MALAKAS NA BUHOS ng ulan ang gumising kay Ella. Sandali pa siyang na-disorient nang magising siyang nag-iisa at masyadong malapit ang kisame sa kanyang ulo. Nang ma-realize niyang nasa loob pala siya ng tent ay agad niyang naisip si Chase.
Sumilip siya mula sa slit ng tent at nakita niyang nasa labas pa rin ito. Wala na ito sa sleeping bag nito. Nakita niyang nakasandal ito sa isang malaking bato. Halatang basa na ito sa ulan. Malapit nang mamatay ang apoy na sinigaan nito kanina. Unti-unti nang nilalamon ng dilim ang munting liwanag mula sa apoy.
Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit hindi man lang siya nito ginising upang makisilong sa tent niya.
Hindi na siya nagdalawang isip. Agad niyang kinuha ang baon niyang raincoat at nilapitan ito. His eyes were closed and his body was rigid.
"Chase?" tawag niya ngunit hindi ito dumilat.
Hinawakan niya ang balikat nito at niyugyog iyon. He was instantly awake. Napakabilis ng pangyayari. One moment he was leaning against a boulder. The next thing she knew, nakatayo na ito at ang isang kamay nito ay nasa leeg niya.
Sinasakal siya nito!
Panic at kaba ang sabay niyang naramdaman nang mga sandaling iyon. Napakahigpit ng pagkakasakal nito sa kanya. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang reaksiyon nito. Was he mad at her because she taunted him earlier?
"Ella?" tila nahimasmasang tanong nito.
Mabilis nitong binitiwan ang kanyang leeg. Sunud-sunod ang kanyang pag-ubo.
"Salbahe ka!" aniya. Muli siyang napaubo. "Balak mo ba akong patayin, ha?"
Mabilis siya nitong ikinulong sa mga bisig nito. Paulit-ulit nitong hinagod ang kanyang likod. "I...I-I'm sorry. Hindi ko sinasadya. I thought...I thought sinalakay na tayo ng mga rebelde. Why did you sneak up on me like that?" tanong nito.
Dumistansiya siya rito at tiningala ito. Kung umasta ito ay tila balewala lang dito na basa na sa ulan ang damit nito.
Niyakap muna niya ang kanyang sarili bago sumagot. Kahit may suot siyang raincoat ay nanginginig siya. Hindi dahil sa lamig kundi sa sobrang kaba. She was shaken. It was a painful reminder of just how little information she knew about him.
"Aalukin sana kita na sumilong sa tent ko. Bakit ka ba nagpapaulan dito?"
"Ambon lang naman 'to. Besides, ayokong gisingin ka—"
"Ambon lang?" putol niya sa sasabihin nito. Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya napigilan ang sarili. "Tingnan mo nga ang sarili mo. Basang-basa ka na oh. Paano kung magkakasakit ka? Papaano ako mabubuhay sa bundok na ito kung wala ka? Tapos sa ganda kong ito napagkamalan mo pa akong rebelde? Sipain kita diyan, eh!"
Sandali itong natigilan. Tila hindi nito inaasahan ang outburst niya. Pagkuwan ay lumambot ang anyo nito.
"I'm sorry. S-sige, pumasok ka na sa loob," anito.
Ngunit hindi siya kumibo. Naghalukipkip siya. May paghahamong sinalubong niya ang titig nito.
He sighed and raised both arms in the air. Tila nahulaan na nito ang nais niyang mangyari.
"Fine. Magpapalit ako ng tuyong damit at papasok na sa tent. Happy?"
Noon lang siya nagbaba ng tingin at mabilis na tumalikod dito.
"Pumasok ka na at magpalit ng damit. Call me once you're done," utos niya rito.
Nagpasalamat siya dahil hindi na ito nakipagtalo sa kanya. Tahimik itong pumasok sa loob ng tent niya at nagpalit ng damit. Ilang sandali pa ay tinawag na siya nito.
BINABASA MO ANG
Stuck On You [COMPLETE]
ChickLit"It's only been a week since I saw you last Yet part of me was stuck in that moment That final embrace before you turned and left And I was never the same again..." === Sabi nila minsan lang darating sa buhay mo ang t...