"NICE body," pabirong puna ni Rake nang makita nito ang babaeng nakahiga sa kanyang kama. Payapa na ang anyo nito at banayad na rin ang paghinga nito.
Napansin niyang sumasayaw sa tuwa ang mga mata ng kaibigan niya habang nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanya at sa babaeng nasa kama niya.
"Stop that," suway niya rito. "Hindi kita pinapunta rito para analisahin ang katawan niya."
Tumawa ito nang mahina.
"She'll be fine. Binigyan ko na siya ng gamot sa lagnat at sa stress na rin. She looked like someone na may mabigat na problema."
Tumango siya sa narinig. "That's what I thought, too," tugon niya at matamang pinagmasdan ang mukha ng babaeng mahimbing nang natutulog ngayon.
Napaigtad siya nang sikuhin siya ni Rake.
"What?" baling niya rito.
"Tapatin mo nga ako. Sigurado ka bang hindi mo ginahasa iyan?"
Tiim-bagang sinikmuraan niya ito ng mahina.
"Since when did I force myself on women?" tanong niya rito habang itinutulak ito palabas ng silid niya.
Tumawa ito ng malakas nang makalabas na sila. "Well...Since your girlfriend died?" anito at bahagya pang tinapunan ang malaking portrait ni Karyl na nakasabit sa dingding ng sala.
Hindi na niya itinama ang maling akala nito na girlfriend niya si Karyl. Nakilala niya si Rake nang magbitiw sa serbisyo si Brad. Nagbitiw na rin siya after one year at sumunod din si Rake sa yapak niya.
Inakala marahil ni Rake na girlfriend niya si Karyl dahil lagi niya itong bukambibig dito. Idagdag pa doon ang nagkalat na larawan ng babae sa buong bahay. Hindi na lang niya itinama ang maling akala nito.
Wala na siyang balita tungkol kay Brad. Sinubukan niya itong hanapin ngunit hindi siya nagtagumpay. Maging si Rake ay pinakiusapan niyang hanapin ito. Tuwina ay bigo silang matagpuan ito. But he kept hoping one day he will find his bestfriend again.
Tinitigan niya ang larawan kasabay ng pagdaloy ng mga alaala sa kanyang isip.
I hope you can forgive me, Karyl.
Araw-araw niyang ginagawa iyon mula nang dumating siya sa cabin na iyon. Dala-dala niya ang portrait nito mula Australia. Pinalaki niya ang wallet size picture nito sa kaibigan niyang pintor.
"She's more beautiful," puna ni Rake.
"I know."
"And alive too," dugtong nito. Napakunut-noo siya.
"And who are we talking about?"
"The girl in your bed. What was her name again? Ella?," sagot nito sabay kindat sa kanya.
Nakailag ito bago pa niya masuntok ito sa tagiliran.
"Fine, I'm leaving. Para mapagsamantalahan mo na ang iyong Ella," biro uli nito at tumatawang lumabas ng kanyang bahay.
Ilang sandali pa at narinig na niya ang pag-andar ng chopper na ginamit nito.
Naiwan siyang nakatayo sa gitna ng silid at nakatingala sa larawan ng babaeng minsan niyang minahal.
And she died because I was such a coward, lihim niyang sambit sa sarili.
Tandang-tanda pa niya ang buong pangyayari as if it all happened yesterday.
"W-what happened?" hinihingal niyang tanong kay Brad nang abutan niya ito sa labas ng operating room ng St. Vincent's Hospital sa New South Wales, Australia. Nakaupo ito sa isang bench sa tabi ng pinto ng operating room. Nakayuko ito at nakapikit.
BINABASA MO ANG
Stuck On You [COMPLETE]
ChickLit"It's only been a week since I saw you last Yet part of me was stuck in that moment That final embrace before you turned and left And I was never the same again..." === Sabi nila minsan lang darating sa buhay mo ang t...