si Pamela at Winter.
"Pre, nabalitaan mo ba yung showdown na magaganap mamaya?? Yung mga Major daw sa Acting at Modeling eh. laban sa major sa Dancing at Singing" sabi ni Flinn at tumabi sa akin.
"Titigas din ng mga bungo nung mga yun eh noh?Ano namang laban nila sa atin??" pa birong sabi ko. Kami kasi ay Major sa dancing at singing eh.
"Iba 'to pre! Yung Host/judge ay papaikutin yung roleta then kung anong topic mapatapat kailangan maka isip ng kanta na tugma doon at kakantahin!" paliwanag nya.
"Pitch perfect lang ang peg?" pag bibiro ko pa.
"Nabalitaan ko Andun si Pamela eh sabi nung mga kaklase nya pupunta daw.." agad naman akong tumayo.
"Talaga? Tara na! Nasaan ba yang showdown n yan?"
"Mamaya pang gabi yun! Gago ka talaga! Excited?" sagot naman nya na parang natatawa. Umupo naman ulit ako.
"Basta kasi pangalan ni Pamela lang ang marinig ko ung puso ko halos malaglag na.." sabi ko sa kanya. Agad naman nya akong sinuntok ng pabiro.
"Naks! Ang corny!" pang aasar pa nya.
"Corny na kung corny.In love eh.." sagot ko sa kanya at naglakad na palayo.
PAMELA's POV
Nag hahanda na ako ngayon kasi mamaya gaganapin yung Showdown. Pumayag na ako para naman kahit papaano madami kami. After noon ay lumabas na ako at pumunta sa likod ng building. Pag kadating ko ay nandoon na sila halos lahat.
"Okay! 1st Round! Girls ng Room #3 sa Dance & Sing at Roop #3 boys ng Acting!" sabi nung lalaki sa gitna.
Kaya pumunta naman kami at hinarap yung makakalaban namin. Pero nagulat ako nung tumama ang paningin ko sa isang lalaki... It's him!! Tama ako sya yun! Napansin din nya ako at lalapit na sana pero nag simula na ang showdown... Si Arkin yun! Alam na alam ko ang itsura nya! Ang buong parte ng katawan nya! Arkin is Back!
~~~~~~~
A/N:XDD sino si Arkin?? Pasensya na at ganyan lang ang nakayanan! VOTE kung nagustuhan nyo tyaka comment na din! XD
BINABASA MO ANG
Brilliant Academy (Slow Update)
RomanceBrilliant Academy is The most Prestigious Art School in the Nation and has produced a number of Famous Stars.Also known as 'School Of Stars'. Are you ready to enter Brilliant Academy??