2. A Pleasant Surprise

1.9K 42 1
                                    

NAHUGOT ni Ella ang kanyang hininga nang sa wakas ay marating nila ang lugar na sinabi ng lalaki.

It was a small cabin na yari sa pulang bricks. Ang mga bintana naman ay gawa sa salamin at may munting porch pa sa harap nito.

Napakurap-kurap siya sa nakikita. Para siyang nasa ibang bansa sa tanawing nasa kanyang harapan. A cozy cabin for two in the middle of a lush countryside background. Ang mga damong nakapaligid sa cabin ay nagmistulang isang malaking carpet ng damo.

Sandali niyang nakalimutan ang suliranin at pagod nang mga sandaling iyon. Sa mga magazine at internet lang kasi niya nakikita ang ganoong tanawin kaya hindi niya mapigilang mapangiti sa kabila ng panginginig ng kanyang bagang dahil sa lamig.

Habang naglalakad sila kanina ay bumuhos ang napakalakas na ulan, drenching both of them and soaking them to their skin. Kaya ngayon ay yakap-yakap niya ang kanyang sarili upang mapigilan ang panginginig niya.

"Hey! Pumasok ka na nga bago ka magkasakit!" narinig niyang bulyaw ng lalaking nagngangalang Chase. Muling bumalik ang isip niya sa kasalukuyan at sa riyalidad.

Agad siyang napasimangot nang marinig ang boses nito.

Wala na ba itong ibang alam kundi ang sumigaw?

Hindi na lang siya umimik. Nagmamadaling pumasok na lang siya sa loob. Nakita niyang kasalukuyang nitong pinapa-apoy ang ilang mga tuyong kahoy sa malaking fireplace na yari rin sa brick. Ang mga aso naman nito ay nakapalibot na sa apoy, making themselves comfortable near the fire.

"I-is this w-where y-you l-live?" tanong niya sa nangangatog na boses at iginala ang tingin sa interior ng cabin. Lumingon ito at noon din ay napakunut-noo.

"Ano pang itinatayo mo riyan? Get out of your wet clothes!" muling bulyaw nito sa kanya.

Nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig. "H-here?" may balak ba ang lalaking ito na pahubarin siya sa harap nito?

Napabuntunghininga ito sa inis at lumapit sa kanya. Hinila siya nito papunta sa isang silid at kahit pa nagpupumalag siya ay wala siyang magawa dahil masyadong malakas ito. A strength to match his giant size.

"Nandiyan na sa loob ang mga gamit mo. Magpalit ka na bago ka pa magkasakit," anito.

Hindi siya agad pumasok sa loob. Kahit mahinahon na ang boses nito ngayon ay naroroon pa rin ang awtoridad sa tinig nito. Na tila ba sanay itong palaging nag-uutos at sinusunod.

At ang mga tanong na naglalaro sa kanyang isip ay lalo pang nadagdagan. Sino ba talaga ang lalaking ito? Chase nga ba ang totoo nitong pangalan or alias lang nito iyon?

Bumaling siya rito at muling nagtama ang kanilang mga mata. Naparakaming katanungan sa kanyang isip.

Ano ang gagampanan nitong papel sa buhay niya? At anong magiging papel niya sa buhay nito? Hindi siya naniniwala sa coincidence. Naalala niya minsan ang sinabi ni Breanna. Na lahat ng nangyayari sa mundo ay pre-destined. Lahat ng bagay sa buhay ng tao ay nangyayari dahil iyon na ang nakatakdang mangyari sa simula pa man.

Destiny din ba niya na makilala ang lalaking ito at this point in her life? Para ano?

"What are you waiting for?" bulong nito na ikinagulat niya.

Noon lang niya na-realize na masyado na pala itong malapit. Too close for her sanity. Napakurap-kurap siya.

"E-Ella," wala sa sariling sambit niya at mabilis na binuksan ang doorknob na nasa kanyang likuran.

"What?" tanong nito na hatalang naguguluhan.

"Y-you can call me Ella."

"Fine. Now get inside before you freeze to death!" muli na namang tumaas ang boses nito.

Stuck On You [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon